CHAPTER 1 :
Prologue
Hi madlang pipol! My name is Princess Zyrah Zell U.B Zoilo.17years old, 3rd year college in Yukaido University. I have a boyfriend and I love him so much.
He's Kiel rex Suarez.
But... What should I do if he cheating on me? Or He lie? And also what should I do if I'm already engaged? At masaklap pa don kung sa taong dimo pa kilala. At wala kang ka ide-idea kung sino siya?
And what about Kiel? I love him and I know he loves me too.Are we going to end our relationship?duhhhhh.... I can't. So what should I do???
CHAPTER I
Princess P.O.V
Aakyat na Sana ako sa hagdan pero nakaharang sa daanan ko si dad.base sa itsura niya galit siya.ano pa nga ba haysss...
"Nag Kita na naman kayo? Hindi ka ba talaga titigil sa kahibangan mo sa lalaking iyon?!"
Alam ko naman na mangyayari na naman ito. Ganito naman lagi ang eksena tuwing uuwi ako ng bahay,kapag lalabas ako kasama si Kiel. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ayaw niya sa boyfriend ko eh,tsaka alam ko naman na hindi ako sasaktan ni Kiel eh.
"What now dad? Tsaka pagod ako para maki pag talo sa inyo ngayon"
"I don't want you for that guy princess.sasaktan kalang niya!"
"Pero hindi naman siya yung nananakit sakin eh,ikaw dad! Mahal ko siya dad at wala na kayong magagawa dun!"
"Ngayon nagagawa mo na akong pagtaasan ng boses nang dahil lang sa lalaking iyun?! Ano na bang nangyayari sayo, princess?!"
"Pero hindi lang siya basta bastang lalaki,dahil Mahal ko siya! Huwag nyo na akong pakialaman kasi buhay ko naman ito eh!" Hindi ko inaasahang sasampalin ako ni dad.napahawak agad ako sa aking pisngi.ito Ang kauna-unahang beses na nagawa akong saktan ni daddy.
" Bakit hindi niyo ako maintindihan?!"
"Ako ang intindihin mo!"
"No! hinding hindi nyo kami mapaghihiwalay!"
Tumakbo ako paakyat ng hagdan, sana kahit kaunti lang ay pilitin naman niyang intindihin ako.Nasa kalagitnaan ako ng hagdan nang magsalita na naman siya.
"You like it or not ikakasal ka next week"
Napahinto ako at tumingin sa kanya.Parang gumuho ang mundo ko sa sinabi niya.Alam kong hindi marunong magbiro si daddy pero sana nga nagbibiro na lamang siya ngayon.Kahit ngayon lang......sana.
"A-anong sinasabi nyong ikakasal... Sino....ako....?....no....no.."utal-utal kong saad.
"Nakausap ko na ang magiging father-in-law mo. You are going to get married Princess, sa ayaw at sa gusto mo ikakasal ka sa anak niya and it's final! Your 18th birthday will be the date!"
madiin na sabi nya sabay alis.Ako naman dumiretso na sa kwarto ko at doon ako naglabas ng sama ng loob.Ibinagsak ko ang pinto nang padabog sa sobrang galit. Parang walang katapusan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata . Dumapa ako sa kama at inilagay ang mukha ko sa unan para doon sumigaw .Ayokong mawala si Kiel,paano na kami....Ayoko!!*sobbing