Nagising ako nang may biglaang kumatok sa pinto. Natulog kasi ako pagkatapos ng aming usapan ni Manang kanina. "Hija, gising ka na ba?" dinig Kong tanong ni manang sa labas ng pinto "Opo, Manang," sagot ko habang dahan-dahang bumabangon. Hindi ko alam kung bakit parang palagi akong inaantok. Minsan, para rin akong pagod kahit wala naman akong ginagawa buong maghapon. Narinig ko naman ang dahan-dahang pagbukas ng pinto at agad na iniluwa si Manang na may dalang isang bagay na hindi ko alam kung ano dahil sa naka-lagay Kasi ito sa isang supot. "Hija, binilhan kita ng pregnancy test para masiguro talaga natin," sabi ni Manang na kinatango ko. Wala naman masama, Oo malakas naman ang kutob ko na nagdadalang-tao ako. pero Wala rin namang masama kung magpapakasiguro lang. "Sige po, Manang,"

