Flashbacks..... HALOS lamokin na si Aileen sa tabing daan habang naghihintay ng masasakyan ngunit ilang minuto na ang lumipas ay bigo pa rin siya. Halos lamigin na rin siya sa simoy ng hangin na yumayakap sa makinis niyang balat. Naka-tube gown kasi siya. Hindi niya tuloy mapigilang mapayakap sa sarili at haplos-haplosin ang mga braso. Hanggang sa may naramdaman na lang siyang init mula sa tela na bumalot sa kaniyang katawan. "Leaving so soon?" anang ng isang baritong boses na nagpataas na naman ng mga balahibo niya. Amoy pa lang nito ay alam na niya kaagad kung sino. Ramdam din niya ang init ng hininga nito mula sa likod ng kaniyang tainga. Napaka-init niyon, na sa sobrang init ay tila alak na nakakalasing dahilan para kusang bumagsak ang mga talukap ng kaniyang mga mata upang namnam

