Hindi ko na nasagot si Amarelle dahil sa sakit ng sinabi nito na halos wala na akong maibato. Kailanman hindi ako gumawa ng ikakagalit nila dahil hindi ayaw Kong mag karoon sila ng galit o tampo saakin dahil noon paman hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanila kundi kapatid dahil sa nandyan sila palagi sa tabi ko noong sobrang lugmok pa ako at noong kailangan korin ng kasama Pero lahat pala ng iyon ay dahil lang sa utang na loob. Ang mas masakit pa ay magagawa talaga nila akong ipahamak. Bakit? Ano bang kulang sa akin? Bakit pakiramdam Koy parang kinuha na lahat sa akin? Hindi nga naman ako gutom sa pagkain pero gutom ako sa atensyon at pagmamahal . Pero kahit ano pang sakit ang sinasabi ni Amarelle, alam kong may pagmamahal sila sa akin. Nararamdaman ko sa bawat galaw nila. Kaya kung

