After our vacation, it is already back to normal. I spent my days working in the drugstore because Nik is kind of busy. Kaya hinayaan ko na lang siya kasi alam kong marami siyang trabaho.
Dalawang ligo na lumipas nang makauwi kami. Sobrang saya ko kasi natanggal iyong stress ko at gumaan din ang dibdib ko kahit papaano.
Dahil wala siya ngayon parang bumabalik na naman ang dati kong ugali. The cold Sianna is back again because I haven't seen him in one week.
Kaya seryoso na ginagawa nila Kenjie at Ashley ang kanilang trabaho sa drugstore. I was busy checking the boxes of medicine to put them in a the shelves properly. Medyo abala naman ako pero alam kong miss ko na siya sobra.
Everything between us changed during our vacation. Ramdam ko iyon kasi naging masiyahin ulit ako at na realize kong mahal ko na si Nik.
Palagi ko iniisip kung ano ba rason kung bakit ako mahuhulog sa tulad ni Nik. Yes, he is a flawed person but whenever we are together he is being transparent to me. He showed me the real him. Kaya nakakatuwang isipin na iba ang trato niya sa iba kaysa sa akin.
We often talk to each other through text messages. Nag-uupdate siya sa akin kung ano ang ginagawa niya at kung kumain na ba siya. Hindi niya nakakalimutan magtanong kung kumusta ba ang araw ko. He is making me fall for him harder. s**t.
Napatingin ako sa wall clock na twelve o'clock na. Kaya pala break na nila Ashley at Kenjie. May substitute sa kanila tuwing break kaya ayos lang naman. At hindi rin nakakalimutan ni Nik na magpadala ng pagkain sa akin. Ayaw niya na nagugutom ako.
"Bumalik po ulit iyong kutis niyo, Ma'am," Ashley commented.
Napatingin ako sa sarili ko. "Ah, I got sunburned because I had a vacation."
"Kaya po pala! Mukhang blooming po kayo ngayon kasi nakapagpahinga po kayo ng isang linggo sa beach."
"Mmm. My vacation helps me a lot."
Hinila ko na iyong swivel chair ko at umupo na. May paperbag na nakapatong sa lamesa ko like the usual. Pero kinuha ko iyong phone ko kung may update na ba si Nik sa akin. Minsan palagi ko siya hinahanap at naiinip ako kapag busy siya. Hindi ko na kasi kayang hindi siya nakakausap o nakakasama.
Yeah, I'm really screwed.
From: Nik
I asked my secretary to buy me some food. Kumain ka na ba?
I typed in my reply with a smile and beinh giddy. I really miss this man so much!
To: Nik
Not yet. It is our lunch break. Kakain pa lang ako. What are you doing?
From: Nik
I'm thinking about you while I'm waiting for my lunch.
I bit my lower lip when I read his message. Napairap ako sa hangin at nilapag muna ang phone sa lamesa ko. Nang umangat ang tingin ko ay napansin ko na nakatingin sa akin sila Kenjie at Ashley parang nakikiususyo na naman. Mabilis nila iniwas ang tingin parang walang nangyayari.
Huminga ako ng malalim at nilabas ko na iyong pagkain. May pineapple juice pang kasama kaya tinusok ko na iyong straw. He is very thoughtful.
Nagbeeped na naman iyong phone ko hudyat na nag message na naman siya sa akin. Nakanguso ako habang binabasa iyong message niya naman sa akin.
From: Nik
I miss you, baby.
Damn it. My heart is beating crazily inside my chest. Siya lang naman ang may kakayahan na baliwin ang puso ko. Kaya nagsimula na ako mag type ng reply ko.
To: Nik
I miss you more.
Ugh! Really?
Dahil nahiya ako sa ni-reply ko ay nilapag ko muna iyong phone ko at sinimulan ko na kumain. Tahimik lang ako kumakain pero hanggang ngayon ay nag-iinit ang pisnge ko. Hindi ko ba alam kung napapansin niya na naging sweet ako sa kaniya. Sana nga hindi.
Nasa kalagitnaan ako sa pagngunguya nang mag beeped na naman ang phone ko. Excited ko iyon binasa para alamin kung ano man ang reaksyon niya.
From: Nik
Sunduin kita mamaya. I wanted to apologize for not giving you my time. I will make it up to you.
To: Nik
Really? Abangan kita mamaya. And huwag ka mag sorry. I'm not your responsibility.
From: Nik
Are you kidding? You are my girlfriend.
Mas lalo nagrambulan ang paru-paro sa tiyan ko. Pinipigilan ko hindi mag react sa sinabi niya pero sa loob-loob ko ay nagwawala na ako sa sinasabi niya. I was sipping on my pineapple juice when my phone beeped again.
From: Nik
I can't wait to kiss you later.
Damn this man with his flowery words. Mas lalo ako nauhaw kaya naubos ko na iyong pineapple juice. Nakakainis!
"Si Ma'am mukhang kinikilig!" Kenjie teased.
Bumubungisngis si Ashley habang nakalingon sa akin. My smile immediately faded and I changed it into a stoic expression. Damn it. Halatang kinikilig talaga ako e.
"No, I'm not," I lied. Sumandal ako sa swivel chair. "I am talking to a friend."
"Friend po ba talaga?"
Hinampas ni Ashley sa braso si Kenjie. Iniwas ko iyong tingin sa kanila.
I cleared my throat. "I'm not talking to Mr. Montepalma. Stop it."
"Ma'am, wala naman ako binanggit na si Mr. Montepalma po iyon!" Kenjie snickered. "Okay lang iyan, Ma'am."
I narrowed at Kenjie. "Halata kasing siya tinutukoy niyo."
"Huwag mo na nga asarin si Ma'am Sianna! Kapag tinanggal ka sa trabaho niyan!" ani Ashley.
Namilog mata ni Kenjie. "Joke lang, Ma'am! Peace po tayo!"
I laughed. "It's fine. Hindi naman ako gano'n kababaw."
Mabilis huminto tawa ko at sumandal na lang ako sa swivel chair. Kasalanan ko rin kasi e. Tama naman si Kenjie na wala naman siyang binabanggit na tao pero nasabi ko pa talaga si Nik!
Patay na patay ka talaga kay Nik, Sianna!
Inubos ko muna iyong food ko bago ako nagdesisyon na kunin ang phone. Tapos na rin naman kumain sina Ashley at Kenjie kaya bumalik na ulit sila sa counter.
To: Nik
I'm done eating. I'll get back to work.
Napanguso ako nang mabilis ako makatanggap ng mensahe sa kaniya. Hindi naman halata na inaabangan iyong message ko. Hmm.
From: Nik
Okay. I also finished eating. Nagpatimpla lang ako ng kape sa sekretarya ko.
To: Nik
Mag focus ka na diyan.
From: Nik
I can't. You are still running inside of my head. :)
My eyes rolled back at the back of my head. Kung nandito lang si Nik ay nakurot ko na siya sa braso. Hindi ko talaga kaya itago iyong kilig ko.
To: Nik
Shut up. :p
From: Nik
Kiss me so I'll shut up.
Fuck you! Mas lalo niya ako binabaliw sa kaniya. Kaya pinasok ko na iyong phone ko sa handbag para mag pokus ako ng husto sa trabaho. Tumayo na ako at bahagyang umunat para ready na ako.
Muli ko inisip iyong message niya sa akin. I grinned inwardly. I will definitely kiss him so he'll shut up.
The dawn came so quickly, I looked at the wall clock. It was already eight o'clock in the evening. The drugstore is quite busy because some people get sick due to the weather. Maraming bumibili ng gamot sa sakit lalo na sa ubo at sipon.
Umangat ang tingin ko nang mapansin na may matangkad na lalaki pumasok. I almost lost my breath when I saw Nik holding a bouquet of flowers in his hands.
My heart began thumping inside of my chest. My whole body stilled while watching him walk in my direction. He was smirking devilishly at my direction.
Ang gwapo niya talaga.
"Flowers for you, baby…" he said, softly. Inabot niya iyon sa akin. "I miss you so I bought you some flowers."
"Thanks," I replied. Tinanggap ko iyong bouquet of flowers sa kaniya. "Nakakahiya naman. You really don't have to."
He angled his head. "I realized that I haven't bought you any flowers. I remember you when I stare at the roses. You are so beautiful like the roses."
Bigla ako napatingin sa paligid. Pinipigilan ngumiti ng mga nagt-trabaho dahil sa nangyayari. Mga bumibili naman ay kuryuso kung ano ganap sa amin.
Kaya mabilis ko siya pinapasok sa counter. Pinadaan naman siya ni Kenjie at bumati pa ito. Bumaba ang tingin ko sa flowers na binigay niya. Wala pang lalaki na nagbibigay na bulaklak sa akin. Kahit may mga manliligaw ako noon… hindi pa nila ako binigyan kahit isang beses.
Nik is full of surprises sometimes. Iminuwestra ko iyong maliit na couch at umupo kaming dalawa. Medyo nahiya ako kasi nagt-trabaho ang mga kasama ko habang ako rito ay lumalandi.
I gulped. "Thanks for the flowers. I really appreciate it."
"I know you will love it. I miss you."
"I miss you, too."
My eyes dropped. I was playing with my fingers when I felt him move beside me. He used his index finger to move my jaw and our eyes met. My heart raced.
"Sorry I was busy…"
Napanguso ako. "Ayos lang. You are a successful businessman, you will be very busy, though."
"But I wanna spend most of my time with you. I hate it whenever I'm not with you."
"Gano'n din naman ako pero may kanya-kanya tayong buhay. You have your own responsibility. Naiitindihan ko naman e."
He stared at me so deeply. "I don't care. I want to give my baby some time. I'm really sorry."
Mas lalo ako yumuko para pigilan ko hindi mapangiti. Kahit siya ay ngumingiti dahil sa sinabi niya. Halatang miss namin ang isa't isa. He slightly bumped his shoulder with mine while we are still holding our smile. Do we look like we are madly in love with each other?
I rolled my eyes playfully. “You’re smitten of me, huh?”
“Sobra…” He rested his forehead on my arm. “I was really stressed and tired. Ikaw lang pahinga ko.”
“Really? Ako pahinga mo.”
“Yes, baby. You are my only home.”
Medyo inangat niya iyong tingin niya pero iyong mukha niya ay nasa braso ko pa rin. Mapupungay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Naawa ako kasi susunduin niya pa ako kaysa magpahinga na lang siya diretsyo sa condo niya. Ayaw niya raw na pinapabayaan niya ako. Kaya nga mas lalo ako nahuhulog sa kaniya ng husto.
I smiled. Hinalikan ko iyong tuktok ng ulo niya. Tumayo ako para pagsilbihan siya kasi malapit naman na kami umuwi. Binigyan ko siya ng malamig na tubig at ininom niya naman iyon. Hinayaan na ako nila Kenjie kasi sila na ang tumatapos sa trabaho nila.
Tulad ng ginagawa ko ay ako ang nagsasarado ng drugstore. Kami ulit natira ni Nik at siya ang nagpresinta na i-lock iyon pintuan. Inoffer niya sa akin iyong sasakyan niya. Hindi niya ako napuntahan kaninang umaga dahil may meeting daw siya.
Iiwan ko na lang muna iyong sasakyan ko rito dahil sasabay muna ako kay Nik pauwi. Gusto ko muna ibuhos iyong oras ko sa kaniya sa maliit na oras. Maybe I could offer him to have dinner with us later.
“Kumain ka na ng dinner?” I asked.
“Not yet,” he answered. “Magd-dinner ba tayo sa inyo? I miss Tito’s mechado.”
“Nagustuhan mo iyong mechado na niluto niya?”
“Of course! Kung ano ang mga gusto mo ay gusto ko rin. Pero masarap talaga magluto si Tito.”
“Masarap din siya magluto ng pesto. Favorite ni Mom iyon.”
His lips twisted. “And that would be my favorite also.”
Humalakhak ako kasi masyado akong pinapahanga ni Nik. Kahit siya ay napapangiti sa akin at tinuon niya na iyong pokus niya sa pagmamaneho. Inabot kami ng thirty-five minutes bago kami makarating sa subdivision namin. Tinanguan niya iyong driver parang close niya na agad.
“Close mo agad?” I chuckled.
“Kilala na ako no’n kaya hindi na kailangan tumawag sa inyo para humingi ng permiso. And bumibili ako minsan sa drive thru para bigyan siya ng pagkain.”
I gazed at him in awe. “Aww. You are so kind!”
“Mabait naman talaga ako.”
Proud talaga siya habang sinasabi iyon. Pumarada na kami sa tapat ng bahay at mabilis siya bumaba ng sasakyan. Bigla ako natahimik dahil palaging ugali ito ni Nik sa akin. Gusto niya na pinagsisilbihan ako. Binuksan niya na iyong sasakyan at pinasok niya pa iyong kalahati ng katawan niya para tanggalin iyong seatbelt. Tapos hinawak niya iyong kamay ko at bumaba na ako.
Kinuha ko iyong susi sa bag ko at naglakad na ako papunta sa pintuan. Binuksan ko iyon at may naamoy ka agad ako na pagkain. Hawak-hawak ko pa rin iyong kamay ni Nik at naglakad kami papunta sa kusina kung nandoon ba si Dad.
Naabutan namin si Dad na nagluluto at nilingon niya pa kami. Kumaway ako sa kaniya at lumapit para hagkan siya sa pisnge.
“Good evening, Mr. Rodriguez,” Nik greeted formally.
Tiningnan siya ni Dad. “You should call me Tito Luis instead.”
“Thank you, Tito Luis.”
“Sakto iyong dating niyo kasi tapos na ako magluto. Sinigang ito kasi nire-request ito sa akin ni Sianna. Kumakain ka ba nito?”
Nik nodded his head. “I love sinigang.”
“Miss daw niya iyong mechado mo!” I exclaimed.
Namilog iyong mata ni Nik dahil sa sinabi ko. Bigla siya napakamot sa batok parang nahihiya kay Dad. Parehas kaming tumawa ni Dad at tumabi ako para tulungan na rin siya.
“Sa susunod na bumisita ka ay pagluluto kita no’n ulit!” si Dad na sinasalin na iyong sinigang sa malaking bowl. “Busy ka raw sabi ni Sianna?”
“Opo, tinatapos ko na agad para makasama ko na si Sianna.”
“Kumusta na pala iyong ipapatayo na drugstore sa tabi ng ospital?”
“I’ve already talked to my engineers. Gusto ko pa rin kung ano ang itsura ng Ol & Sianna ay gano’n ang itsura.”
Dad gave him a warm smile. “Thank you so much, hijo.”
Masaya kami na kumakain ng dinner tatlo. Mas palaging kausap ni Dad si Nik dahil gusto niya malaman iyong mga plano niya. Halata naman na gustong-gusto ni Dad si Nik.
And I hope the disaster will never come again. We are so happy right now.