A few months later…
Mia’s POV
Nakapag file na ako ng leave for 2 days dahil ready na akong bumalik sa Bacolod para makilala ang pamilya ni Marco. Malapit na rin kasi kaming mag 2 years by November. Nakakausap ko na naman ang Ate at Kuya niya through chat pero never ko sila nakahalubilo in person.
Kinakabahan ako pero na-eexcite at the same time. Umaapaw talaga ang excitement kahit papaano dahil finally, kahit di man lang niya ko maiharap sa close friends niya noon, mas importante yung tanggap ng pamilya.
Pagka-ring ng bell, ayon na ‘yung hudyat na uwian na at tapos na ang last class. Naka-ready na ang tatlong pares ng damit ko sa bagpack para sa biyahe ko tonight. Sabi ni Marco kahapon, intayin ko raw ‘yung tawag niya bago ako umalis kaya nakaupo lang ako dito sa bench ng school.
6:31pm. Isang oras at kalahati na akong naghintay hanggang sa finally, nag-ring ‘yung phone ko.
“Hello, Marco? Ano, aalis na ba ako?” nakangiting sambit ko.
(Mahal kasi, may problema.)
“Huh? Bakit, napaano ka? Anong nangyari?”
(Eh kasi biglang nag-confirm si Kuya Marlon at yung asawa niya na pupunta rin sila sa birthday ni Mama. Akala ko kasi hindi tapos may iilang relatives pa ako na dadalo rin. Masyado silang madami baka matakot ka.)
Napawi bigla ang ngiti ko. ‘Yung kuya niya kasi, kaaway nilang lahat na magkakapatid. Ang mayaman at perfectionist na kuya na super strict daw.
“So anong problema? May manners ako for sure. Kaya ko naman silang harapin lahat eh tsaka may pinag-aralan din ako at may trabaho kahit papaano. Hindi pa naman ako namamanhikan para pakasalan kita diba.” Pabirong sambit ko para kahit papaano ay mag lighten up yung mood.
Baliktad kasi kami. Sa almost 2 years na relationship namin, parang ako ‘yung lalaki. Kelangan constantly pino-prove ‘yung worth ko. Siya yung priority at okay lang din sakin ‘yon.
(Ayaw kitang mapahiya kasi. Wag nalang kaya muna? Next month na siguro o baka sa susunod na may okasyon ulit ‘yung wala si kuya? Alam mo namang ayaw din ‘nun sa’yo kasi baka puro ka lang daw arte.)
“Kaya nga gusto kong makilala nila ako, Marco. Kahit sa kanila man lang, may approval.”
(Eh pero, wag na pala talaga. Intindihin mo nalang please, mahal? Nakakahiya eh.)
Intindihin ko ulit. Nakakahiya. Nakakahiya ako. I sighed a deep breath. Sumisikip ulit ‘yung gago kong puso.
“Okay. If you say so. Ingat ka.” Tas nag-usap pa kami na parang wala lang ulit sa kanya.
Ang manhid mo, chong. Yaan na. Sanay naman na ako sa ganito from time to time. Hindi ko na ulit ipipilit ang sarili ko sa kahit na sinong kakilala niya.
Kapagod din ma-disappoint. Nakakababa ng self-esteem at confidence.
Love is pain, they say.
***
(Author’s note: Violence ahead. If you want to skip this part, you can until the next “***”.
It will not affect the flow of the story.)
December came. Ang unang araw ng buwan ay birthday ko kaya pupunta raw si Marco dito ulit. The first year of our relationship wasn’t perfect pero eto ‘yung pinakamasaya so far.
This second year, however, made me think several times. Ilang araw ko ding pinag-iisipan na gusto ko ng makipag-break kay Marco at ngayon ay buo na ang desisyon ko.
Nangingibabaw na ang sakit sa relasyong ‘to at feel ko na kapag magpapatuloy pa ako ay mauubos ang sarili ko kakabigay ng lahat pero kulang pa din.
In our two years, I never felt worthy for him. Sayang pero nakakalimutan ko na ang sarili ko.
I can’t spend the rest of my life proving my worth to a boy.
“Mahal ko! Happy birthday!” sabay yakap niya sakin ng mahigpit. Yumakap rin ako pabalik dahil iniisip ko palang na last na ‘to, masakit pa rin.
Deretso ang biyahe namin sa beach resort kung saan nakapagpa-reserve kami ng room. Kwento ng kwento si Marco sa mga pangyayari sa buhay niya habang kumakain kami. Tumatango lang ako at ngumingiti ng konti.
“Marco, mag-usap tayo. Seryoso ‘to kaya makinig ka muna, please.”
“Sure, sure. Ano ba ‘yon mahal ko?” nakangiting sambit niya. Damn those eyes. Wag kang papatalo, self.
Matagal bago ako nakapagsalita pero nasambit ko rin.
“Maghiwalay na tayo. Hindi ko na kaya ‘to.”
A moment of silence. Maya-maya, nagsalita rin siya.
“Ano? Nagbibiro ka ba? Bakit, may iba ka dito? Sino?” napatayo siya bigla.
“No, wala akong iba. Napapagod lang talaga akong intindihin ka. Open naman ako sa’yo sa mga issues ko sa relasyon natin diba? Pero hanggang ngayon, ganun pa rin. Gusto ko din mag grow, Marco. May buhay at mga pangarap din ako. Hindi pwedeng ikaw lang lahat iniintindi.”
“Ang babaw naman niyan, Mia. May buhay ka nga dito, ano bang problema talaga? Baka rason mo lang ‘yan dahil kayo na nang kung sino diyan.”
Napatayo na rin ako at ngayon ay napakunot ang noo ko. Binabaliktad na niya naman kasi ulit pero this time, hindi na ako magpapatalo.
“Alam kong may buhay ako dito pero di mo ba gets, Marco? Partner nga eh. Hindi basta-bastang jowa lang kasi di na tayo bumabata. Partner as in katuwang sa buhay na posibleng pang lifetime ‘yung hanap ko. Sa dalawang taon natin, mas napuno pa ako ng emotional stress kesa ma-motivate. Ano pa kung magtagal pa tayo, diba?” reason out ko sa kanya. Nanatiling kalmado ang boses ko dahil gusto ko pa din ng matiwasay na closure kahit papaano.
Napasuklay si Marco sa buhok niya at palakad-lakad sa kwarto. Nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa kanya.
“Hindi. Hindi pwede ‘to. Hindi pwede. Mababaliw ako pag nawala ka. Hindi pwede sabi ‘to.” Paulit-ulit niyang sambit.
Lumapit ako sa kanya at akmang hahawakan ko siya para pakalmahin pero ilang segundo lang, naitulak niya ko sa pader. ‘Yung isang kamay niya nakahawak sa leeg ko.
“Kung hindi ka na magiging akin, walang iba na pwede. Naiiintindihan mo ba, mahal ko?”
His eyes were different. Nakakatakot. Ibang-iba ito at puno ng galit. s**t, humihigpit ang hawak niya sa leeg ko.
“Marco, bitaw please. Di.. di ako makahinga.”
Kalaunan ay binitawan niya ako kaya napaubo ako ng konti. Pagka-angat ko ng tingin, may hawak siyang kutsilyo na nakatutok sa sarili niya mismo.
Hinablot niya ang kamay ko at pinahawak sa dulo ng kutsilyo.
“Kung makikipaghiwalay ka, patayin mo nalang ako. Idiin mo dali!” natatawang sambit niya.
“What the f**k Marco? Ano ba! Tumigil ka nga!” naghy-hysterical na ang boses ko dahil hindi ito ayon sa plano at wala akong ideya na magiging ganito ang reaksyon niya.
Nakawala ako sa hawak niya at tutungo sana sa direksyon ng pintuan.
Naramdaman ko ang marahas na paghila ng buhok ko kaya napaatras ako ulit pabalik sa kanya. Na-corner ulit kaya napaupo ako sa sahig. Punong-puno ng kaba.
“Tatakas ka sakin? Subukan mo kung kaya mo, mahal ko.”
Hinila niya ang braso ko para tumayo. Sobrang higpit din ng hawak niya.
“Akin ka o papatayin kita?” titig na titig siya sakin habang nakatutok ang swiss knife sa leeg ko this time. Buong lakas kong pinipigilan ang malalaki niyang braso.
Ano nga bang laban ko na kaming dalawa lang sa maliit na silid na ito?
“Marco naman, seryoso ka ba? Kaya mo ‘kong saktan ng ganito? Pag-usapan natin ‘to please.”
“Sa tingin mo hindi? Wala namang point sakin pag di na tayo. Sample ah?”
Dahan-dahan niyang diniinan ang patalim sa leeg ko at hindi ako gumagalaw talaga. Nakaramdam ako ng konting hapdi.
Shit. Mamamatay na ba ako tas lalaki lang makakapatay sakin? s**t talaga. Gusto ko pang mabuhay.
Sinubukan kong mag-isip ng tama. Gagawin ko na lahat makawala lang dito.
Bahala na.
“Hindi. Hindi na kita iiwan. Wag mong ituloy, please.” I pleaded for mercy.
I begged for the eyes that once stared at me with so much love.
Unti-unti niyang binitawan ang patalim at niyakap ko siya ng mahigpit kahit nanginginig. Sa oras na ‘yun, alam ko na sa sarili kong maling-mali ang desisyon ko.
Kelangan ko lang muna siyang sabayan sa ngayon para kumalma. Biglang bumagsak ang level ng pagmamahal ko kay Marco pero may natitira pa rin talaga.
Hindi ako tumawag ng pulis dahil inakala kong masasagip ko pa siya.
Ayoko rin mas lumaki ang gulo at ma-involve ang mga pamilya namin kaya naisipan kong sarilinin ang ibang side ni Marco na sobrang delikado.
Akala ko tanga lang ako pumili ng mga bagay-bagay. Pati sa lalaki rin pala.
***
New year. Lumipat si Marco dito sa Cebu dahil ang nasa utak niya, baka raw naisipan ko lang makipaghiwalay dahil di ko siya nakikita araw-araw. Mas naging mabigat ang buhay ko dahil bukod sa may bantay palagi, naging priority kong ayusin siya.
Akala ng lahat ng kakilala namin na sobrang perfect ng relationship na ‘to kaka-post ni Marco sa social media ng kung ano-ano.
Alam niyo ba ang nangyari after ng gabing ‘yon? Umiyak siya ulit at humingi ng patawad. Hindi na raw mauulit.
Nagiging routine na niya kaya nagkunwari lang akong nadala pero hindi talaga.
Napatawad ko siya pero up until this day, nakatatak na sa utak ko. Hindi ako nakakalimot.
Kelangan kong makawala.