Three month have passed and we are still fake dating. Hindi na nga namin namamalayan na matagal na kami naglalaro sa pag-ibig. But I cannot deny the fact that I am in love with him. I don’t tell him my feelings verbally but I express my feelings through actions.
Ngayon ay kumakain kami ng dinner ni Dad at hindi ko kasama ngayon si Nik kasi busy ulit siya. Ayos lang naman sa akin kasi hindi naman dapat umiikot iyong mundo sa akin ni Nik. Wala naman kami.
“Do you remember Tristan?” Dad started. Nagbabalat siya ng saging habang nakasandal sa kaniyang inuupuan. “He is coming home to the Philippines. Nagsabi siya sa akin para makasama ka raw niya.”
My eyes widened. “Tristan? My childhood friend, Dad?”
“He is gonna go home from France. Naalala mo naman na nung highschool kayo ay nag migrate na siya sa France.”
“Yeah, I remember…” Sinubo ko na iyong kinakain ko at napapaisip ako hanggang ngayon. “Kailan siya uuwi?”
Napanguso ako habang inaalala ang kaibigan ko na si Tristan. I will never forget him because he was my only friend before. And alam niya iyong problema ko noon na may sakit si Mom. We are so close to the point people concluded that we are dating.
I hate it when people assume that a woman has a male friend. Pwede naman magkaroon ng kaibigan na lalaki na walang malisya e. He is like my brother to me. Siya rin iyong nanakot sa mga manliligaw ko kaya walang nagtatagal manligaw sa akin kasi takot lahat kay Tristan. Naalala ko pa na naging crush pa ni Babylyn si Tristan.
Tristan Gonzales is a basketball player in our school and he was so popular back then. Naalala ko na maraming babae na naiinis sa akin kasi close kami ni Tristan. The girls see me as a threat before.
“Tomorrow. Nagrequest siya sa akin na ikaw ang magsundo sa kaniya sa airport. Wala naman na rito iyong pamilya niya dahil nasa France na.”
I huffed. “Okay. Magl-leave muna ako sa trabaho?”
“You own the drugstore, Sianna,” Dad stated. Tumatawa siya sa akin dahil sa sinabi ko. “You own the time. Kaya sunduin mo na si Tristan para magkasama ulit kayo. Ang tagal niyo na hindi nagkikita. Sabi niya sa akin ay hindi mo raw siya nirereplyan sa Facebook.”
“I was busy, Dad.”
“I told him that you are so workaholic kaya siguro hindi mo nirereplyan iyong messages niya sa’yo.”
Our conversation continued about Tristan while I was eating my dinner. Nang tapos na ako kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Siguro makausap na rin si Nik dahil ayun na lagi ginagawa ko bago matulog.
I jumped on my bed and I laid my body on the soft mattress as I engulfed my phone from my pocket. Napangiti ako nang makita ko ang messages ni Nik sa akin. Panigurado na miss na naman ako nito.
From: Nik
I got home. How about you?
From: Nik
I’m currently eating my dinner. I miss you.
From: Nik
Where are you? :(
I was laughing while typing in my reply. Sobrang cute niya kapag hindi ko siya narereplyan.
To: Nik
I’m done eating my dinner. I’m sorry I didn’t bring my phone with me.
Nagulat ako na hindi tumagal na isang minuto ay nag beeped ka agad iyong phone ko. I bite the inside of my cheeks to suppress my smile. He really misses me. Oh boy.
From: Nik
I understand. Miss lang talaga kita.
To: Nik
I miss you too. :)
From: Nik
What are you doing? How’s work?
I really liked it when Nik asked about my days. Parang pinapakita niya na ang halaga ko at gusto niya malaman kung ano nangyayari sa araw ko. I was giggling while I’m typing my reply to him.
To: Nik
The usual. How about you?
From: Nik
It’s okay. Nagf-focus ako ngayon sa drugstore sa hospital at sa pagpapatayo rin sa Visayas ng drugstore niyo sa ospital namin.
To: Nik
That’s good to hear. :)
Hanggang sa naalala ko si Tristan na susunduin ko sa airport bukas. Sinabi na sa akin ni Dad iyong details kaya ako talaga gusto ni Tristan na magsundo sa kaniya. Kaya magpapaalam ako kay Nik baka sunduin niya ako sa trabaho.
To: Nik
Susunduin ko pala kaibigan ko sa airport. I’m on leave tomorrow.
From: Nik
Okay. Mag-ingat ikaw.
To: Nik
I’m sleepy. I’ll sleep na. Goodnight.
From: Nik
Goodnight, baby. Dream of me. :P
Nakangisi ako habang pinapatong iyong phone ko sa nightstand. Pinatay ko na iyong lamp shade at tinakluban ko na iyong katawan ko ng comforter. Curious ako sa kung ano na ang itsura ni Tristan. Masyado na kasi ako naging busy pagkatapos mamatay ni Mom.
Hindi ko na rin ginagamit iyong f*******: ko kaya dapat dine-deactivate ko na iyon e. Ngayon ko lang ulit naalala iyong account ko sa f*******:. Sa totoo lang ay miss ko na rin si Tristan dahil sobrang saya namin noon. He always jokes around to make me smile. He knows that my mother has cancer.
Unfortunately, he wasn’t with me when my mother died. Tristan and his family migrated to France for a new environment and new opportunity. Sobrang lungkot nung nagpapaalam siya sa akin. Medyo nasaktan lang ako kung kailan na kailangan ko siya ay wala na.
That is why I close my heart to everyone. I always know that there is nothing permanent in life. People always leave— no one stays.
Kinabukasan ay nag-aabang na ako sa tapat ng airport. Nakanguso ako habang naiinip na naghihintay kay Tristan. I even prepared a bond paper para ilagay doon iyong name niya. Hanggang sa may mga tao na lumalabas at inangat ko iyong bond paper ko.
Hindi rin ako sigurado kung maalala ako ni Tristan kasi ang tagal na ng panahon nung huli kaming magkita. Talagang ang focus ko ay nasa pintuan para makita ko siya. Ang init pa naman ng panahon ngayon.
Kinabahan ako na makita ang isang moreno na lalaki lumalabas habang tinutulak niya iyong pushcart kung saan nakalagay iyong dalawang bagahe niya. He is so tall, moreno skin type, has deep set eyes colored brown.
Mas lalo ko inangat iyong bond paper para mabasa niya kasi halata sa kaniya na hinahanap niya ako. His eyes roamed around until found my paper. Bahagyang umuwang labi niya pero naglakad na siya sa gawi ko.
Hindi ako makahinga kasi kinakabahan ako. Alam kong marami na nagbago sa amin dalawa at wala rin kaming komunikasyon kaya nagulat ako kay Dad na gusto ako makita ni Tristan. He was smirking at me while walking towards my direction.
“Hi, Sianna,” he greeted. “Wow… hindi kita masyadong nakilala.”
I gave him a small smile. “Likewise. You look more mature.”
“Syempre! Matanda na rin ako.”
Tumawa siya at mabilis niya binitawan iyong pushcart para lumapit sa gawi ko. He grabbed my elbow and pulled me for a tight hug. Medyo na awkward ako kasi sobrang close namin noon at ngayon hindi ko na alam.
“Did you miss me?” he whispered.
I chuckled nervously. “O-Oo naman. Tara na ang init.”
“Oh!” Mabilis siya bumitaw sa akin parang may naalala siya. “Mabilis ka nga pala mainitan. Let’s go. I hope you bring your car.”
“I did bring my car, though.” Kinuha ko iyong car key sa bulsa ko at mabilis ako tumalikod para maglakad na papunta sa parking lot. Pinapaypayan ko pa iyong sarili ko at mabilis pinindot iyong car key para tumunog iyon. “You can open the trunk para ilagay iyong bagahe mo.”
His lips twisted. “Thanks, Sianna.”
Nauna na ako sumakay sa driver seat at bahagya ko pa pinapaypayan iyong sarili ko. Nakahinga ako ng maluwag nang buksan ko iyong aircon sa loob ng sasakyan. Tristan jogged to the shotgun side to hop in immediately.
To be honest, nahihiya ako sa kaniya at ang awkward kasi ang tagal namin hindi nagkita. At masyadong masakit iyong huli namin kita kasi nagpapaalam na siya sa akin.
“Uhm… doon ka pa rin ba nakatira?” he probed.
I nodded my head. “Yeah, we are still living there.”
“Oh! I remember that we have a lot of memories in our subdivision before. May nakatira na ba sa tabi ng bahay niyo?”
“Oo matagal na.”
“I hope we can turn back the time.” Napasandal siya sa backrest habang nakatingin sa akin. Wala lang ako imik sa kaniyang sinasabi. “How’s Tito Luis?”
I sighed. “He is doing fine.”
“I’ve heard you become a pharmacist, huh? Congrats!” he said, enthusiastically.
“Thanks,” I replied. “Saan mo gusto kumain? I know you are hungry.”
He smirked. “Let’s eat at Savory. I miss eating there with you.”
Hays. Matagal na rin ako hindi kumakain sa Savory kasi masyado na akong busy sa buhay ko. Naalala ko na paborito namin na restaurant iyon sa mall. Minsan kapag birthday niya noon ay doon kami kakain kapag dalawa lang.
Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan ko na ang stereo na mag-ingay para hindi awkward. Siguro masyado na talaga akong suplada at awkward. Alam kong nararamdaman sa akin iyon ni Tristan kaya marami siyang topic. I know that he missed me too.
Nagpark na ako sa parking lot para kumain sa Savory. Nauna na ako bumaba at sumunod naman siya. My face is still in stoic expression while walking inside the restaurant with Tristan. Siya ang naghanap ng table para sa amin dalawa. Kausap niya iyong waiter habang ako ay umupo na.
I was drumming my finger against the wooden table. Medyo naiinip ako kaya kinuha ko iyong phone ko. Miss ko na rin si Nik kaya titingnan ko kung may message na ba siya sa akin.
From: Nik
Hello, I am drinking my coffee right now. What are you doing?
From: Nik
Are you with your friend? Reply asap.
From: Nik
I miss you again. :(
Naudlot iyong pagtitipa ko sa phone nang maghila ng silya sa harapan ko si Tristan. Pansin ko nga na maraming nagbago sa features niya. He has light stubbles on his jaw and he looks more mature.
“Hindi ka na nag-oopen ng f*******:,” he started. I could sense the melancholy through his voice. “I’m sorry if I migrated to France.”
I gulped. “It’s fine. Matagal na iyon kaya huwag ka na mag sorry.”
“So…” he trailed off. “How are you? I’ve heard from Tito Luis that you are a workaholic. I’m very proud!”
“I’m good. I prefer to work than to sleep on my bed.”
“Sobrang sipag mo pa rin hanggang ngayon.”
He showed me his warm smile. Hanggang sa may waiter na naglapag ng iced tea sa lamesa namin. Sumandal ako sa inuupuan ko at naisipan ko mag type ng message para kay Nik.
To: Nik
We are at the Savory. I’m sorry I was busy.
“How did you cope up with Tita’s death?” he asked.
Napahinto ako sa ginagawa ko at hindi ko siya matingnan. Usually, iniiwasan ko iyong mga ganiyan na tanong about sa Mom ko. I left a scar on my heart when my mother died because of cancer.
“Been through a lot and I just…” I responded. Hindi ako makakuha ng tamang salita. “Basta nag focus na lang ako mag-aral.”
“Do you have new friends or something?”
“I didn’t look for any friends because all of them will leave eventually. So I focused on studying until I graduated with latin honors.”
His smile melted when he heard my words. Mabilis ko iniwas iyong tingin ko at medyo naiinis ako sa sarili ko. Ang insensitive naman iyong sagot ko. Siguro iisipin ni Tristan na kasalanan niya iyon.
He licked his lips. “I’m really sorry. I wasn’t there for you…”
“Hayaan mo na.” Kinuha ko iyong iced tea at uminom para mabawasan iyong bigat sa dibdib ko. Naramdaman ko na nag beeped iyong phone ko.
“I asked for Tito Luis a favor para makapag sorry ako sa’yo. You are not responding to any of my messages. Gusto ko ulit kita makita and sobrang miss na kita. I’m sorry, Sianna.”
Palihim ko binasa iyong message ni Nik habang nagsasalita si Tristan sa harapan ko. Medyo naiinip ako at nagugutom kasi wala pa iyong pagkain na inorder ni Tristan.
From: Nik
I’m currently meeting with my board members. How are you?
To: Nik
I’m sorry. We’ll talk later. And I’m okay, thank you.
“Oh, the food is here,” Tristan announced.
Nilapag ko muna iyong phone ko sa tabi para makakain na kaming dalawa. Tahimik lang ako kumakain habang kinukwento ni Tristan iyong journey niya sa France. Marami raw siyang nakilala na mga French doon at naging sikat din daw siya sa unibersidad. Palagi lang tango ang tugon ko sa kaniya kaya nahihiya ako sa sarili ko.
I am not the same Sianna before. Kaya dapat masanay ngayon si Tristan kung cold o suplada ako. Hindi na ako marunong makihalubilo sa tao lalo na sa parte ng nakaraan ko na matagal ko nang kinalimutan.
Ngumiti siya sa akin. “The food is still nice. God, I miss eating their lumpia and pancit.”
“I miss their chicken and rice.”
“Yeah, I miss everything lalo na ikaw.”
He winked at me while taking a bite to his lumpia. Napailing na lang ako sa kaniyang ginawa. Medyo flirty din siya sa akin noon nung magkaibigan kami. Gusto ko pa kausapin si Nik pero nahihiya ako kasi may meeting siya ngayon.
I miss that man so much.
“So, do you have a boyfriend?” he beamed.
Matagal ako napatitig sa kaniya dahil hindi ko masagot iyong tanong niya. I still don’t know our status if we are fling or MU. Damn.