“Mukhang hindi naman ata gamot ang pinunta ni Mr. Montepalma rito,” Ashley teased.
I gave my employees a deadly glare. I want them to shut their mouth because Mr. Montepalma might hear them. Nagkibit balikat lang si Ashley at inaasikaso na iyong gamot ng customer pero may multong ngiti sa labi nila pati na rin si Kenjie.
Dahan-dahan umangat ang tingin ko sa direksyon ni Mr. Montepalma. He was just watching me while sitting on a white chair. Mabilis ko rin iniwas ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko maintindihan bakit dito pa naisipan ni Mr. Montepalma tumambay.
I was busy punching the receipt of my customer when I saw Mr. Montepalma is still sitting on the chair while crossing his legs. He glances at his gold wristwatch then looks at me again with those dark intense eyes.
I was quite conscious because he has been here for three hours. Kaya palihim kong inuutusan si Ashley na mag-offer ng kape sa kaniya. I checked the wall clock and it is already nine o’clock in the evening.
“Ma’am! Mauuna na po ako, ah?” si Kenjie habang nakangisi sa akin. Binigyan ko lang siya ng isang tango. “Ayos lang po ba na maiwan kayo rito?”
“Oo naman. Ilang beses na ako naiwan mag-isa sa drugstore, Kenjie.”
“Nandiyan naman si Mr. Montepalma para tulungan ka.”
I rolled my eyes. “Kenjie, business partners lang kami at magtigil kayo ni Ashley.”
“Okay po. Out na namin ni Ashley din. Ingat po, Ma’am!”
I gave him a small smile. Hindi rin nagtagal ay sumunod na sa kaniya si Ashley at ang iba pang employees ko rito. Kahit ang guard ay pinauna ko na rin. This is my drugstore, I should be the one who is closing it.
Kumabog ang dibdib ko na maiwan kaming mag-isa ni Mr. Montepalma. Nakita ko siyang tumayo at lumapit sa gawi ko. Pinatong niya ang dalawang siko sa counter habang nakahalumbaba sa akin.
“Let’s go home, Sianna,” he said, softly.
“Mauna ka na,” I replied. Hindi ko siya tinitingnan at kinuha ko na iyong handbag ko. “Isasarado ko na ang drugstore at sabi mo masakit ang ulo mo.”
A ghost smile appeared on his lips. “Well, when I see you… the headache is gone.”
Ridiculous.
Maari ba iyon? Pero sa tingin ko naman kay Mr. Montepalma ay rason niya lang iyon para pumunta sa akin. Lumabas na ako sa counter at pinaglalaruan ko iyong susi sa kamay ko. Sabay lang kami lumalabas sa drugstore.
Napauwang ang labi ko na makita na sobrang lakas ng ulan. Hindi ko muna inantala iyong ulan at tinulungan naman ako ni Mr. Montepalma isarado iyong drugstore. We were both quiet but my heart was so loud inside my rib cage.
He gazed at me. “Do you have an umbrella?”
“Wala…” Napanguso ako at tiningnan ko iyong handbag ko pero wala akong payong. “Takbo na lang ako sa sasakyan ko.”
“Wait. I’m gonna give you my coat,” he offered.
I was about to protest when he removed his dark coat. Binigay iyon sa akin at wala naman ako nagawa kundi tanggapin iyon. Tinulungan niya ako ilagay iyon sa ulo ko. Pinagmasdan ko siya na magulo ang buhok na nakahati sa gitna ng ulo niya.
I gulped. “How about you? Baka magkasakit ka kapag naambunan ka.”
“Don’t think about me, mademoiselle,” he muttered. Lumapit siya sa akin ng bahagya. “I want you to cover yourself.”
“We can share!”
Matagal niya ako tinititigan. Naramdaman ko ang pagpula ng pisnge ko. Mabilis ko iniwas ang tingin ko sa kaniya. Pero nang sulyapan ko siya ay pinipigilan niya hindi ngumiti.
“Are you concerned about my health?” he inquired.
Iniwas ko iyong tingin ko. “O-Oo! It is my duty to assure your health…”
“Hmm…” he crooned. Lumapit pa siya ng bahagya sa akin. Siya na nag-angat ng coat para hindi kami mabasa. His deep eyes darted at me. “Let’s run… together.”
Wala ako sa sarili na napatango na lang sa kaniyang sinabi. Parehas kami tumakbo papunta sa sasakyan ko. Hinatid niya ako sa driver seat at siya na nagsarado ng pintuan. Kinuha ko iyong tissue para punasan ang sarili.
But my forehead creased when Mr. Montepalma jogged to the other side and opened the shotgun door. Sumakay na siya sa sasakyan ko at isinuot na ang seatbelt. Nabasa na ang puting dress shirt niya. His messy hair is a bit damped.
“P-Paano iyong sasakyan mo?”
“I will leave it here.”
I blinked. “W-Why? Paano ka papasok bukas?”
“Hmm. I need another reason to visit you tomorrow.”
Iniwas ko na ang tingin ko. Ayaw kumalma ang puso ko. Ngumisi lang siya sa reaksyon ko at binuhay ko na nag makina ng sasakyan ko. Habang nagmamaneho ako ay napansin ko na may mga lugar na baha na.
I groaned. “Damn it. Saan pa kaya ako pwede dumaan?”
“Pwede naman natin hintayin na tumila ang ulan. Park your car on the side.”
“Alright…”
Pinark ko na sa tabi at napansin ko na may bukas na lugawan sa gilid. Napatingin din siya sa tinitingnan ko at binalik ang tingin sa akin.
“Have you eaten your dinner?” he asked.
“Not yet…” I answered.
He smiled. “Let’s eat there together.”
“Are you sure? You are filthy rich and I don’t know if you will appreciate eating lugaw…”
His manly laugh echoed inside my car. Bigla naman ako nahiya at hindi na lang siya tiningnan. Hindi mo naman iisipin na kumakain ng gano’n ang isang Montepalma. They prefer fancy restaurants over lugawan!
“It won’t hurt if I can’t try eating lugaw, Sianna…” aniya tila tuwang-tuwa sa akin. Lumapit pa siya ng bahagya sa akin at hinimas ang pisnge ko. “I could be everywhere just to be with you, mon amour,”
“Even means eating lugaw?”
He nodded his head. “Yes… even means eating street food or whatever just to be with you.”
The audible thud beneath my ribcage is echoing in my ears. Binigyan niya lang ako ng isang ngiti at kinuha niya ang kamay ko. Pinanood ko kung paano niya pinagsiklop ang kamay namin dalawa habang naririnig ko ang pagtama ng ulan sa salamin.
“It’s cold, Sianna. Let’s go eat there…” he urged. His tone is very excited.
I chewed my bottom lips. “Alright. Where is your coat?”
“Wait for me. We will run together.”
Nauna na siya bumaba sa sasakyan. Pinanood ko lang siya na tumakbo papunta sa gawi ko. Siya ang nagbukas ng pintuan at hinawakan niya ako sa siko para magkadikit ang katawan namin dalawa. Parehas kami tumakbo papunta sa lugawan.
Umupo na ako sa upuan at umupo naman siya sa tabi ko. May isang ginang na lumapit sa akin at nakangiti.
“Ano po sa inyo?” the old woman asked.
I cleared my throat. “Uhm… two lugaws. And what else?”
Nakatingin lang ako sa menu at marami pa naman pagpipilian. Kahit si Mr. Montepalma ay nakasilip sa menu at halata sa kaniya na wala siyang alam.
“What is lumpiang toge?” si Mr. Montepalma habang nakakunot ang noo. Parehas kami natawa ni Lola sa kaniya. “What’s funny?”
“Sorry, La! It is his first time ordering lugaw,” agap ko.
Nakangiti lang sa amin ang ginang. “Ayos lang iyon, hija. Dalawang lugaw, isang toge at ano pa?”
“I want fried tofu,” I ordered.
Tumango ang ginang. “Sige, ihanda ko lang at saktong-sakto dahil umuulan.”
Habang inaasikaso ni Lola ang order namin ay hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Sobrang seryoso ng tingin sa akin ni Mr. Montepalma. Pakiramdam ko manlalambot ang tuhod ko sa paraan ng titig niya.
“You are so beautiful when you smile…” he commented.
Nag-init ang pisnge ko at mabuti na lang nilapag na ni Lola iyong lugaw namin. Binigay ko sa kaniya iyong toge at may suka na nakahanda. He looks like a kid who doesn’t know what he is eating!
He cleared his throat. “So… this is lugaw, right?”
Pinipigilan kong hindi matawa sa kaniyang sinasabi. He seems oblivious to the food that is served in front of him. Tinitimpla ko na iyong lugaw ko habang siya ay kinokopya niya lang kung ano ang ginagawa ko.
“Try eating it with the toge,” I urged.
Tumango siya at hinipan niya iyong lugaw. Nagsimula na ako kainin ang akin. Tumatango-tango siya habang kumakain halatang nagustuhan ang kinain. Tinusok ko iyong fried tofu at nilapit iyon sa labi niya.
“Try this one. Masarap din…”
He smiled. “Alright.”
He ate the fried tofu. He was chewing it while staring at the table. Hindi ko na napigilan hindi humalakhak sa kaniyang reaksyon. Halatang pinalaking mayaman talaga si Nik.
“Do you like it?” I asked, curiously.
“Of course!” he responded. Uminom siya ng tubig at nilingon ako. “It’s tasty… masyadong iba sa kinakain ko.”
“Hmm. I bet you prefer eating steak over this.”
“People change their minds, Sianna. And I wanna have a lugaw date with you again.”
My eyebrows shot up. I did not think of this as a date. Pero hinayaan ko na lang siya. Mas lalo lang lumalakas ang ulan kaya mabuti na lang mainit ang lugaw. Medyo nauubos ko na ang akin at napansin kong tahimik lang siya kumakain.
When I finished eating, I drank my water while looking at him. He seemed happy eating here. Wala sa mukha niya ang pandidiri o ano. He looks calm and happy. I am glad that he appreciates eating lugaw.
“Bill please…” si Mr. Montepalma habang ang kamay niya ay usual na paghingi ng bills sa waiter sa mamahalin na restaurant.. Natatawa ako sa kaniya at kahit siya hindi rin napigilan hindi matawa. “Damn it. Do I look like an idiot?”
“No!” I chortled. Umiiling ako habang humahalakhak. “I mean… you were born rich.”
He raised his eyebrows. “You are also rich, Sianna.”
“We used to have a simple life. Dad is a chemist while Mom is a pharmacist. That’s when she decided to build a business that would become successful.”
“Even though I was born rich… I also appreciate this type of food. My cousin made me eat balot.”
I grinned. “Who’s cousin? I’m glad you survived eating balot!”
“Trust me, you don’t want to know him.” Biglang nag-iba ang timpla ng mood niya. Pinipigilan ko hindi mapangisi. “He’s stupid, asshole and… f*****g annoying all the time.”
“You are backstabbing your poor cousin!”
“He deserves that. He is a pain in the ass…”
Lumapit na sa amin ang ginang at kino-compute na kung magkano ang nagastos namin. Nilabas na ni Mr. Montepalma ang wallet niya. Mahina ako natawa nang ilabas ang credit card niya. Kainis talaga!
“Mr. Montepalma!” I called. “They don’t use credit cards here. Only money.”
He chuckled. “My bad…”
“One fifty po…” si Lola habang pinapakita pa sa akin ang pagkaka-compute niya. Tumango ako sa kaniya at akmang ilalabas ang wallet ko nang bigyan siya ni Mr. Montepalma ng isang libo. “Naku, hijo… wala akong panukli nito.”
“Don’t worry, keep the change,” ani Mr. Montepalma.
Ngumiti sa kaniya si Lola. “Maraming salamat sa’yo, hijo!”
Parehas kami tumayo at nakapamulsa na siya ngayon. Nakasilong pa rin kami sa lugawan. Naka-angat ang mata niya at pinapanood ang pagbuhos ng ulan. I let out a heavy breath.
“It looks like we don’t have a choice but to run again…” I said.
“It’s fine. Next time you have to bring your umbrella,” he replied. Nilingon niya ako at kumakabog ang dibdib ko sa titig niya. “Come closer, mon amour.”
Pero nang angat niya ang coat bigla ito hinangin at napunta sa basang kalsada. Humalakhak ako dahil nabigla rin siya sa nangyari. Mukhang mamahalin pa naman iyong coat niya.
“Let’s go, Mr. Montepalma…” Hinatak ko siya papunta sa gitna ng kalsada. Umiilaw iyong stop light sa itaas namin. Wala naman dumadaan masyado na sasakyan. “Maligo na lang tayo sa ulan!”
He blinked. “Are you sure?”
Ngumiti lang ako sa kaniya at hinayaan ko na ang sarili ko na maligo sa ulan. His piercing eyes watching me. Kinuha ko iyong kamay niya para maglaro na lang sa ulan. I was laughing already while he was watching me in awe.
His arms crawled in my waist and held me closer to his chest. His parted hair is now dampened, his ripped body is already visible since his white shirt dress is soaking wet. Nakapikit lang ako habang nakatingala at siya ay nakatitig lang sa akin.
The last time I showered in rain was when my mother died. Now I am standing in the middle of the road, heavy rain is pouring on us. I encircled my arms around his neck. Nakangiti lang ako sa kaniya at dahan-dahan kaming sumasayaw habang nakatitig sa isa’t-isa.
Nilapit niya ang labi sa tenga ko. “Ang ganda mo, Sianna…”