Chapter 10: Next Chapter

1828 Words
*** “Mia!! Tangina ka bumalik ka dito!” sabay hatak niya sa braso ko ng sobrang higpit na alam kong magmamarka na naman ulit. Naramdaman kong tumilapon ulit ako sa sobrang pamilyar na silid. Niyakap ko ang mga binti ko at yumuko. May kamay na humila ng buhok ko at ang isang kamay ay hinawakan ako sa baba. “Wala ng magmamahal sa’yo ng mas higit pa sakin, puta ka.”   Bigla akong napaupo na hinihingal. Nightmares. Pati sa panaginip, ayaw akong tigilan. Buti sana kung panaginip lang eh. These memories kept on haunting me. Every.fucking.day. Apat na buwan na ang nakalipas simula nung naghiwalay kami ng tuluyan. It was the same month of December, nakayanan kong makipaghiwalay ulit at pumayag rin siya finally. Hindi ko na ide-detalye kung paano dahil masisira lang ang araw ko. Mga isang linggo akong umiyak ng umiyak at minsan kahit habang nagdu-duty, tuloy ang emote. Ilang araw rin ako naging wasted kakainom pero di umabot ng buwan, na-realize ko na sobrang laking tinik ang natanggal sa buhay ko. I couldn’t be more thankful. Maraming nagsasabi na sayang ang pinagsamahan namin at maraming nag-judge na ako ‘yung may kasalanan dahil ako ang bumitaw. Syempre, pa victim ulit sa social media ang drama nung gago. Niisa hindi ko pinansin. Ang lahat ng manggugulo sakin sa social media, bina-block ko kaagad. Pati pamilya niya tine-text ako at iilang unknown numbers. Block din. I’ve had enough toxicity at walang sinumang makakasira ng peace of mind ko ngayon. Ambilis ko nakamove-on dahil sa totoo lang naman, matagal ko ng gustong umalis in the first place kaya masasabi kong hindi basehan ang ilang taon na pagsasama. Inaamin kong hindi ko na siya mahal pero may natira pa din. Traumas.     *** Nakatitig lang ako sa laptop ko habang nagsusulat ng iilang poems. Hindi ko madugtungan ‘yung nobela mismo dahil ilang taon na rin akong tumigil kakasulat. Sakit sa utak ng writer’s block. Kainiisss. Nung hihiga na ako ulit sa kama, biglang nag notify ‘yung sss ko. Nag-reply ‘yung editor ko at nanlaki ang mga mata ko sa offer niya. ‘Congratulations! You’ve passed the evaluation! We are happy to welcome you as one of our exclusive full time writers…”  Napaupo ako sa pagkakahiga at hinahampas-hampas ‘yung unan ko. Agad rin akong lumabas ng kwarto para i-announce kina mama yung good news. Once an artist, will always be an artist by heart ika nga nila.   *** “Hoy gaga, masyado ka namang busy sa buhay. Andami mong trabaho at sabay pa sa pag-aaral. Buti nga nakakasama ka pa samin eh.” Iyan si Marianne. Nasa Harrison’s kami kumakain ng barbeque habang ginagawang softdrinks ang tig-iisang bote ng beer. “Syempre naman. Alam niyo na ‘yung motto ko diyan. Walang taong busy basta willing ka bigyan ng oras. Love ko kayo eh.” “Love love ka din namin Miaaa-tot!” isa pang sambit ni Razelle saka yumakap sa braso ko. Hindi ako clingy na tao pero hinahayaan ko ang iilan na close talaga sakin na maging ganito kalapit. Sila ang dalawang kaibigan ko na automatic kaming nag-click at walang halong keme. Nakilala ko sila last semester dahil classmates kami sa Accounting. Saksi rin sila sa mga drama ko sa buhay at syempre, one call away lang ako sa kanila. The wonders of Papa G. He’ll remove the toxic ones pero may ipapalit siyang mga tao na tumatama sa buhay natin sa tamang pagkakataon. These girls became my sisters from another family and I thank Him for it. “Natulala ka samin? Na-realize mo bang mas maganda pa kami sa’yo?” ani Marianne. “Di din. Alam ko namang mas dyosa ako. Naiisip ko pa din kung paano niyo binwiset buhay ko eh.” “Wow ah. Kakahiya naman po sa inyo. Pero speaking of, tignan niyo sa kabilang table. Kanina pa nakatingin ‘yung tatlong bebe bois. Lapitan mo Mia-tot. Pakilala mo sakin ‘yung isa.” “Gaga ka, ba’t ako? Ikaw may gusto ikaw lumapit. Pass muna ako sa bebe bois. Babae na syo-syotain ko para maiba naman.”   Biglang nandiri ‘yung mukha nung dalawa at tinakpan yung mga dibdib nila ng dalawang kamay. “Omg. Hindi tayo talo girl.” “Wag mo akong pagnasahan. Gusto ko pa rin ang brown na hotdog.” “Gaga, di ko kayo type. Yuck!” saka ko ibinato ng pabiro yung lukot na tissue at nagtawanan lang kami.   “Excuse me girls, pwede pa-picture sa inyo?” may biglang nagsalita. Isa dun sa tinutukoy ni Razelle na nasa kabilang table. Bawal raw KJ kaya nagpa-selfie nga siya. “Pwedeng picturan mo din kami, please? Salamat.” Nakangiting sambit ko. Syempre, may return favor. Di libre mga mukha namin. Para-paraan niya ah. “Sure sure, walang problema.” Matapos niya kaming picture-ran, sinabi niya din kung pwede ba raw silang maki-join. Aba um-oo ‘yung mga lola niyo. Hindi ako nagpatabi. Nilagyan ko ng bag ang katabing upuan ko kaya ‘yung dalawa, tumabi sa mga babaita kong kaibigan at ‘yung isa ay naupo katapat ako bale rectangular ‘yung table so nasa kabilang end siya. Legit na pass muna ako sa landi. Nagchikahan lang kami at ine-enjoy ko lang din ‘yung moment. Tagabantay muna ako ngayon lalo na kay Razelle na ‘yung isang kamay ay nakapatong na sa lap nung kalandian niya. Pinanlakihan ko siya ng mata. “Ay hehehe. Sorry sorry. Di ko sadya.” Tas nag peace sign pa siya. Pagkatingin ko kay Marianne, ang pinaka-inosente sa aming tatlo, ang baby girl sa grupo, mukhang matino naman ang kausap niya at behave lang so oks lang. “So, ba’t di ka sumali sa picture? Siguro may asawa ka noh? O girlfriend?” pangbubwisit ko dun sa kalandian ni Razelle na pangalanan nating Guy #2. “Huh? Hahahah wala naman. Anong klaseng tanong ‘yan? Teka order muna tayong drinks. Ako bahala.” Tatayo na sana siya pero pinigilan ko. “Ops. Amin na. Ako na bibili. May bibilhin rin kasi akong chichirya. Balik ko nalang sukli mo.” Sumunod naman siya at nag-abot ng 500. Better safe than sorry. Basic rule ‘yun. Never let a guy buy you a drink. Okay girls?   Nung lumalalim na ang gabi, iniwan na namin silang tatlo. Pagewang-gewang ang lakad ni Razelle habang tatawa-tawa lang kami ni Marianne na nakasunod sa kanya. Konti lang ang ininom ko kasi duty pa ako sa coffee shop by 1am-7am. Naiba ang schedule ko kasi this month. Balita ko pa may bagong trainee daw ngayon at sa akin pa naka-asign. Tssk. “Mia, ilan ‘to? Makaka-duty ka pa ba?” sabay pakita ni Razelle sa palad niya. “Isang kamay at limang daliri. Duh. Ako pa iniisip mo ah? Ayusin mo nga lakad mo huy.” “Maayos naman ah, tamo ‘to. Oh, oh. One, two, three. One, two, three! Hanapin lang ang straight line eh hahahahaah!” Nagkatinginan kami ni Marianne at sabay na napailing. Pinagitnaan namin siya sa paglalakad so pagewang-gewang kaming tatlo. Naka boarding house kasi ang ‘sang ‘to malapit lang dito kaya ihahatid namin. Matapos naming ihatid ‘yung isa, pumara na kaming taxi dahil nasa Mandaue pareho ang coffee shop na pinagtatrabahuan ko at malapit lang rin kila Marianne. “Girl, may irereto ako sa’yo. Gusto mo blind date ko kayo?” excited na tugon niya. “Pass.” “Matangkad siya. Medyo pogi din.” “Pass.” “May trabaho! Makadiyos.” “Nah-uh. Pass.” “Ang KJ mo naman. Asan na ‘yung landi skills na tinatago mo? Labas na daliii.” “Tigilan mo ‘ko sa kalokohan mo Maria. Asikasuhin mo sarili mo kasi NBSB ka. Choosy choosy eh.” “Yak ‘yung Maria uy! Ang bantot! Tsaka, masaya naman ang single life.” “Ulul. Magkaka-muscles na ‘yang mga daliri mo kakasarili.” Pagkasambit ko nun bigla niyang tinakpan ang bunganga ko. “Kakahiya kay kuya driver gaga ‘to.” Natatawang tinanggal ko din ang kamay niya. “Di gets ni kuya ‘yan. Dapat pala tigilan mo na pagjajak----akhjkdfas”  “Sssshhh!” “----kol. HAHAHAH!” Pagkatingin ko kay kuya, pangiti-ngiti lang din naman siya habang umiiling. Tuloy lang kami sa mga greenjokes hanggang sa naunang bumaba si Marriane at ako din ibinaba ni Kuya sa tapat ng Coffee Chinie. Pagkatingin ko sa relo, may 42 minutes pa bago start ng shift ko. Nung sumilip ako sa loob ng shop, may iilang tao na sa loob at kumaway din ako kay Jen at Doms na halatang masaya din na sabay sila ng shift. Sila na nga pala mahigit kalahating buwan na. May dalawang bench kami dito sa gawas ng coffee shop kaya naupo muna ako sa isa at nakatitig lang sa iilang mga sasakyan na dumadaan. Maya-maya, napatingin din ako sa langit. I heaved a sigh and closed my eyes. Ang sarap pala mabuhay in peace. Maraming magandang bagay sa mundo na pwedeng i-enjoy. “Parang nasa movie lang ah.” Medyo nagulat ako sa nagsalita kaya napalingon ako sa gilid. Isang lalaking nakaupo sa kabilang bench. Naka black na hoodie jacket siya at gray na track pants tsaka rubber shoes. “Ako kausap mo?” turo ko sa sarili ko kaya natawa siya. “May ibang tao ba dito, Miss?” napalingon ako sa paligid at wala nga. And so? Pero mabait naman ako kaya di ako magsusungit dahil baka customer nga din. “Wala din.” I shrugged. “Bibili kang kape? Para sakin kasi, masarap ‘yung Espresso nila.” Pagsasalita niya ulit. Well, di naman siguro masamang makipag-chikahan sa stranger. He’s keeping his distance din naman. “Masarap naman lahat dahil ‘yung owner mismo ang supplier ng coffee beans so alam niya talagang the best ang consistency ng bawat cup. Aside from that, sinisigurado nilang beneficial ito sa utak, liver, at heart. Tapos----“ bigla akong napahinto at nahiya bigla sa daldal ko. “Go on. Nakikinig naman ako. Mukhang madami kang alam tungkol sa coffee ah. How ‘bout the pastries? Anong mare-recommend mo?”  “Cheesecake, syempre.” “Hala. Favorite ko din ‘yan lalo na ‘yung blueberry? Heaven.” May hand gestures pa siyang kasama tapos bumuntong hininga. Aba. Di lang pala ako ang madaldal. Siya nga pala ang nag-initiate ng conversation. “Favorite ko din ang kahit na anong flavor ng cheesecake. ‘Yung tipong inuunti-unti mo pang pagkagat para mag melt sa loob ng bibig mo?” chika ko palabik. “Oo nga. Tssk. Galing mo mag sales talk ah. Feeling ko Business Ad student ka.” “Stalker ba kita?” “Gwapo kong stalker ah. Wow. Feel ko lang. Bakit, tama ba?” “Secret. Ba’t ko sasabihin?” Nagkibit-balikat siya. “Ako kasi, Engineering. Nai-istress ako kaya nag google ako ng bukas na coffee shop para makabili pero di ako naka-decide agad kung ano bibilhin pero ngayon alam ko na.” “Daldal mo noh?” “Alam ko. Teka, bili lang ako sa loob ng kape ah? Diyan ka lang.” tas tumayo siya at pumasok na sa loob para mag-order. Tumingin ako sa relo ko. May 20 minutes bago sa shift. I sat for a while hanggang sa lumabas siya ulit na may bitbit na dalawang cups at isang box ng blueberry cheesecake. Syempre alam ko ang packaging. Inilagay niya sa tabi ko ang isang cup ng Espresso. “Ayan. Dito ko ilalagay kasi for sure tatanggi ka pag iniabot ko sa’yo mismo. Alis na muna ko ah? May nakalimutan akong activity.” Tango lang ang nasagot ko bilang tugon. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad pero maya-maya ay bumalik ulit. “Nins nga pala. Nice meeting you, stranger. Good night.” Sabay ngiti niya bago umalis.   Nins? Bakla ba ‘yon? Parang di naman. Napatingin ako sa kape na nasa tabi ko. Buti nalang din pampawala ng antok. Thanks, stranger. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD