He always stays in the drugstore to see me everyday. And everyday he has different reasons to come by. I’ve been thinking about what happens when we dance in the rain. The old woman was happily watching us.
As much as possible, I am trying to avoid him. The last time I went with him… I became carefree and happy. I recognized myself last time— it was the old Sianna.
Habang inaayos ko iyong gamot ng customer sa harapan ko ay pumasok si Mr. Montepalma na may dalang kape sa starbucks at paperbag na sinisigurado kong lunch ko ulit. Nasanay tuloy ako na si Mr. Montepalma ang nagdadala ng pagkain sa akin.
Napansin ko na tiningnan na naman ako nila Kenjie, Ashley at ang iba pa. May tukso sa kanilang titig at pinipigilan pa hindi ngumiti.
“I bought us some lunch,” Mr. Montepalma said.
“Our lunch?” I responded. Naningkit ang mata ko dahil napangisi na lang siya. Iminuwestra naman ni Ashley ang pagpasok sa loob ng counter. “Last time it was only my lunch. Now it is our lunch.”
He gave me a shrug. “People change…”
Binalik ko muli ang atensyon ko sa customer na naghihintay sa akin. Inasikaso ko muna siya at nagpresinta na naman si Kenjie sa counter para makakakain ako. Nahihiya ako sa mga employees ko sa drugstore. Iniisip talaga na meron namamagitan sa amin dalawa.
Umupo ako sa harapan niya na hinahanda na ang lunch. Kada uuwi ako ay iba rin ang tingin sa akin ni Dad. Hindi ko alam kung may alam na siyang laging nandito si Mr. Montepalma para samahan ako.
“This is your Danish cinnamon roll…” Nilapag niya na sa akin ang isang box ng dessert ko. Napalunok ako at dahan-dahan ko siya tiningnan. “I hope you like beef steak and steamed broccoli.”
“Looks delicious, Mr. Montepalma.”
He eyed me. “I want you to call me Nik.”
“Why?” I opened the box and gave him the plastic utensils. Naalala ko tuloy ang full name niya. “We are business partners. We should be formal to each other.”
“Hmm. I want you to call me Nik. Or else…” he trailed off.
“Or else what?”
“I’m gonna tell them we dance in the road while it's raining.”
I gaped. Mabilis ko tinakpan iyong bibig niya para may hindi pa siya sabihin tungkol doon. Gusto ko siya kalimutan pero aaminin ko ay isa sa pinakamasayang araw ko iyon. Nilingon ko iyong mga employee ko at may panunuya sa tinginan nila Kenjie at Ashley.
Damn it. Sana hindi nila narinig iyon!
I glared at him. “Just eat your lunch, Nik.”
“I like it, mon amour,” he muttered.
I fought the urge not to roll my eyes. But a ghost smile stretches on my lips while munching the broccoli. Tahimik lang naman kami nag lunch at hindi naman masyado nag-uusap. Minsan napapaisip ako kung paano ang kumpanya ni Mr. Montepalma kung wala siya roon sa Montepalma Hills Hospital.
Like the usual day, Mr. Montepalma stayed in my drugstore and sometimes he even entertained our customers. But I keep myself busy to forget him in my mind even if he is here in our drugstore.
Naging seryoso naman sina Ashley at Kenjie dahil medyo marami ang customers ngayon. Napansin ko na may dalawang paparazzi sa labas ng drugstore ko. I realized why too many people are here… because the famous heir of Mr. Montepalma is here.
Darn it. Bakit hindi ko man lang naisip iyon?
Mabuti na lang hinaharangan ng guwardiya iyong mga paparazzi. Para hindi magkaroon ng komosyon sa loob ng drugstore ko. Pero ang pansin ko ang iba sa kanila ay kuryuso kung bakit nandito si Mr. Montepalma.
I heard my phone beeped from my email. I knew it was Mr. Montepalma. Napansin ko na wala na siya sa kaniyang kinauupuan.
From: N.DMontepalma@email.com
I’m sorry for the commotion. I will leave temporarily because the paparazzi are here.
Kinagat ko iyong ibabang labi ko at nagpokus muli ako sa trabaho ko. I gave them a small smile and gave them the best service of my drugstore.
Nakasandal lang ako sa sofa habang hinihintay magluto si Dad. Hindi ko alam kung ano meron sa kaniya dahil naghahanda siya para sa amin. Si Baby naman ay busy magscroll sa i********:.
“Oh! This is Mr. Montepalma in the article!” Baby exclaimed.
I got attentive. Hindi ko pinahalata sa kaniya na interesado ako at pinakita pa niya sa akin ang article at picture ni Mr. Montepalma na lumalabas sa pintuan ng drugstore ko. Naiitindihan ko na kahit hindi siya artista ay sila ang pinakamayaman sa buong asya.
Baby raised her eyebrows. “Oh my God! This is your drugstore, right?”
“Yeah…” I nodded my head. Iniwas ko ang tingin sa kaniya. Sa gilid ng mata ko ay pinapanood na kami ni Dad. “He was just… just… checking the good quality of our medicine.”
“Hmm. Okay,” si Baby na halatang hindi pa naniniwala sa akin. Tumayo na siya at lumapit na kay Dad na nagluluto ng pesto para sa amin dalawa. “Malapit na ba Tito? Na miss ko luto mo!”
Humalakhak si Dad. “Malapit na, Babylyn. Alam kong paborito niyo ang luto ko na pesto.”
It is also my mother’s favorite. Pero hindi ko na iyon dinugtong sa usapan nila. Tahimik lang ako buong oras hanggang sa hinanda na iyon ni Dad ang pesto sa dining table. Tumulong na ako sa pag-aayos ng kubyertos.
I sat down in our dining chair, then I saw Baby giving me a meaningful look. Nagtataka naman ako sa kaniya. Nakanguso siya habang pinapakita sa akin ang isa na naman na article.
It was our picture eating together in the lugawan!
“It looks like Mr. Montepalma and the heiress of Ol & Sianna Drugstore are dating secretly!” Binasa talaga ni Baby iyong nasa title ng article. Bigla ko naman nasapo iyong noo ko. “Tito! What is the meaning of this?!”
Dad sighed. “It’s nothing special, Babylyn. They are just discussing the business plan and our investment in their hospital.”
“Dad’s right!” I said, defensively.
Nanatili ang tingin sa akin parang inaalam kung ano ang tumatakbo sa isipan ko. Kumain na lang kami ng niluto na pesto ni Dad. Masaya naman nagk-kwento si Baby kung ano mangyayari sa kasal nila ni Craige.
Ilang araw na ang lumipas ay malapit na rin ang kaarawan ko. Excited si Baby sa birthday ko pati na rin si Dad kaya ang weird. Nandito kami ngayon sa isang restuarant, kung saan third wheel ako nila Baby at Craige. French cuisine ang kinakain namin.
“Tell me about the billionaire Montepalma!” Baby started. Aangal sana ako ng ituro ako ni Baby gamit ang tinidor. “Don’t give me that look, Sianna. Because I know you better than Tito Luis! You can speak now.”
Hinawakan naman siya sa balikat ni Craige. “Just calm down, Baby.”
“Ano naman ang sasabihin ko? We are formal to each other…” Hindi ako makatingin sa mata ni Baby. Wala naman malisya sa amin ni Mr. Montepalma. Yes, we ate together at the Lugawan but there is nothing anymore. “He was just really checking our products.”
“Ang private pa naman ng mga Montepalma. Pero recently may lumalabas na article na magkasama sila ni Mr. Montepalma at Dr. Gwen!”
Kumunot naman ang noo ko. Gwen? Ayun ba iyong kasama niya sa Celine?
“W-Who’s Dr. Gwen?” I probed.
She gave me a mocking smirk. “So now you are curious! Do you even like Mr. Montepalma?!”
“Will you lower your voice?!” I hissed.
Halatang nahihiya na si Craige sa boses ni Baby. Napailing na lang ako at kumain na lang ako ng french dishes. Ang sarap pala ng pagkain nila. Habang iniikot ko iyong mata ko sa restaurant ay nakita ko si Mr. Montepalma!
Napanganga ako nang makita ko ulit iyong babae na kasama niya last time. It was Dr. Gwen who is wearing a white off shoulder dress. Naka lugay ang buhok nito at may necklace na nasa dibdib niya.
Ang tanga ko talaga.
But then, Baby followed my vision line and she found out that I am looking at Mr. Montepalma and Dr. Gwen having an intimate dinner. Nang ibalik sa akin ang tingin sa akin ni Baby ay kumislot ang kilay niya.
I rolled my eyes. “Stop it, Baby. You are so annoying.”
“Am I really annoying or you are jealous?” she stated.
She is giving me an annoying smirk. Ininom ko na lang iyong red wine sa kopita. Mabuti naman kinausap na siya ni Craige kaya nawala sa akin ang atensyon niya. I felt a hollow in my stomach when I was watching them talking.
I am very curious, what are they? Lovers? Friends? Damn it.
I should have taken the hint that he has somebody already. I am putting a meaning to his actions towards me. Maybe… he is being polite and friendly to me. I called the waiter to pour another red wine.
“Huwag mo naman pahalata na brokenhearted ka,” si Baby na iniismiran ako sa harapan. Natawa na lang si Craige at inakbayan. “Naku! Kung si Preston na lang kasi!”
I shook my head in annoyance. She doesn’t know that Preston pissed me off. Mabuti nga tinulungan ako ni Mr. Montepalma. Ayun ang iniiwasan ko ay isipin nila na may meaning ang ginagawa ko.
“Give your cousin a break,” Craige muttered.
Humalakhak si Baby. “Minsan ko lang mapagtripan iyang si Sianna.”
Inirapan ko siya at kinuha ko iyong purse ko. Naglambingan na lang sila sa harapan ko at hindi ko na inisip na magpaalam na powder room lang ako. Pumunta ako sa restroom, hanggang ngayon hindi pa rin ako napapansin ni Mr. Montepalma.
Really, Sianna? You are trying to get his attention?
Napailing ako at bumuga ng hangin. Alisin ko muna siya sa isipan ko. May girlfriend na siya. Ayaw ko sa may sabit at hindi ako interesado magcommit ng relationship. Habang nag-aapply ako ng lipstick biglang dumating si Gwen.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko pero mabilis ako nakarecover. Tumabi siya sa akin at nilabas niya ang powder niya. Napalunok ako habang pasimple na tinitingnan siya sa salamin.
All I could say is that she looks gorgeous. Her aura screams sophisticated and intimidating. Napansin ko na napatingin siya sa akin ng ilang minuto at pinagpatuloy niya lang ang paglalagay ng powder sa mukha.
“Hello,” she greeted.
I blinked. Matagal ako napatitig sa kaniya at tiningnan ko rin ang paligid kung ako ba kausap niya. Nang mapansin niya ang reaksyon ko ay natawa lang siya habang napapailing.
“You look familiar,” she continued. Nilapag niya iyong powder at nilingon ako. “I know you are Lousianna Rodriguez.”
My jaw dropped. “I-I’m… I’m… shocked.”
“I know you are. I saw you in the article.”
Ningisihan niya ako at nag-apply ng liquid lipstick. Natahimik lang ako at mabilis ko niligpit iyong gamit ko. Her cheekbones are defined, her fox eyes and full lips. Those are the traits that boys love about.
Napanguso ako. “I’m sorry…”
I felt guilty. Ayaw ko isipin niya na meron na namamagitan sa amin ni Mr. Montepalma. Kinuha ko iyong purse ko at naglakad na palayo. Sinulyap niya ako patalikod habang nakangisi sa akin hanggang sa tuluyan na ako nakalabas ng restroom.
Habang naglalakad ako ay umangat ang tingin ko. Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang magtama ang tingin namin ni Mr. Montepalma. Tumindig ang kaba sa sistema ko halos mabangga ko na iyong waiter na may dalang pagkain.
“Sorry!”
Naglakad na ako pabalik sa table namin ni Baby. Ramdam na ramdam ko ang titig sa akin ni Mr. Montepalma. Nanginginig ang mga kamay ko habang umuupo sa silya. Elegante na naglalakad si Gwen habang palapit kay Mr. Montepalma na nasa akin pa rin ang titig.
Umupo na si Gwen sa harapan niya. Umangat ang kamay ni Gwen at napunta iyon sa baba ni Mr. Montepalma at pinaharap niya na iyon sa kaniya. Iniwas ko na iyong tingin ko habang sobrang higpit ng hawak ko sa kubyertos.
Nang sulyapan ko muli ang direksyon nila ay nagtitipa na siya sa phone. Minsan nag-uusap kami ni Mr. Montepalma through email ng kaswal. Nagbeeped ang phone ko at lumabas ang message niya.
From: N.DMontepalma@email.com
I can’t believe you are here…
Umirap ako sa hangin at nang tingnan ko siya ay pinapanood niya ang kilos ko. Biglang lumingon si Gwen para tingnan kung sino tinititigan ni Mr. Montepalma. Ngumisi lang si Gwen at hinawakan ang kamay ni Mr. Montepalma sa lamesa.
Okay… I have to stop all this bullshit. Hangga’t maaga pa.