Chapter 15
Napalunok si Sofia at tinanaw ang kabaong ng kapatid. Hidni siya makapaniwala sa sinabi ng matanda na hindi na ito birhen dahil kung tutuusin nga ay parang man hater pa nga ito dahil sa dami ng nireto niya rito ay walang sinagot at madalas na pagtalunan nilang dalawa dahil ayaw nito na nag se-set up siya ng blind date. Maski nga si Mark ay nireto noya at pumorma sa kapatid pero nabasted lang ito agad kaya hindi na pinilit pa.
Hindi naman kasi sa gusto niyang makipag relasyon na ito ang kanya lang ay magkaroon ng inspirasyon ang kapatid dahil malaki naman ang tiwala niya rito at mataas ang pangarap nitong makapagtapos upang maging doktor.
Medyo consenvative kasi ito at nag-aalala siyang tumanda itong dalaga dahil parang galit sa mga lalake.
“Sofia, alam kong nagtataka ka sa kapatid mo Tulad ng sabi ko ay mga birhen na tulad ni Vicky ang mas kinalulugdan at ninanais ng mga kulto pero hindi naman niya matitiyak ang biktima nila kung birhen o hindi na,”
“P-Pero Lola Agnes ‘yun nga po mula’t sapul ay wala akong nalalaman na naging karelasyon ni Janet. Kahit manliligaw ay iwas siya. Magkaroon pa po ba ng karanasan sa seks?” napapailing na sabi ni Sofia.
“May isa kang lihim na dapat malaman sa kapatid mo Sofia. Alam kong maaring ikagulat mo ito at hindi ito nakita noon ni Haley malamang ng una niyang mahawakan ang bangkay ni Janet pero naging malinaw ang isang premonisyon ng nakaraan ng tigan ko ang larawan niya,” ani Lola Agnes.
“A-Ano po ‘yun?” kinakabahan na sabi ni Sofia. Napahinga ng malalim ang matanda at hinila ang dalaga palayo sa mga naroon. Naupo ang dalawa saka hinawakan ni Lola Agnes ang kamay nito upang ipakita ang isang lihim na matagal na tinago ng kapatid.
“Huwag kang mabibigla pero ipapakita ko sa’yo ang lihim ni Janet. Alam kong gusto niya rin na malaman mo ito dahil matagal niya itong itinago sa kanyang sarili dahil natatakot siya at ayaw ka rin niya masakyan at ma disappoint,” saad pa ng matanda. Pumikit ito kaya pumikit na rin si Sofia na sobrang kinakabahan.
Third year na sa kursong nursing si Janet. Gusto niya itong maging pre-med niya bago mag-aral muli ng pagiging doktor upang mas lumawak ang kaalaman at matutunan ang lahat sa pang gagamot. Palaging busy ang dalaga at madalas ay gabihin na sa pag-uwi. Wala pa sa isip niya ang pakikipag relasyon dahil para sa kanya ay makakasagabal lang ito ngunit sadyang makulit ang isang manliligaw niya na si Tom.
Classmate niya ito at matalino naman din. Hindi rin pasaway at maabilidad. Palagi itong nakasunod sa kaniya upang sumamang mag-aral ngunit isang araw hindi ito nakasama dahil sa may importante itong lakad kasama ang varsity na kinabibilangan nito. Kaya naman mag-isa siyang nagpunta sa library upang manghiram ng libro na maiuuwi para sa mga research na gagawin.
Nagulat siya ng biglang namatay lahat ng ilaw. Napagtanto rin niya na lang siya lang pala ang naroon at walang ibang estudyante. Tumakbo siya sa lamesa ng librian nila pero wala roon ito kaya nagpapanic na kinapa ang cellphone para buksan ang flashlight. Nataranta siya dahil nakalock ang pinto kahit anong kalampag niya hanggang sa may tumakip ng bibig niya at hinila siya sa stock room na pinaglalagyan ng ibang libro.
Walang awang hinalay si Janet ng Librarian kahit anong sigaw niya ay hindi ito tumigil. Tulala siyang nakauwi sa kanila. Pinalaya naman siya ng lalake pero tinakot na papatayin kapag nagsumbong. Hindi niya maamin sa kapatid ang nangyari dahil sa hiya at takot na nararamdaman. Para sa kanya ay kasalanan din niya lagi siyang sinasabihan ng kapatid na mag-ingat at huwag magpagabi sa pag-uwi lalo na at wala ito sa bahay nila kung may client pinuntahan.
Sinabihan din siya ni Tom na bukas nalang magpunta para masamahan siya ngunit naging matigas ang kanyang ulo.
Naging malungkutin si Janet napansin ito ni Tom at dahil parang sasabog na ang dibdib ng dalaga sa bigat na dinadala ay nasabi nito sa binata ang problema sa pag-asang makakatulong ito. Nagsimula naman itong umiwas sa kanya na lalo niyang ikinasama ng loob dahil may lihim na narin siyang pagtingin dito. Pakiramdam niya ay nawala ng gana ang lalake dahil sa nangyaro na pangmomolestya sa kaniya. Mula nga noon ay naging man hater na ang dalaga. Hindi na nakita ang librarian matapos ang krimen nito dahil bigla itong nagresign.
Napadilat si Sofia at tinanaw ang kabaong ng kapatid. Naiiyak siyang napatakip ng mukha bakit hindi niya ito nalaman noon. Mas dapat na unahin niya ang kasong panghahalay dito saka na ang serial killer na tumapos ng buhay nito.
“Lola Agnes, tulungaan ninyo po akong mahanap ang lalakeng ‘yun! Hindi ako papayag na hanggang hukay ay mabaon ang kahayupan niya sa kapatid ko! Walang hiya siya!” ani Sofia. Tumango ang matanda at sumulat sa papel.
“Ito ang nakita kong address niya. Bago ka pumunta sa pulis meron tinagong damit si Janet ito ay ang suot niya ng mangyari ang panghahalay sa kanya. Kunin mo ang kanyang panty at dalhin sigurado akong may makukuhang pruweba na ang lalakeng ‘yun ang may gawa ng kahalayan sa kaniya,” saad ng mtanda.
“Marami pong salamat. Napakalaking tulong ng kakayahan ninyo lola Agnes,” naiiyak na sabi ni Sofia.
“Wala iyon hanggang kaya ko ay tutulong ako. Wala na tayo magagawa sa nangyari kundi ang tanggapin at hanapan ng hustisya. Hindi naman alam ng suspek na alam na natin ang lihim niyang krimen na nagawa kaya mabilis siyang mahuhuli.”
Niyakap ni Sofia si Lola Agnes gusto man niyang mag-iiyak dahil sa sinapit ng kapatid ay mas dapat niyang gawan ng aksyon ang nangyari rito bago man lang ito malibing. Hindi siya papayag na hanggang hukay nito dadalhin nag bigat ng loob. Kahit man lang ang panghahalay dito ay makamit ang hustisya. Sinabi niya sa mga kaibigan ang nalaman kaya sinamahan siya ni Byran na umuwi upang hanapin ang pruweba at magpunta sa pulis upang magsampa ng kaso sa dating Librarian.
Itutuloy