CHAPTER THREE

1332 Words
WEEKENDS ngayon at ito ang ika-anim na buwan nila bilang mag-asawa kaya naman nagdesisyon si Aileen na lumiban sa trabaho para paghandaan ang kanilang six wedding monthsary para maappreciate man lang ni Jyo na pinapahalagahan niya ang kasal nila kahit na papa'no. Narinig niyang tumunog ang kaniyang cellphone at mabilis iyong sinagot nang makitang ang asawa ang tumatawag. "Heart? Happy months—" Hindi niya naituloy ang pagbati rito nang bigla itong magsalita. "Maghanda ka ng candle light dinner for two. Kailangan eksaktong alas-syete ng gabi ay nakaayos na lahat. Ikaw na rin ang bahala sa lulutuing pagkain," bungad nito saka agad na pinatay ang tawag. Hindi man direktang sinabi ng asawa kung para kanino iyon ay malakas na ang kutob niya na para sa kanila iyon dahil nga sa monthsary nila. Siguro napagtanto nito na kailangan na nilang i-work out ang kasal nila. "Sisiguraduhin kong magiging akin ka na ngayong gabi," kumpiyansa niya sa sarili dahil alam niya sa sarili na mula nang tanggapin niya ang alok ng kaniyang magulang na ipakasal kay Jyo ay handa na niyang ipagkaloob ang sarili rito. Isa pa, wifely duties niya naman na ibigay ang pangangailangan ng asawa, nasira lang dahil may umeksena. At sisiguraduhin niya na oras na maangkin siya ng asawa ay hindi na niya ito papayagan makatuntong pa ng kanilang pamamahay. "Naayos muna ba lahat?" bungad sa kaniya ng asawa nang makarating ito. Ang ngiti at excitement sa asawa ay naglaho nang dumating itong kasama na naman ang babae nito. Naglaho lahat ng pag-asa sa puso niya na magkakaayos na sila ngayong gabi. Nagbihis pa naman siya't nag-ayos ng sarili para rito ngunit mababalewala lang pala lahat ng pinaghirapan niya. "O-oo. Kanina pa handa," malungkot na sabi niya. "Bhabe?" Agaw atensyon naman ni Venus kay Jyo dahil napansin nito ang kakaibang titig sa kaniya. Nakapulang bistida kasi siya na sakto lang ang haba sa itaas ng tuhod niya. "M-magbibihis lang ako," sabi ni Jyo bago tuluyang pumasok sa guest room. Marahil nanibago ito sa nakitang kasuotan niya. Siniguro niya kasing magmumukha siyang kaakit-akit sa harap nito ngayong gabi. "Kawawang nilalang..." usal naman ni Venus pagkaalis ni Jyo. Humalukipkip ito at pinasadahan nito siya ng tingin mula ulo hanggang paa habang umiikot sa kaniya. "Akala mo siguro kayo ni Jyo ang magmomoment dito 'no?" Sabay himas nito sa table na pinaghirapan niyang ayusin. Pinagpipitas pa nito ang bulaklak sa maliit na vase na nasa gitna ng lamesa. Napakuyom siya ng kamay saka tinapunan ito ng masamang tingin. Wala naman kasi si Jyo sa harap nila kaya may karapatan na siya ngayon na ipagtanggol ang kaniyang sarili. "Tsk, at sa akin mo pa talaga sinabi 'yan, ha?" Nginisian lang siya nito at pinameywangan. "Actually may party kaming pupuntahan ng mga kaibigan ko kaya huwag kang mang-akusa dahil mas ikaw ang nagmumukhang kawawa. Gold digger!" palaban na dahilan niya. Hindi na niya hahayaan na humaba pa masyado ang sungay nito. Mabuti na lang madali siyang nakaisip ng dahilan dahil ayaw niyang maging kahihiyan sa harap nito. Maagap niyang naharang ang kamay nitong akmang dadapo sa kaniyang pisngi. "Sino ka para paratangan ako?" Pinanlakihan siya nito ng mga mata. "Ako lang naman ang asawa," pagdidiin niya sa huling salitang binitawan niya. Minsan kasi sa tuwing maririnig niyang nag-uusap ang mga ito ay puro luho ang lumalabas sa bibig nito na hindi naman matanggi-tanggihan ni Jyo. Pumiglas naman ito sa kaniya pero lalo niyang hinigpitan ang kapit sa pulsuhan nito. "Ang sabihin mo, kaya ka nakabihis ng ganyan dahil kikitain mo ang kabit mo! Huwag ka ng magmalinis dahil alam ko na ang mga katulad mong walang imik ay may itinatago ring dumi at kalandian diyan sa loob mo!" Sumbat nito na ikinatawa lang niya. "Sarili mo ba ang kinakausap mo?" Balik niya rito na halatang natamaan sa sinabi niya. "Excuse me? Are you telling me that I'm his mistress?" sabay turo pa sa sarili nito. "At talagang tinanong mo pa 'yan, ha? Bakit? Hindi ba't kabit ka lang?" Napakunot noo siya nang ito naman ang tumawa sa kaniya. "Siguro nga sa mata ng batas ay kabit ako, pero para kay Jyo ako ang nobya niya. Ako ang mahal niya at hindi ikaw!" buong pagmamalaki nito sa sarili. "But I'm still his wife kaya kabit ka pa rin." "Your just his wife, Aileen. But you cannot change the fact that, he chose me over you! Na mas nauna niya akong nakilala at minahal! Na mas masaya siya sa piling ko kaysa sa 'yo dahil boring ka!" anito na tuluyang dumurog sa kaniyang puso. Ano nga bang laban niya rito? Ano nga bang pinanghahawakan niya? Ang titulong asawa siya pero hindi naman siya ang gustong makasama? "Hindi totoo yan!" Maluha-luhang sabi niya dahil may parte sa kaniya na tama ang sinasabi nito. Nabitiwan na rin niya ang braso nito. Ngumisi ito. "Kaya kung ako sa 'yo, huwag ka ng umasa at mag-effort na mamahalin ka pa niya ulit dahil never na siyang magiging sa 'yo, akin lang siya, akin!" Dahil sa mga sinabing iyon sa kaniya ni Venus ay sinabunutan na niya ito. Hindi na niya napigilan ang sarili na gawin iyon dahil matagal na siyang nagtitimpi na saktan ito. "Malandi ka! Ahas!" "Ah!" hiyaw nito sa sakit. Wala siyang paki kung magmukha siyang talunan o asar talo sa harap nito, ang importante ay makalbo niya ang babae. Maiganti man lang niya ang sarili. Pero mukhang mapait ang kapalaran sa kaniya dahil ang ginawa niyang iyon kay Venus ang eksenang naabutan ni Jyo. "Aileen! Stop! I said stop it!" Singhal sa kaniya ni Jyo nang hindi niya ito pinakinggan. Itinulak pa siya nito para mapaglayo silang dalawa. Nang magtagumpay ito ay agaran siyang nilapitan ng binata at hinawakan sa kaniyang braso nang may panggigigil. Halata na galit na galit ito. "N-nasasaktan ako, Jyo!" angil niya na may takot sa boses. Nanlilisik kasi ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Ngayon lang niya ito nakita na ganoon kagalit sa kaniya. Para itong tigre na anumang oras ay kakainin siya ng buo. "Nakikipagkaibigan lang naman ako sa kaniya pagkatapos bigla na lang niya akong sinabunutan," sumbong ni Venus sa nobyo na para bang ito pa ang naapi at naagrabyado. Lumapit naman kaagad ito kay Venus upang pakalmahin ito. Alam niyang nasaktan talaga ito dahil ibinuhos niya lahat ng kinimkim niyang galit dito mula noon kaya naman halata sa anit nito ang pamumula. "Don't worry, bhabe, mag-celebrate na lang tayo sa labas," lambing sa kaniya ng lalaki. Tila nanghina ang mga tuhod niya sa kaniyang narinig. Sa katotohanang hindi nga para sa kanilang mag-asawa ang pinahanda nitong candle light dinner kundi para sa kanila ng kabit nito. "Let's get out of here..." aya niya sa nobya bago bumaling sa kaniya. "Magtutuos tayo mamaya," banta nito habang dinuduro siya. "Talagang mas pinipili mo ang babaeng 'yan kaysa sa akin, ha, Jyo?!" Pigil niya sa pag-alis ng dalawa na nagpahinto sa mga ito. "Yes, because I love her more than you!" Walang prenong sabi nito na tumagos hanggang talampakan niya. Masakit. Masakit dahil harap-harapan iyong ipinamukha sa kaniya ni Jyo, at sa mismong harap pa ng babae nito. "Pero paano naman ako? Ako ang asawa mo!" "Simula nang iwan at tanggihan mo ako noon, wala na akong ibang hiniling kundi ang mawala ka na sa buhay ko!" Kung kanina nasaktan si Aileen sa sinabi nito na mas mahal nito ang kirida kaysa sa kaniya, ngayon naman ay tila naabo na ang dating durog na niyang puso dahil sa asawa na rin niya mismo nanggaling na ayaw na talaga nito sa kaniya. Hindi tuloy siya nakapagsalita. Walang kahit na anong salita ang lumabas sa bibig niya. Dumausdos siya sa sahig. Napansin pa niyang ngiting tagumpay si Venus nang lisanin nila ni Jyo ang lugar habang naiwan naman si Aileen na may tinik sa dibdib. Sa sobrang galit niya ay itinaob niya ang table na pinaghirapan niya dahilan para matapon lahat ng nasa ibabaw n'on. Nagsisisigaw siya roon para maibsan ang sakit na nararamdaman ngunit hindi siya nagtagumpay dahil kahit saan siya tumingin ay nakikita lang niya sa bahay na iyon ang lahat ng pagtataksil na ginawa sa kaniya ng asawa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD