DUKE "Hi Mom, Dad!" bati namin ni Nestle nang pagbuksan namin sila ng pinto. "Yow bro!" bati ko sa mga utol ko. Humalik ako sa pisngi ni Benj na napasimangot kaya ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. Humalik din ako sa pisngi ni Bettina. "Totoo ba talagang magkakaapo na kami?" masayang paniniguro ni Mom. Inaya namin sila sa garden kung saan namin ginayak ang mga lamesa at pagkain para sa pagdating nila. "Yes, Mom. One week and six days na daw po," nakangiting sabi ni Nestle. "Naku naman. Dapat nga talagang magcelebrate tayo. Dapat mag-iingat ka sa kilos at kinakain mo, Nestle. Ikaw Duke, wag kang magpabigat at lagi kang umalalay sa asawa mo, dahil yari ka sa akin pag may nangyari sa apo ko," bilin ni Mom kaya tumango ako habang inaalalayan na maupo si Nestle sa tabi ni Mom. Naupo ako

