Chapter 18

1373 Words
" talaga bang gusto nyong sumama ? I mean you can enjoy nalang here baka mapagod kayo sa pag punta sa sentro"  tanong ko kayla kai halos lahat kasi ay sasama  maliban kay ian  at jess na nag paiwan. " dont worry sanay kami sa ganito ri quinn kahit buhatin pa namin kayong mga babae papunta dun" birong sabi ni  noah.  Hindi ako naiilang sa kanila ngaun  simula ng mag kwentuhan kami ni mang danilo parang ang gaan ng pakiramdam ko. " napaka  yabang kala mo naman talaga magagawa"  parinig ni kai. " abat   kung hindi  ka lang   babae ng bestfriend nakuu...."   "  at  kung hindi. ano naman ang gagawin mo aber?!"   Mtapang na sabi ni kai.umamin sila sakin  ni calla na nanligaw ang dalawa sa kanila  noong wala ako. At mag iisang taon na sila hindi ko nga napansin dahil hindi naman sila ganong nag papansinan kapag nagkikita. Ayon pala  ay nahihiya sila sa akin  na ipakita dahil bestfriend  ng boyfriend nila ang  nankit sa akin at dahilan ng pag layo ko. " leave my girl  alone noah"  singit ni ethan sa dalawa at inakbayan si  kai. Magkatabi naman si cal at alvin. Masaya ako para sa kanilang dalawa.  Sana lang ay tumigil na ang dalawa sa pagiging playboy. Napailing nalang ako saking naisip. " lets go  baka abutin tayo ng dilim"  aya ni kuya julian  kasama ko lahat ng aking pinsan. Si darius ay nakasunod lang kay kuya julian na kasunod kong naglalakad. " magiingat kayo at baka masugatan kayo ng pakalat kalat na sanga"  sabi ni mang danilo. Sa gubat kasi kami dumaraan napaka laki pala ng islang ito.  Sa kalagitnaan namin ng paglalamad biglang kaming napahinto ng may marinig na malakas na tili. "Aaaahh.. Ohh my god what was that"  rinig naming sigaw ni vega. Na napakapit pa sa katabi nitong si noah. " ah palaka lang iyon lady vega, hudyat na malapit na po tayo sa sentro."  Paliwanag ni mang danilo. Abo daw palaka...  bakit naman palaka  tssk .. *kokak* *kokak**kokak* *kokak* Rinig ko nang patuloy pa kaming nag lalakad. " yaaaaaa... Ohhh my good  ethan  alisin mo yung palaka sa paahan ko waaaaa dali dali"  mangiyak ngiyak na sabi ni kai.  " ahm ma-mang danilo ma-malayo pa po ba ta-tayo?" " yaaaaaaaaaaaa!!"  Malakas kong tili at napatalon  pa ako sa gulat ng may maramdaman akong kung ano sa paa ko. "Hahahahahahahahaha"  rinig kong tawa sa likod ko. Ang walang hiyang si darius panay ang tawa at humahawak pa sa tyan. " ano ba !! "  kakainis anuhan ba daw ng  dahon ang  paa ko akala ko na tuloy palaka nakakabwesit. "Hahahahaa i didnt hahahaha know that you were afraid of frogs babe hahaha "  masama ko syang tinignan kung nakakamatay lang ang tingin ko bubulagta talaga to. Binatukan tuloy sya ni kuya julian tsss. " hahaha pasensya na hindi ko nasabi na madaming palaka dito  may falls kasi sa sentro kapag umagay dito naman ang tatago ang mga iyan. Wag kayo mag alala at malilinis na palaka iyan kinakain pa nga namin dito yan. Masarap yan i adobo"  sabi ni mang danilo. Pero mang danilo walang malinis na palaka huhuhu... Maya maya pa nakita na namin ang katapusan ng gubat  "Nandito na tayo"  Bumungad samin ang napaka lawak at gandang bulaklak na nakapaikot.  Pinalilibutan kami ng puno.  Hindi talaga kikita kung hindi sasadyain ang lugar na ito. " ito ang focal point ng isla. Tanging ang  nakakaalam lang ng daan ang maaring pumunta rito at yun ay ang iyong daddy. At ako dahil pinagkatiwala sa akin ang pag aalaga dito. Ito ang pinaka trabaho ko sa isla ang alagaan at linisin ang lugar na ito"  pagpapaliwanag ni mang danilo dahil napaka linis at walang makikitang tuyong dahon sa daraanan. " hali na kayo kaylangan pa natin mag lakad papunta sa gitna"  pag aaya ni mang danilo. Lumakad kami ng gitna ng mga bulaklak. May daanan doon na makikiit na bato  na tila tinambak upang matabunan ang lupa at may madaanan. Nang makalagpas kami bumungad  naman sa amin ang napaka laking falls. May taas itong tatlong  palag na tumatapon sa tubig sa baba.  Kaya napaka lakas ang tubig na maririnig sa paligid. At dahil din sa hangin at  tubig na bumabagsak  napaka  presko ng amoy sa lugar na ito. " is that"  turo ni kuya julian sa gitnang bahagi ng fals.. hindi namna kasi malalim ito at hanggang tuhod lang ang lalim.  Napansin ko  ang quadradong hugis itim  na hanggang dibdib ang taas na nakatayo sa gitnang bahagi ng tubig. May flower crown ito na ginto   meron din blue rose na design sa gilid at white rose naman sa kabila  na gawa sa mamahaling metal. Unti unti akong lumapit at humahakbang sa tubig.ng malapit  ay may hagdan  sa ilalim ng tubig kung saan nakatayo sa gitna noon ang  itim na quadrado na may nakalagay na 'misty wilson ' Mommy...  hinawakan ko lapidang  papunta sa pangalan  nito.  Mommy ... mommy... mommy... tawag ko saking isip. Tahimik lang akong umiiyak habang nakaupo sa  harap noon. Tahimik lang ding nakatanaw sa gilid ang mga kasama ko.  Tinabihan ako ni kuya julian  at nilagay nito ang kanyang braso saking balikat at niyakap ako sa kanyang dibdib. Naramdaman ko rin na tila umaakyat ang balikat nito dahil sa pag iyak.  Dahil sa ginawa nya ay mas lalo akong naging emosyonal sa dibdib nya ako umiyak ng umiyak.  Sya ang mas nakakilala  at nakakita kay mommy sya ang nakasama ni mommy noong bata pa sya.  Na hindi ko manlang naramdaman  ni hindi ko man lang nasilayan ang muka ng mommy ko.  Hindi ko man lang naramdaman ang yakap nya. Kinuha sya sakin ng wala pa akong muang. Inaalo lang ako ni kuya julian  sa likod na tila pinapakalma. Nang mapagod sa pagniyak  pasinghot singhot nalang akong bumitaw sa kanya. Humarap ako   sa pangalan ng aking ina. At malungkoy na ngumiti na tila  kaharap ko ito. " mommy .." iyon palang ang sinasabi ko tumulo nanaman ang luha ko na agad kong pinunasan. "  thank you for protecting me mom..  kung hindi dahil sakin hindi ka maagang mawawala"  " mahal na mahal ko kaya ni daddy kahit na hindi ko kayo nakilala sa pag laki ko. Alam ko kung gaano nyo ako kamahal. Dont worry mommy ill take care of dad. Sana  po happy kana dyan sa heaven. Im sorry mommy "    and for the second time   wala nanamang tigil ang luha ko. Napaka iyakin ko talaga.  Akala ko matibay na ako  akala ko wala na ang mahinang ria.  " shss.. stop crying ria its not your fault. Hindi gusto ni tita na makita kang umiiyak just keep smiling they protected you to see your smile"  naramdaman ko nalang ang kamay ni vega sa likod ko.  "Our mommy can be your mom  ate quinn"  malungkot na sabi ng kambal. Tumango tango ako  at ilang ulit na numunok para tumigil ang aking luha.. Habang nakatinging sa pangalan ng aking ina. Nakita ko nalang ang paisa isang bulaklak na inilalagay ng mga kasama ko sa harap noon. Nang kumalma na ako inilabas ko ang isang box galing saking bulsa.  Andun ang kwintas na kaparehas ng suot ko. Kinuha ko ang kwintas sa box at isinabit iyo sa taas ng gintong crown. Kaya siguro  pribado ang lugar na ito dahil  pag nakita ng bisita o sino mang tauhan ang gold croqn na ito ay maaring pag interesan ito.  Nang malagay ko ang kwintas ay hinawakan ko ang suot kung kwintas. Mommy pinagawa ko pa po iyan.. hinanao ko po ang gunawa ng kwintas na ibinigay mo sa akin.. simula ngaun palagi na kita makakasama.. sana po bantayan nyo kami ni daddy.. ilove you mommy."  Humarap na ako sa mga kasama ko na malungkot ang mga tingin.  Ngumiti lang ako ng malapad sa kanila. " thank you sa pag sama "   sabi ko.  " lets go  baka abutin tayo ng dilim"  sabi ko  tumango naman sila at nauna nang maglakad.   Inikot ko muna ang paningin sa buong lugar na ito.  Napaka ganda  hindi maitatago ang pag mamahal ni daddy kay mommy.  Bago ako unalis ay muli pa akong lumingon sa sa lapida ng aking ina. Dadalaw nalang ako ulit mommy  sambit ko sa isip at sumunod na sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD