Chapter 14

1023 Words
Chapter 14 “Tignan po natin kung ano ang makikita nila.” bulong ni Sofia. Dumilat naman na sila Lola Agnes at Haley at inihayag ang parehong nakita. Hapon na ng malaman ni Vicky na hindi niya pala nadala ang iba pang kailangan na libro kaya nagpilitan itong bumalik sa kanyang dorm sa university na pinapasukan pero sa hindi inaasahan na pangyayari ay naflatan ang jeep na sinasakyan kaya natagalan pa bago makarating. Mahirap naman na lumipat ng sasakyan dahil madalang ang jeep at sayang sa mapasahe dahil parang ayaw ibalik ng driver. Halos gabi na ng makarating sa paaralan na unibersidad si Vicky. Nalobat siya kakalaro ng cellphone sa tagal nilang nakstock doon. Naisip niyang bumili muna sa isang convienient store at icharge ang cellphone para matawagan ang ina ngunit may nakabunguan siya na isang gwapong lalake. Alam ni Vicky na maganda siya lalo na at half American beauty siya. Marami siyang mangliligaw pero may gusto niyang mag-aral na muna kesa ang makipag relasyon pero kakaiba ang hatak ng lalake na iyon dahil para siyang na hipnotismo sa kagwapuhan nito na taglay. Ngumiti ito sa kaniya at para siyang tuod na sumunod habang nakangiti rin. Hindi na niya namalayan na nakasakay na siya ng kotse nito at umaandar na palayo. Nakarating sila sa isang malaking bahay na walang kapitbahay. Inalok siya nito ng inumin na malugod niyang tinaggap hanggang sa parang babagsak na ang mga talukap niya sa antok. Sa kabilang panig ng isang madilim na kwarto ay nagtitipon-tipon ang mga kulto na nakasuot ng robang maroon nakapagitna sa kanila ang isang malaking rebultong kambing na may tatlong sungay sa noo nito. Pula ang kulay na parang naliligo sa dugo. Pumunta sa harap si Mr. Black na nakasuot ng itim na roba at maskarang itim. Nagising naman si Vicky ng maramdaman na parang may tinatanggal sa kaniya. Agad siyang napabangon ng makitang hinuhubaran siya ng mga miyembro ng kulto. Nawala na ang bisa ng pinainom sa kaniya at nawala na rin ang hipnotismo sa kanya ng lalake. Takot na takot ang dalaga sa nakitang ayos ng mga ito. Hinatak siya patayo at kinaladkad. Ipinasok siya ng mga ito sa loob ng kwarto na pag gaganapan ng seremonya. Hubo’t hubad ito na inihiga sa isang lamesa at itinali na naka X ang kaniyang mga kamay at paa. Parang bulat at walang nadidinig ang mga ito sa paghingi ng tulong ng dalaga. “Mga kasapi ngayon ay isa na naman regalo ang ating ihahandog sa ating diyos. Sa pamamagitan nito ay patuloy nila tayong bibigyan ng maraming lakas, yaman, at proteksyon sa anumang uri ng kalaban na ating kahaharapin,” saad ni Mr. Black saka itinaas ang isang kumikislap na kutsilyo. Nagsiluhuran naman ang lahat at nanood lang sa mga susunod na magaganap. “Maawa kayo! Pakawalaan ninyo ako dito! Uuwi na po ako! Huwag ninyo akong patayin! Hidi po ako magsusumbong basta patakasin lang ninyo ako! Bata pa po ako marami pa akong pangarap sa buhay!” halos magwala sa pag-iyak ang dalaga dahil sa pwedeng masamang mangyari sa kaniya. Wala naman sagot ang lalakeng nakaitim. Ngumisi lang ito at ginilitan na ito sa leeg ng walang awa. Isinahod ang dugong galing sa dalagang ginilitan at ipinaligo sa rebultong kambing ng mga kulto na parang hinihilamusan. Hiniwa muli ni Mr. Black ang dibdib ng dalaga saka kinuha ang puso nito na medyo tumitibok pa. Kumagat ito ng maliit na piraso bago inialay sa harap ng kambing na rebulto at bumulong ng isang panalangin na latin. “Kayo na ang bahala sa kanya mga alagad at alam na ninyo ang gagawin pagkatapos sa kanyang katawan,” wika pa ng pinuno bago umalis. Nagsitanguan ang mga alagad bilang pagsang-ayon binuhusan nila ng tubig ang katawan ng dalaga para mawala ang dugo’t lansa at isa isang halinhinan na hinalay ang wala ng buhay na babaeng biktima. Sinunog nila ang katawan ng dalaga pagkatapos gahasain saka muling ipinahid sa katawan ng rebultong diyos tapos ito ay tinakpan na ng itim na tela saka nag alisan. Nang makapasok sa sariling kwarto ay masayang uminom ng alak ang pinunong si Mr. Black nakita niya mula sa bintana ng kwarto na nag-alisan na ang mga kasapi ng kulto bilang pagtatapos ng sermonya. Napangisi siya at napatango tango dahil ramdam na ramdam na pinagpapalakas siya lalo ng sinasambang demonyo at kinalulugdan. “A-Ano P-Patay na anak ko? Iyon ba ang ibig ninyong sabihin? H-Hindi pwede! Diyos ko si Vicky na lang ang natitira sa akin hindi siya pwedeng mamatay! Siya lang ang kasama ko sa buhay! Marami pa kaming pangarap!” halos maghisterikal na sabi ni Mrs. Tuazon. Malungkot naman sila Haley at Lola Agnes na tumango. “Sino? Sino ang pumatay sa anak ko! Sino!” sigaw nito na halos maglupasay na sa sahig sa kakaiyak. Niyakap ito ni Sofia naisip niya na buti pa ang kapatid ay may bangkay na pinaglalamayan hindi katulad ni Vicky na ginawang abo. Mistula itong binura ng tuluyan sa mundo na wala man lang bakas. “H-Hindi po makita tulad po kay Janet ay madilim ang mukha ng may gawa pero ang malinaw hindi lang iisa ang killer dahil isang kulto sila,” ani Haley. “O mas tamang sabihin na may maskarang takip sa mukha pero hindi simpleng takip lang may kakayahan nga ang taong iyon na namumuno sa grupo ng mga satanista,” sagot naman ni Lola Agnes. “Bakit ganun? K-Kung sa tingin ninyo ang serial killer din ang pumatay sa anak ko bakit naman hindi nalang hinayaan may bangkay din kami na makuha? Sana kahit tulad man lang ni Janet pwede pang makasama sa mga huling sandali!” hagulgol na sabi ng ginang. “Simple lang dahil birhen at puro si Vicky hindi tulad ng ibang babaeng naging biktima nila. Mas nalulugod ang sinasamba nilang demonyo sa mga sariwang babae na tulad niya. Maging ang abo kasi ng mga birhan na babae ay kinalulugdan ng demonyo na ialay sa kanya,” sagot ni Lola Agnes kaya nagulat ang lahat lalo na si Sofia na hindi akalain na may karanasan na ang kapatid dahil wala naman siyang nabalitaan na nobyo nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD