Nagising ako sa sobrang kirot ng ulo ko. Hindi ko na namalayan anong oras ako nakatulog kagabi.
Nang makauwi ako agad na akong nagkulong sa kwarto. Wala rin kumatok at nang istorbo sa akin marahil napigilan na ni fay bago pa sila makakatok sa kwarto.
Hinatidan nya lang din ako ng pagkain. Dahil ng hindi ako sumagot sa katok nya nabuksan nya ito. Magtataka paba ako e kilala sya sa isla.
Naligo na muna ako at nag bihis na ako at nag suot ng spagetii na crop top at maikling short. Pinatungan ko na malaking jacket na halos matakpan na ang suot ko. Maaga pa at hindi pa susumikat ang araw.
Napagpasyahan kung maglakad sa dalampasigan. Naupo ako sa gilid noon at tumingin lang sa malayo. Sa ganitong tananiw madami pumapasok sa isip ko ang isip kung kayang maglakbay sa napaka layong lugar na hindi ako nakakaramdamn ng sakit sa ulo.
What i see can heal those pain.nature can help us to heal any pain na nararamdman natin. Kaya tinawag na mother earth dahil pag sya ang tinignan mo at madaming gumugulo sayo. kahit anong pang problema mo hindi ka makakaramdam ng pagiisa.
Misty island... mom creat this a paradise..
" ma'am quinn?" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si mang danilo ang care taker ng isla.
" mang danilo goodmorning" ngiti kong bati.
" napaka aga mo naman magising ma'am ikaw palang po ba mag isa?" Sabi nya. May hawak syang tasa ng kape sa kamay. Nginitian ko sya at tinapik ang tabi ko.
" kwentuhan nyo po ako tungkol sa isla mang danilo" nakita ko naman ang ngiti sa matanda. Pero bago pa sya makaupo nag tawag muna sya ng tauhan para ikuha ako rin ako ng maiinom. Nag padala rin sya ng cookies at inilagay sa gitna namin.
" anong gusto mong malaman ma'am quinn" sabi nya sakin ng may ngiti matapos simsimin ang kapeng hawak nito. Nilingon sya nakatingin sya sa malayo na parang ang lalim ng iniisip.
" lahat po ng tungkol kay mommy at sa isla" sabi ko. Uminom rin ako ng hot chocolate na ipinahanda nya sa akin.
" ang mommy mo napaka bait nyang tao" panimula nya. Hindi matatago sa boses nito ang lungkot. Nakatingin lang ako sa malayo habang hinihintay angnsusunod nitong sasabihin.
" nakilala ko si princess misty ng nasa syudad pa ako. Isa lang akong palaboy na iniwan ng pamilya dahil naging walang kwentang tao. Namalimos ako para may makain natutulog sa ilalim ng tulay umulan man o umaraw akala ko hindi na mag babago ang buhay ko halos hinihintay ko nalang nabawiin na ako ng maykapal para matapos na ang paghihirap ko."
" napakahirap mamuhay sa mundo anak, kaylangan mong magsikap para magkapera para mabuhay at malamanan ang sikmura. Naiisip ko nalang minsan kung bakit tayo ginawa ng taas para paranasin ng ganito. Hindi ba pwedeng hindi nalang tayo nagugutom at mabubuhay kahit hindi kumain. Pero nag kamali ako anak"
" dahil may isang angel na pinadala ang maykapal para tulungan ako kaming sukong-suko na sa buhay"
" ang mommy mo...tinulongan nya ako nang walang hinihinging kapalit. Nilapitan nya ako nang walang sabi sabing mabaho ako at marumi. Hindi sya katulad ng mayayaman na pakitang tao kung tumulong. Sya mismo ang humawak sa kamay ko at dinala ako sa isang mamahaling restaurant"
" nung una pa ngay ayaw kami papasukin. Pero nagalit pa ang mommy mo alam mo ba ang sabi nya?"
"Hmm?" tugon ko
" ang sabi nya sa staff bakit daw hindi ito pantay tumingin sa tao pare parehas lang ang mayaman sa mahirap may pera man o wala. Doon palang ay alam kunang busilak ang puso nya dahil sya ngang mayaman ay kayang tignan iyon ngunit ang mababa pa sa kanya ay sila pa ang nabubulag sa ganoon."
" hindi ko inaasahan na hindi lang pagkain ang itinulong sa akin ng mommy mo. Dahil dinala nya ako dito sa isla. Nung una pa ngay natakot ako dahil ang layo pa ng nilakbay namin. Pero gaya nyo rin ako ng unang matungtong dito sa isla"
"Bakit po?"
" dahil nanlaki rin ang mata ko ng makita ang dami ng tao rito. Hindi lang ako ang natulungan nya kundi kami. Nang unang mapunta ako rito hindi pa ganito ang isla. Simple palang ito at wala pa mang magandang tanawin kundi ang dagat"
" nang malaman kung katulad ko rin ang mga nauna sa akin. Mas lalo akong humanga sa iyong ina. Dahil kaparehas ko lang din silang naghihintay ng kataposan ng buhay. Nag bago ang pananaw ko sa buhay. Pinakita ng mommy mo sakin na lahat ng bagay ay may rason. Dahil hindi kami mapupunta rito at wala kaming magiging kakayahang tumulong sa iba kung hindi kami napunta sa paglilimos."
" ano pong ibig nyong sabihin? " naguguluhan kong tanong.
" kung hindi kami iniwan ng pamilya namin at napunta sa kalye hindi namin makikilala ang mommy mo. Hindi kami makakatulong sa ibang nangangilangan."
" paanong tulong?" I asked.
" lahat ng kabataan na iyong nakita sa isla ay kaparehas naming mga nauna. Sila rin ay palaboy na sa kalye. Lumuluwas kami para humanap ng katulad namin na nahihirapan at wala nang masasandalan. Dinadala namin sila dito sa isla para mabigyan ng matutulugan at pagkain. Pinagaaral din sila sa maliit na paaralan sa parteng likod nitong isla. "
" akala ko po ay native na kayo rito?"
" hindi anak sinabi lang iyon sa mga unang dating dahil hindi naman lahat ay maiintindihan kung bakit kami dinala rito. Hindi lahat ay may malawak na pangunawa kaylangan pa namin ikwento ng buo para maintindihan ang dahilan. " napatango na lamang ako. Oo nga naman kung sabihin nila na gindi sila taga rito at dinala lang sila rito. baka katakutan ang islang ito.
"Nang mapunta kami rito ay simple palang ang isla. Pinaayos ito ng mommy mo para sa pagpunta mo rito."
" poo?"
" nasa sinapupunan ka palang ng iyong ina ng dalhin nya ako rito. Madalas sila pumasyal ni prince timothy dito. Pinagplanohan nilang ipagawa ang isla para sa iyo kaya nag pagawa sila ng malaking garden at falls sa sentro ng isla na alam nilang magugustuhan mo kapag uuwi ka ng pinas. Gusto nilang maging bakasyunan ng pamilya mo ito. Kapag uuwi kayo ng pinas."
"Ngunit ng mamatay ang mommy mo nag bago ang lahat, hindi kami pinababayaan ng daddy mo once a year nalang syang dumalaw rito.siguro dahil napakaraming ala ala nila ng mommy mo sa islang ito. Dito sila madalas mag date naglalakad lang sila sa dalampasigan uupo ng kagaya nito at mag tatawanan. Dito rin sila nangarap para sa masayang pamilya. Gustong gusto ng mommy mo ang pinas. At ang simpleng buhay."
" nang mabalitaan namin namatay si ma'am misty ay nagluksa ang buong isla. Natakot at nangambang wala nang tutulong sa amin. Pero napalitan ng pag-aalala ng makita naming bumaba ng helicopter ang iyong daddy na may tama ng bala. Tinulungan naming maalis ang bala sa katawan ng prinsepe. Dito sya naglagi ng ilang taon. nalaman nalang din namin na kasama nya ang katawan ni ma'am misty sa helicopter na ginamit nito papunta rito. At ikaw naman ay nawawala."
" may galit na tao sa iyong pamilya, ilang beses nilang pinagtangkaan ang buhay ng prinsepe. Kaya itinayo ang isla sa seguridad ng iyong pamilya dito sa pinas. Kung sa denmark ay hindi kayo kayang galawin dito ay ligtas ang iyong pamilya"
" hindi madaling makapunta rito. Dahil nasa kalagitnaan tayo ng dagat bihira lang din ang barkong napapad dito kung totoosin nga ay walang nadadaan dito. Tanging sasakyang panghipapawid ang maaring makarating dito kung sasadyain ang isla"
" kaya napaka saya namin na natagpuan kana ng iyong daddy. Nakita namin kung paano nag luksa ang iyong ama. Ngunit sadyang nasa dugo nyo na ata ang pagiging maharlika na kayang bumangon kapag nadapa. Kahit delikado at mag isa lang sya rito ay nagawa nyang hanapin ka"
Napatakip ako ng bibig saking narinig. Hindi ko alam na ganoon kahirap ang dinadanas ni daddy para lang mahanap ako rito. Ngaun ko lang nalaman ang lahat dahil tanging pagkawala ko lang ang naikwento ni daddy sakin. At ang tungkol kay mommy, Alam kong sensitive ang topic about kay mommy kaya ni hindi ko magawang mag tanong. Umiiyak lang ako habang nakikinig.
" si-si mommy" nauutal kong sabi dahil sa pagiyak. Nakita ko itong tumango. NaPayakap ako saking tuhod at nakayukong umiiyak. Matagal kunang gustong madalaw ang aking ina. Wala lang akong lakas na loob na tanongin si daddy tungkol doon. At wala ring alam ang mga pinsan ko about dito. Dahil wala rin daw silang lakas na loob alamin ang lahat ng nangyari sa pinas.
Inaalo ng matanda ang likod ko na mas lalong nakadagdag ng emosyon ko. Hindi ko akalain na malapit lang si mommy sakin.
" ma-mang danilo" naiiyak kong sabi. Nakita ko naman ang lungkot sa mata nito. Hinawakan pa nito ang aking ulo at dalawang beses hinimas na parang batang pinapatahan ako sa harap nya.
" tumahan kana hija hindi gugustuhin ng mommy mo na makita kang umiyak." Tumango nlang ako at pinupunasan ang walang tigil kong luha.
" mamayang hapon dadalhin kita sa sentro ng isla" tumango nalang ako at malungkot na ngumiti. Inulit nya ang pag alo sa ulo ko na parang sinasabing tumahan na ako. Ngumiti ng malungkot ang matanda bago umalis.
Naiwan akong nakatingin sa malayo. Kaya pala tinawag na misty island. Mom... nmtahimik lang ako umiiyak sa tabi ng dagat. Nang mapagod ang aking mata inayos ko ang aking sarili at nag lakad lakad sa gilid noon habang sinisipa ang puting buhangin.