ALA-SAIS na nang gabi nang magpasya si Aileen na umuwi na upang ipagluto ang asawa. Nasa labas na siya ng restaurant nang maabutan pa siya ng kaibigan niyang si Czarmaine na siyang isa sa mga chef mismo ng kaniyang restaurant na pinatayo niya, ang negosyong ipinangako niya sa namayapa niyang nanay at tatay.
"O? Wala ka pa ring sundo?" puna nito nang mapansin siya.
"Marami pa kasi siyang inaasikaso sa office kaya hindi ko na inistorbo. Magta-taxi na lang ako."
"Sabagay, ano pa nga bang bago," dagdag pa nito na nginitian niya lang ng tipid.
"Gusto mo sumabay ka na sa 'kin? Susunduin ako ni Ehd," presinta nito na hindi na niya nagawang tanggihan dahil siguradong magagalit ang kaniyang asawa kung wala pa itong maaabutan na pagkain sa bahay.
PAGPASOK niya sa bahay ay ungol agad ang sumalubong sa kaniyang pandinig na tumagos na naman hanggang sa kaniyang talampakan. Matagal na niya iyong nasasaksihan pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nasasanay sa ginagawang pagtataksil ng asawa? Nagkamali ba siya na bumalik pa siya at pumayag na magpakasal dito? Hindi. Kasi umaasa siya na babalik ang pagmamahal nito sa kaniya.
"f**k! Ugh!" narinig niya pang ungol ni Venus, ang babaeng kaniig ng kaniyang asawa na si Jyo. Oo, asawa na niya si Jyo.
Limang buwan pa lang ang nakalilipas mula nang ikasal sila pero pakiramdam niya taon na siyang nagpapaka-martyr sa asawa. Ganoon talaga siguro kapag mahal mo talaga ang isang tao, na kaya mong gawin at tiisin ang lahat makasama't makapiling lang ang lalaking mahal mo.
"Hay! Hindi na talaga tinubuan ng hiya," tukoy niya sa babae ng asawa.
Dumeretso na lang siya sa kusina para ipaghanda ng hapunan ang dalawa dahil palagi namang ganoon ang senaryo niya sa tuwing nasa pamamahay nila ang higad at 'yon ay ang pagsilbihan ito. Ginagawa niya 'yon dahil sa kagustuhan ng asawa. Kung noon ito ang takot maiwan, ngayon siya naman ang takot na maiwanan. Isinawalang bahala niya na lang ang kaniyang mga naririnig at inisip na lang na may mga aso't pusa na nag-aaway sa loob ng kanilang pamamahay.
SAKTO naman nakapaghain na siya nang lumabas ang dalawa sa guest room kung saan ang ginawang kwarto ng asawa. Nakita niyang nakasuot lamang ng pang-itaas ni Jyo si Venus habang ang asawa naman niya ay topless na tanging boxer short lang ang suot. Naghaharutan pa ang mga ito nang makita niya kaya medyo naasiwa siya at nag-iwas ng tingin.
Kilala niya si Venus dahil ito ang babaeng unang seneryoso ng asawa na nang-iwan dito noon bago siya. Hindi niya alam kung bakit mas maganda ang trato nito sa babae kaysa sa kaniya. Nasaktan nila pareho ang binata ngunit mas masakit yata ang ginawa nitong panloloko kaysa sa pang-iiwan niya noon.
"O, nandito na pala ang kasambahay mo," sabay ngiting nang-aasar na tumingin si Venus sa kaniya.
Kung wala lang ang asawa niya sa paligid ay baka kanina pa niya sinabunutan ang bruhang 'yon. Iyon kasi ang tingin sa kaniya ni Venus sa tuwing naroroon ito, nag-aala-prinsesa kahit na alam nitong ang kinikilalang nobyo nito ay ang asawa niya.
"Handa na ang hapunan," anunsiyo niya nang hindi pinansin ang sinabi ng babae at kumuha ng maiinom.
Siguro nga martyr siya at manhid na kahit alilain siya ng mga ito ay hindi niya ito magawang iwan dahil sa pag-asang magbabago pa ang asawa niya, na babalik din sila sa dati kahit na hindi ganito ang pinangarap niyang buhay na kasama ito. Mahilig kasi siya sa mga fairy tale noong kabataan niya kaya minsan na siyang nangarap na sana, isang araw ay dumating ang kaniyang prinsipe, na kahit hindi ito literal na prinsipe ay ituring lang siyang prinsesa ay kuntento na siya hindi 'yong ganito na alila at hangin lang kung ituring siya.
Nang matapos siyang maghain ay nagpasya na siyang umakyat sa kaniyang kwarto para magshower at makaiwas na rin sa dalawa nang mapatigil siya nang magtanong si Jyo.
"Kumain ka na ba?"
"Oo, tapos na," pag sisinungaling niya. Mamaya na lang siya kakain kapag tapos na ang mga ito dahil hindi niya kayang sariwain na makita ang dalawa na naglalambingan sa harapan niya mismo.
Natuwa na sana siya dahil nag-aalala na ito sa kaniya, sa kalusugan niya pero biglang naglaho ang tuwang iyon sa dibdib nang muli itong magsalita.
"Kung wala ka naman na pa lang gagawin, pakilinis na lang 'yong kwarto ko," utos nito na animoy hindi asawa ang pinakiusapan.
Labag man sa loob na sundin ito ay tumango pa rin siya kahit na makikita na naman niya ang kataksilan nito. Wala naman kasi silang katulong na kinuha dahil gusto niya na siya mismo ang nagsisilbi sa asawa.
PAGKATAPOS niyang mag-shower T magbihis ay tumungo na siya kaagad sa guest room kung saan ang tinutulugan ng asawa. Kasal sila pero mas pinili ng kaniyang asawa na hiwalay sila ng kwarto. Pagpasok niya roon ay muling bumungad sa harapan niya ang frame na may picture ng dalawa sa may bed side table nito na agad niyang itinaob.
"Tsk! Kung makakapit akala mo linta!" komento niya sa litrato dahil nakakapit mula sa likuran ng kaniyang asawa ang babae habang hawak naman ni Jyo ang braso ng babae na nasa leeg nito at nakangiti nang pagkatamis-tamis sa harap ng camera. Palagi niya iyong itinataob sa tuwing papasok siya sa kwartong iyon para maglinis. Masakit kasi para sa kaniya na nakikitang masaya ang asawa sa piling ng iba, na hindi siya ang nakakapagpangiti at nagpapasaya rito. Samantalang siya, hanggang ngayon ay nagbubulag-bulagan pa rin sa mga panloloko nito. Bumuntong hininga na lang siya saka bahagyang pinaypayan ang mga mata gamit ang kaniyang mga kamay para pigilang tumulo ang luha niyang nagbabadya na namang bumuhos.
"Kaya mo 'to, Aileen," pagpapalakas niya ng kaniyang sarili bago itinuon ang buong atensyon sa paglilinis.
Halata sa kwarto na parang dinaanan ito ng bagyo dahil sa unan, sapin at kumot na lukot-lukot. Ultimo mga gamit na condom ay nakakalat din sa kung saan. Nakakadiri tignan ngunit kahit papaano ay nagkaroon ng isang porsyentong tuwa sa puso niya kapag nakakakita siya ng ganoon sa kwarto nito dahil alam niyang walang balak ang asawa na mambuntis ng iba.
"Hindi ka pa ba tapos?" Nagulat siya nang bigla na lamang sumulpot ang dalawa sa kaniyang likuran. Si Jyo na nakahilig sa door frame ng kwarto habang si Venus naman na pinupulot ang mga damit na nakakalat sa sahig.
Lalong nag-igting ang galit sa puso niya nang makitang sa harap pa talaga ng asawa ito nagbihis na tila ipinaparayaw ang katawan nitong walang shape, walang pwet at higit sa lahat ang boobs nitong halatang peke naman.
'Naku! Kung wala lang talaga ang asawa ko dito ay sisiguraduhin kong uuwi kang hubo. Pasalamat ka at nakakapagtimpi pa akong bruha ka!' sabi niya sa isip-isip kahit na matagal na niya itong pinapatay sa kaniyang isip.
Umiwas lang siya ng tingin sa mga ito nang makitang naghalikan pa ang dalawa sa harap niya bago tuluyang umalis ang babae.
"Hindi ka pa ba napapagod?" tanong ni Jyo sa kaniya kapagkuwan na ikinagulat niya. Ang buong akala niya kasi ay inihatid nito si Venus pauwi.
"Hindi naman mabigat ang trabahong 'to kaya ayos lang," tukoy niya sa kaniyang ginagawa.
"Alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko," tukoy nito sa kanilang pagsasama.
Tumigil siya saglit sa paglalagay ng punda sa huling unan pero nang makabawi ay tinuloy na niya. Iyon na kasi ang huli at tapos na siya sa paglilinis.
"Tapos na 'ko. Makakapagpahinga ka na," iwas niya at akmang aalis na sa kwartong iyon nang pigilan siya nito mula sa braso nang magkatapat na sila sa may pintuan.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kaya huwag mo akong tinatalikuran," malamig at maotoridad na sabi nito. Pumikit siya at ikinuyom ang mga palad. Ganoon na ba talaga ito kadesperado para paalisin na siya sa buhay nito?
"Ano?! Tinatanong kita!" Napaigtad siya sa pagsigaw nito.
"Hangga't kaya ko pa! Hangga't mahal pa kita!" tanging salita na binitiwan niya matapos ipagdiinan ang huling salita na panandaliang nagpatahimik sa kanilang dalawa. Alam niyang nagulat ito sa bigla niyang pagsigaw. Pero tao rin naman siya, napupuno rin.
Bigla namang lumuwag ang pagkakahawak ni Jyo sa kaniyang braso na halatang hindi makapaniwala sa mga sinabi niya kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na makalaya dito at lisanin ang silid