Chapter 18

1095 Words
Chapter 18 Pinuntahan nga ni Fiona ang kapatid sa kwarto nito. Medyo nagulat talaga siya kanina dahil hindi siya sanay na parang galit ito at nakabusangot ang mukha. Namumula pa man din ang mga mata na parang nanlilisik. Sanay siya na masayahin ito palagi at may mga ngiti sa labi. Kakilala rin ito ni Haley pero dahil laging nasa mga events ito ng mga modeling ay bihira lang makausap o makasama kahit malapit lang halos ang tinitirhan. “A-Ate? G-Gusto mo kumain?” tanong niya. Ngumisi lang ito at umiling sa kaniya. “A-Ayos ka lang ba Ate Connie?” muling tanong niya. Tumango ito at inabutan siya ng isang bandle ng tig-iisang libo. “100,000 pesos ‘yan. Ibili mo ng mga kailangan dito sa bahay magpasama kay kay mama at si Boyet bilhan mo sia ng mga damit. Magstock ka na ng mga pagkain apat na tayo ulit dito,” ani Connie. “Wow! Ang laki naman nito ate mukhang bigtime ka ngayon. Madami kaya raket lagi ah! Linggo bukas pagkasimba natin saka tayo tumuloy sa mall matagal na rin tayo walang bonding nila mama at Boyet,” ani Fiona. “A-Ayoko magsimba pagod ako. Kayo nalang sige na lumabas ka na gusto ko matulog. Huwag ninyo akong istorbohin,” sagot ni Connie. Hindi naman na sumagot si Fiona alam niyang relishiyosa ang kapatid. Madalas nga ito pa noon ang tumatawag sa kanila kahit sa video call para sabagayan siya magrosaryo. Napatingin siya sa perang hawak. Malaking halaga ito. Natutuwa siya dahil baka unti unti na nakikilala ang kapatid sa larangan ng modeling. Alam niyang matagal na nitong pangarap ang ganung trabaho. Mukha nga ito pagod dahil napayat ito. Lumabas nalang siya ng silid para hayaan itong magpahinga. Linggo Kasabay nila Haley, Aling Rosa sina Fiona, Aling Tess at ang anak na si Boyet sa pagsisimba ng araw na iyon. Nagtaka naman sila Haley dahil hindi kasama si Connie samantalang mas relihiyosa pa nga ito. Kung hindi lang model ang trabaho nito ay pwede na nga ito maging madre sa pagiging makadiyos. Kahit saan ito mapadpad para sa pagmomodelo ay naghahanp ito ng simabahan upang madalaw at makasimba. “Nasaan si Ate Connie?” ani Haley ng palabas na sila ng simbahan. Akala niya kasi ay nahuli lang ito per natapos na ang misa ay ni anino nito ay hindi na nakita. “Naku masama ang pakiramdam niya. Mukhang pagod na pagod sa trabaho siguro ang daming raket. Baka mamaya magsimaba yun mag-isa alam mo naman hindi niya palalampasin ang misa,” sagot ni Fiona. Dumiretso sila sa isang mall para kumain at mag grocery. Pinauna naman nilang dalawa makauwi ang mga kanya kanyang ina at si Boyet. Isinakay sa taxi ang mga ito kasama ng mga pinamili dahil balak nilang dalawa na mag-bonding naman. Sa isang coffee shop sa loob din ng mall sila naupo para magkwentuhan. “Alam mo Haley ang totoo niyan ay nag-aalala ako kat ate. Hindi talaga masama ang pakiramdam niya sa tingin ko kahit sinabi niya kagabi. Ang lakas pa nga kumain kanina hindi naman siya ganun kasi natatakot tumaba. Saka dati ‘yun umaga pa lang nakaligo at pustura na para kung may biglang tatawag ay ready siya pero kanina as in walang ligo ni suklay,” ani Fiona. “Hindi kaya bakasyon niya naman o talagang wala lang schedule na inaasahan. Lalo na kasama na kayo baka namiss kayo,” wika naman ni Haley. “Kung namiss kami sana kasama namin na nagsimba o namili ng mga pagkain baka nag-aya pa ng outing kaso hindi eh. Saka alam mo yung santo niya at krus na nasa altar inalis niya at nilagay sa may ilalim ng hagdan,” dagdag pa ni Fiona. Bigla naman kinabahan si Haley. Kinutuban siya ng masama hindi ganun klaseng babae si Connie. “May picture ka ba ng ate mo? Gusto mo tignan ko kung may problema siya?” ani Haley. Napasip naman si Fiona pero agad binuksan ang cellphone. “Heto, kinakabahan ako sa pwedeng makita mo pero sana naman ay hindi masama,” ani Fiona sa kaibigan. Napahinga naman ng malalim si Haley hinawakan ito saka pumikit. Napakunot noo siya sa nakita at nakaramdam ng sobrang takot para sa kapatid ng kaibigan. “Haley? Ano ang nakita mo? Ayos ka lang ba?” kinakabahan na sabi ni Fiona at agad binigay ang iniinom na frappe ng dalaga. “F-Fiona, a-ang ate mo,” hindi masabi ni Haley ang nakita pero alam niyang dapat sabihin ang nakita. “Ano may masama ba nangyari kay ate?” tanong nito. Napatango naman siya. Uminom muna siya bago nagsalita. Kinakahan siya dahil parang unti- unti ng napapalapit siya sa mga kalaban nila lalo na sa serial killer. “Fiona, nabalitaan mo naman siguro ang mga kababaihan na biglang natatagpuan na patay hindi ba? Nung nakaraan lang ay napakadaming bagong biktima,” ani Haley. “O-Oo, kahit sa probinsya ay meron. Ano ang kinalaman nit ate roon?” saad nito. Pabulong naman na sumagot si Haley para masiguro na walang makakarinig kahit konti lang ang nasa paligid. “Nakita kong may nag-alok ng trabaho sa ate mo tapos pumunta sila kasama ng halos isang daan na babae. Ginahasa silang lahat upang subukin kung birhen pa. Yung 95 na babe ay pinatay at inalay sa isang rebultong demonyo. Kinuha ang puso at kinain, pinaligo ang mga dugo nila sa rebulto at sinunog ang mga bangkay saka muling hinilamos doon ang mga abo. Ang limang natira kabilang ng ate mo ay dapat paparusahan din dahil nagsinungaling sila,” ani Haley. Naguluhan naman si Fiona kaay napakunot noo. “Ah, anong nagsinungaling?” aniya. “Ang gusto ng kultong sinalihan niya ay mga birhen,” sagot ni Haley. “Ano kulto? Sumali si ate sa kulto?” sigaw ni Fiona sa gulat. Agad naman tinakpan ni Haley ang bibig nito dahil sa gulat. “Shhh, huwag ka maingay. Hindi naman alam ng ate mo eh. Saka ang nangyari kasi nanguha ng mga magagandang babae ang mga ‘yun lalo na mga model ang datingan tapos ang citeria wala pa nagiging boyfriend. Isa ate mo sa nagsabi na walang nakarelasyon kaso ang nangyari nalaman na meron na silang karanasan. Ginahasa nga kasi sila tapos kinulong pero naisip nung lider na gawin silang tauhan din o alagad. Sinailalim sila sa hipnotismo kaya siguro ayaw na magsimaba ng ate mo at inalis ang mga santo sa kwarto niya,” sagot ni Haley. “Diyos ko Haley parang lumalabas satanista na rin ang kapatid ko,” naiiyak na sabi ni Fiona.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD