Chapter 19
Nalungkot din si Haley dahil ang dating relihiyosang si Connie ay nasa kamay na ngayon ng grupong pumapatay sa mga kababaihan.
“Fiona, makinig ka hindi pa naman huli ang lahat. Halika sasama
ako sa inyo baka sakaling may magawa ako saka gusto kong malaman kung sino ang
serial killer. Mukhang mas lumalaki kasi ang organisasyon nila at siguradong mas
dadami ang mamamatay,” ani Haley. Tumango si Fiona at mabilis na sila umuwi
para makita ang kapatid. Pagkadating nila ay nakita nilang umiiyak si Aling
Tess at Boyet na nasa garahe ng bahay.
“Ma? Bakit kayo umiiyak ni Boyet? Ano ang nangyari? Nasaan si
Ate Connie?” sunod sunod na tanong ni Fiona. Kinarga nito ang anak.
“Ewan ko ba sa kapatid mo kinuha ko kasi yung santo niya at
nilagyan ng Sampaguita tapos pumasok ako at ibinalik sa kwarto niya. Nilinis ko
pa nga at pinabanguhan. Nagalit na siya bigla pinagbabasag at parang nagwawala.
Pinapalayas kami ni Boyet ng bahay,” sagot ni Aling Tess.
Nagkatinginan naman sila Haley at Fiona. Kapwa nila alam bakit
ito ganito umasal sa ina at pamangkin.
“Ma, huwag ka na umiyak may problema lang siguro si Ate Connie,”
ani Fiona.
“Doon muna kayong tatlo sa amin tumuloy Fiona, Kunin mo ang mga
gamit ninyo,” saad naman ni Haley.
“Salamat, mas mabuti nga,” wika ni Fiona.
“Teka, iiwan natin ang ate mo?” naluluhang tanong ni Aling Tess.
“Ma, mamaya ko na lang po ipapaliwanag,” ani Fiona saka mabilis
na pumasok sa loob. Tumakbo siya sa kwarto nila at nilagay agad sa bag ang mga
damit nila. Wala naman sila gamit na dala dahil kahit noon sa mga tinirhan na
apartment ay hindi bumibili dahil sa palipat lipat siya ng branch sa trabaho.
Kinakabahan siya haabng nagbabalot pero napatingin sa pinto ng kwarto ni Connie. Sarado naman iyon at tahimik. Mabilis siyang lumabas ng bahay pagkatapos mahakot ang lahat. Tinext niya ang kapatid na hindi niya gusto ang ginawa sa ina at anak kaya aalis muna sila roon tanging sige lang ang reply nito. Nalungkot siya dahil hindi ganito ang kapatid pero dahil nga sa satanista na ito ay wala na siya magagawa. Nagulat din si Aling Rosa ng makitang kasama ni Haley sila Fiona.
“Napano kayo Tess?” aniya. Pinapasok muna sa loob ni Haley ang mga ito saka sinara ang mga pinto at bintana para siguradong walang makakarinig. Hindi rin lingid sa pamilya ni Fiona ang kakayahan niya mula pagkabata.
“Makinig po kayo nabalitaan ninyo naman siguro ang mga
kababaihan na biglang natatagpuan na patay hindi ba? Nung nakaraan lang ay
napakadaming bagong biktima ng Serial Killer na isa palang kulto o satanista.
Kanina nung tinginan ko ang picture ni Ate Connie nakita kong may nag-alok ng
trabaho sa kanya tapos pumunta sila kasama ng halos isang daan na babae sa
isang tagong lugar. Nakita ko rin po na ginahasa sila ng lahat upang malaman
kung puro o hindi na. Yung mga 95 na babae po ay pinatay ng mga kulto at inalay
sa isang rebultong demonyo. Kinuha ang puso ay kinain ng mga myembro, pinaligo
ang mga malalansang dugo nila sa rebulto at sinunog ang mga bangkay saka muling
hinilamos doon ang mga abot. Napakadami nilang pinatay sa isang araw lang Ang limang
natira kabilang ni Ate Connie ay dapat paparusahan din dahil nagsinungaling
sila na mga wala pang nagiging boyfriend. Dagil ang gusto po ng kultong
sinalihan niya ay mga birhen yung sinubok sila ay ginahasa nga kung duduguin
tanda ng pagkapunit ng hypen pero hindi pinatay sila Ate Connie bagkus ay
ginawang kasapi pa ng satanista na ‘yun,” saad ni Haley.
“Gusto ko Fiona! Ano? Naging satanista na ang ate mo?”
humahagulgol na sabi ni Aling Tess.
“Ma, ililigtas natin siya huwag ka mag-alala,” ani Fiona na
naiiyak.
“Paano? Anong laban natin sa demonyo? Isa pa ay wala na tayo sa
tabi niya,” sagot muli ng ina.
“Aling Tess, mas mabuti po kasi na narito kayo muna dahil baka
pati kayo ay mapasalalim ng pagiging satanista lalo po ninyo hindi matutulungan
si Ate Connie. Fiona, pwede ka ba magleave sa trabaho? Isasama kita sa opisina
para masabi ko sa boss ko na may isang pwedeng witness sa kaso ng serial killer
tapos isasama natin sa inyo ang grupo nila Niel. Mga paranormal expert sila
pwede nilang tulungnan ang ate mo na mawala ang sapi,” ani Haley.
“Oo, walang problema sige sasabihin ko na mag leleave ako tutal
noon pa wala ako nagagamit na sick leave yun muna ang gamitin ko para 1 week.
Mas mahalaga na maibalik ko si Ate Connie sa tamang pag-iisip,” sagot nito.
Tumango din si Aling Tess bilang pagsang-ayon.
Binuksan naman ni Aling Rosa ang T.V at muling bumungad ang balita
sa mga bagong biktima ng serial killer. Lumapit si Haley sa Tv at kinahawak ito
ng tumapat sa bangkay ang focus ng camera. Pumikit siya pero naging malinaw
sino ang may gawa.
“Nakakapagtaka,” aniya na napakunot noo.
“Bakit?” halos sabay sabay na sabi nila Fiona, ALing Rosa at
ALing Tess.
“N-Nakita ko ang mukha ng pumatay,” sagot niya.
“Ha? Nakita mo ang serial killer?” ani Fiona.
“Nakita ko ang itsura ng mga pumatay pero sigurado ako na hindi
sila yung Mr. Black na leader nung mga kulto. Maaaring mga tauhan lang nila at
inutusan,” sagot ni Haley.
“Kailangan talaga maialis natin si Ate sa grupo na ‘yan!
Delikado baka mamaya mahuli ng mga pulis madamay pa siya. Mukhang bukod sa
totoong killer ay may iba pang pinakalat na papatay,” saad ni Fiona.
“Sandali, tatawagan ko sila Niel para patulungan tayo na maalis
ang hipnotismo na ginawa sa kanya ng mga kulto,” wika ni Haley saka tinawagan
ang lalake. “Hello? Niel? Busy ba ka? Pasensya na ha pwero kailangan namin ng
tulong ninyo lalo na si Lola Agnes. Isa kasi ang kaaptid ng kaibigan ko sa
muntik na mapatay ng satanista na pinamumunuan nung Serial killer. Nakita ko
ang mga ginawa nilang pag-aalay sa mga babae. Pwedeng bang pumunta kayo rito?
Itetext ko ang address,” aniya.
“Oo, Haley sige pupunt akami agad,” sagot ni Niel.