KINABUKASAN ay nagulat na lang si Aileen nang pag-uwi niya ay naabutan niyang papalabas ng guest room si Jyo habang may mga dalang maleta.
"A-ano'ng ginagawa mo? Aalis ka? Saan ka pupunta?" sunod-sunod na tanong niya sa asawa.
Iiwan na ba siya nito? Sasama na ba ito kay Venus? Mga katanungang naglalaro sa kaniyang isipan ng mga oras na iyon.
"Darating ang mga magulang natin para bumisita at maghapunan dito kaya hinahakot ko ang mga gamit ko papunta sa kwarto mo..."
"Mahirap nang mabisto," rinig niya pang habol nito.
Dahil sa nalaman ay hindi niya maiwasang malungkot sapagkat kailangan na naman nilang magkunwari sa harap ng kanilang mga magulang.
"Ano pang tinatayo-tayo mo riyan? Tutunganga ka na lang ba riyan hanggang sa makarating sila o aakyat ka na nang makapagbihis ka pa?" Nakabihis na kasi ito dahil humahalimuyak sa pang-amoy niya ang mabangong pabango nito kahit na pawis na pawis ito sa pag-akya't manaog nito sa hagdan.
"Magluluto lang muna ako sandali bago mag-shower para dere-deretso na." Akmang pupunta na siya sa kusina nang magsalita itong muli.
"Huwag na, sila na raw ang bahala sa hapunan," tumango siya bago tuluyang umakyat sa kwarto niya para magbihis. Sanay na siya sa pagiging malamig nito sa kanyia dahil nasaktan din naman niya ito noon kaya nga pumayag siya sa fixed marriage nila ni Jyo para makabawi rito sa matagal na panahon na nasayang nila.
Oo. Fixed marriage ang nangyari sa kanila. Nang iwan niya ito noon sa Mall ay sumama siya sa tunay niyang mga magulang nang mamatay ang kaniyang foster parents. Doon ay nag-masteral siya at makalipas ang limang taon ay bumalik siya ng Pilipinas.
Noong una hindi siya pumayag sa fixed marriage dahil alam niya sa puso niya na si Jyo lang ang gusto niyang pakasalan. Ngunit nagbago ang desisyon niya nang malamang ito pala mismo ang ipagkakasundo sa kaniya.
"Kung inaakala mong mapapaikot mo ako pwes, nagkakamali ka! Sana hindi ka na lang bumalik dahil sisiguraduhin ko sa 'yong pagsisisihan mo na pumayag ka sa kasunduang ito!"
Mga salitang binitiwan nito matapos ang limang taon nilang pagkakahiwalay na nauwi sa kasalan.
MATAPOS mag-shower ni Aileen ay agad niyang kinuha ang dalawang towel mula sa towel rack saka itinapis ang isa sa kanyiang kahubadan at ang isa naman ay sa kaniyang ulo.
"Boba!" Napahampas siya sa kaniyang noo nang mapagtanto niyang nakalimutan niya ang kaniyang mga damit sa kaniyang kama kaya naman nagmartsa siya patungo sa pinto saka inilabas ang kaniyang ulo para silipin kung naroroon pa ba ang asawa na naghahakot ng mga gamit. Lumabas din siya agad nang makumpirma niyang wala na ito roon kaya lang hindi niya inaasahan na sa kaniyang paglabas ay madudulas siya sa sahig na nakagawa ng malakas na kalabog.
"Ouch!" daing niya nang maramdaman niyang napuruhan ang kaniyang balakang at pang-upo dahilan para mahirapan siyang tumayo. Nang makatayo siya ay hindi niya namalayan na nawala na sa pagkakabuhol ang tuwalya sa kaniyang katawan na siya namang biglang pagpasok ni Jyo.
"Anong nangya—" hindi naituloy ni Jyo ang nais sabihin nang makita siya nito sa sahig.
Tumayo siya kahit na hirap na hirap siya dahil siguradong sisigawan na naman siya nito. Pero ilang minuto na itong nakatayo roon at walang imik. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang napagtantong wala na pala sa katawan ang tuwalya. Sigurado siyang kita nito ang kahubadan niya dahilan para mag-init ang buong mukha niya at mabilis na pinulot ang tuwalya at mga damit sa sahig upang ipangtapal sa katawan. Nang makapagtapis ay agad itong bumalik sa banyo. Pero sa 'di inaasahang pangyayari ay muli na naman siyang nadulas. Nagulat na lang siya nang agad siyang dinaluhan ng asawa
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito sabay buhat sa kaniya. Totoo ba ang nakikita niya sa mga mata nito? Puno iyon ng pag-aalala.
"Medyo masakit ang balakang ko," sagot niya.
"Hindi ka kasi nag-iingat."
"Hindi ka man lang kasi kumatok muna bago pumasok," paninisi niya.
Tinapunan niya ito ng tingin nang wala na siyang makuhang sagot mula rito. "Aileen," tanging sambit nito na ngayon ay titig na titig na pala sa kaniya na kaunting lapit na lang ng kanilang mga mukha ay magkakadikit na ang kanilang mga labi.
Sa pagkakalapit nila ay muling bumalik ang pamilyar na pakiramdam na siyang kinahumalingan niya mula noong una nilang pagkikita. Hindi niya iyon inaasahan sa asawa dahil ni minsan hindi siya tinapunan ng ganoong klase ng tingin mula nang ikasal sila. Parang muli silang bumalik mula sa nakaraan. Hanggang sa pareho silang napalunok at nakatingin sa labi ng isa't isa. Humigpit rin ang pagkakahawak niya sa tuwalyang suot niya. Samantalang tila nahipnotismo naman si Jyo sa kaniyang mga labi kaya wala sa sariling kinagat niya ang pang-ibabang labi lalo na ng makita niya ang kissable lips nito. Natikman na niya iyon noon at no'ng kasal nila pero parang gusto na niya ulit iyong matikman at namnamin kaya hinayaan niyang halikan siya nito. Pinagsaluhan nila ang isang matamis na halik na animoy babago lang nila maranasan, a kissed with so much love and full of passion.
Tinanggal ni Jyo ang kamay niyang nakahawak sa buhol ng kaniyang tuwalya at malayang pinagmasdan ang kaniyang kahubadan.
"Don't!" pigil nito sa mga kamay niyang tatakpan sana ang maseselang bahagi ng kaniyang katawan.
Inalalayan ng mga kamay nito ang kaniyang mga kamay sa itaas ng kaniyang ulo saka siya muling hinalikan. Wala siyang ibang naririnig sa kwarto kundi ang malalalim na paghinga at tunog ng kanilang mga labi. Habang ang kamay nito ay hawak na ang isa niyang dibdib kung saan tayong-tayo na ang gitna n'on at marahang pinipisil.
"Hmm..." ungol ni Aileen sa pagitan ng halik na pinagsasaluhan nila. Ramdam niyang basa na rin ang gitna ng mga hita niya. Naramdaman din niya isang matigas na bagay na tumatama sa pagitan ng kaniyang mga hita mula sa kaniyang asawa. Akmang hahawakan na ni Jyo ang ibabang parte niya nang makarinig sila ng magkasunod na pagsinghap mula sa pinto.
"'Ma!" sabay sabi nila nang makita ang mga ina sa may b****a ng pinto. Ang tingin at ngiti ng mga ito ay may halong panunukso.
"Naiwan ninyo kasing bukas ang gate at main door ng bahay kaya pumasok na kami."
"Kanina pa nga rin kami tawag nang tawag sa inyo pero wala namang sumasagot."
Ngumiti ng makahulugan ang ina ni Jyo. "Ngayon alam na namin ang rason kung bakit," gatong naman ng ina ni Aileen. Sabay pa nagtaas-baba ang mga kilay ng mga ginang bilang panunukso sa kanila.
Doon naman sila napabalikwas ni Jyo sa kanilang pwesto. Hindi kasi maganda ang tagpong naabutan ng mga ito.
"Magbibihis lang po kami!" Sabay pa nilang sambit at mabilis na tumayo kung saan sa closet dumeretso si Jyo para kumuha ng bagong damit at siya naman sa banyo.
"Sayang!" narinig pa niyang sabi ng mga ginang bago sinara ang pinto para balikan ang mga kabiyak.
"KUMUSTA naman ang buhay ninyo bilang mag-asawa?" biglang tanong ng kaniyang ama sa kanila nang nasa kalagitnaan na sila ng kanilang hapunan.
"Much better, Dad, kaysa no'ng mga nakaraang buwan namin. Right, heart?" Baling nito sa kaniya habang tahimik lang siyang kumakain.
Tumango lang ng malungkot si Aileen kahit na medyo natuwa siya sa muling pagtawag nito sa endearment nila noon. Babago na naman niya kasi iyon marinig mula nang magkahiwalay sila.
"So, kailan ninyo kami balak bigyan ng apo?" Sunod na tanong naman ng kaniyang ina sa kaniya na ikinasamid niya, lalo na nang maalala nito ang intimate scene nila na nahuli ng mga ginang kanina. Namula tuloy ang kaniyang mukha kaya uminom siya ng juice para maitago ang kahihiyan.
"Aba! Hindi na kami bumabata para paghintayin ninyo nang matagal," sabi naman ng ama ni Jyo.
"Atually we're still working on it pa po, Dad," magalang na sabi nito sa ama.
"Naku! Mukhang mahina itong anak mo kumpadre, a? Mag-aanim na buwan na mula nang ikasal sila pero hanggang ngayon wala pa rin silang nabubuo," baling naman ng ama niya sa kaniyang father-in-law.
"Aba'y huwag mo naman akong ipahiya sa kumpadre ko, hijo," anito saka tinapik ang balikat ng anak.
"Huwag po kayong mag-alala, sa oras na makabuo po kami ng asawa ko, kayo po ang unang makakaalam," pinal na sambit nito.
"Good!" patango-tangong sabi ng mga matatanda na nagpatuloy na sa pagkain.