MASAYANG sinalubong ni Aileen si Jyo sa main door ng kanilang tahanan nang dumating ito. Maingat niyang kinuha ang hawak nitong briefcase at inilapag iyon sa center table ng kanilang sofa. Tinanggal din niya ang suot nitong coat na ipinatong lang sa hiligan ng sofa'ng inuupuan nito saka nagtungo ng kusina upang ipagtimpla ito ng kape. Hinintay muna niyang matapos ito sa pag-inom saka dali-daling kinuha ang isang sobre sa bulsa ng apron na suot niya. Ibinigay niya iyon sa asawa pagkalapag na pagkalapag nito ng tasa sa mesa. Kunot-noong tinapunan naman siya ng tingin ni Jyo pero agad din naman nito iyong kinuha at binuksan. Nakangiti si Aileen habang sinasabayan ang asawa sa pagtingin ng mga litratong laman ng sobre. "Ano 'to?" takang tanong nito sa kaniya. Ngumiti siya nang matamis dito,

