“Did you f**k her?”
Ayun ‘yung unang tanong na lumabas agad sa bibig ko.
“Anong klaseng tanong naman iyan, Mia!”
“Seryoso ang tanong na ‘yan, Marco. Uulitin ko. Did you f*****g f****d her?” I gritted my teeth. s**t gusto kong kumalma. Hindi ako sanay na nagagalit ng ganito.
Alam kong may kasalanan din ako at hindi excuse na nag-cheat ako pabalik just for the sake of seeking revenge. Judge me all they want pero may mga oras talaga na napupuno tayo mismo kahit mahal natin.
“Hindi! Walang nangyari samin! Matapos niya kong halikan, oo inaamin ko. Napahalik ako pabalik dahil na-miss lang kita. Inisip kong ikaw ‘yon pero wala kaming ginawang iba. Hinatid ko siya sa kanila at ‘yun na ‘yon!”
I closed my eyes. Bumuntong-hininga rin ako ng ilang beses. Gusto kong makuha ang rationale sa puntong ito pero sobrang daming tumatakbo sa isipan ko. Nahihirapan akong maniwala na walang nangyari sa kanila.
Napadilat lang ako ulit nung naramdaman ko ang dalawang kamay ni Marco sa magkabilang balikat ko.
“Mahal, maniwala ka. Hindi ko kayang gawin ang makipag-s*x sa ibang babae.”
“Hindi mo ba kaya dahil ayaw mo o dahil takot kang malaman ko?” tinitigan ko siya mata sa mata.
“Hindi…”
Ngumiti ako. A smile of bitterness.
“Hindi ko maintindihan ang reasoning mo, Marco. Alam mong gusto ka at nilalandi ka na nung babae pero sinasabayan mo pa rin. Isa lang ang hiniling ko sa’yo at ni minsan sa mga gala mo, hindi kita pinagbabawalan diba? Ayaw kitang masakal. Mahirap bang dumistansya sa mga babaeng may gusto sa’yo? Mahirap bang alalahanin mo munang may girlfriend ka?”
“Mahal… I’m sorry. Patawarin mo ‘ko. Lalayuan ko na lahat ng babae, wala na akong kakausapin.”
“That’s not my point. Ang sabi ko lang, ‘yung may gusto sa’yo. Hindi kita pinagbabawalan makihalubilo basta’t walang malisya.”
Sobrang amo ng mukha niya pero wala akong maramdamang awa. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko pero wala pa din.
Nanahimik ako ng ilang minuto habang pilit niya akong kinakausap. Gusto kong iparamdam sa kanya na masakit. Gusto ko siyang saktan pabalik sa oras na ‘to.
Magulo ang isipan ko pero kaya kong isadula sa kanya ang pangyayari na parang kwento sa isang libro.
“Gumala rin kami nung rest day ko kasama sina Candice at Jen. Nag-ayos ako ng konti tapos nag-inuman kami. Marami-rami iyon tapos pumunta kaming club. May nakilala ako, si Patrick. Chinito siya, matangkad, maayos manamit at hindi lang ‘yan. Ang galing niya sumayaw sa dance floor.”
Kitang kita ko ang pagkunot ng noo niya. Ayan nga. Iproseso mo dahil hindi pa ako tapos.
“Sinayawan ko siya pabalik hanggang sa naghalikan kami. Nihindi ka nga sumagi sa isip ko dahil sa galing gumalaw ng labi niya. It was so soft kaya hinila ko siya palapit sakin. I sat on his lap----“
“Tangina, Mia. Tumigil ka. Itigil mo ‘yan.”
“—Ayon. Pagkakandong ko sa kanya, tuloy ang halikan namin. Nakakalula parang nasa cloud nine ka. Malapit nga rin akong sumama sa kanya eh pero sabi ko next time nalang siguro pag single nako. Ang saya pala ng night life. Ngayon alam ko na kung ba’t lagi kang gumagala, mahal ko.”
Go ahead and have a taste of your own medicine, my love.
Sunod-sunod ang buntong hininga niya hanggang sa nalulukot ang plastic cup sa isang kamay niya at naitapon ito bigla. Nanatili akong walang kibo habang nakaupo.
He took out a lighter right infront of me, at sinindihan ang sigarilyo. Kinuha ko ito mula sa kamay niya at ako mismo ang humithit nito saka binuga ang usok sa mukha niya.
“Tinuruan rin ako ni Jen dito pero hindi ko pa rin gets bakit mas mahal mo pa ‘to sakin. Pang ilan ba ako sa priorities mo, Marco? Or baka di talaga ako kasali in the first place?”
“Mia… naiiintindihan ko na ang gusto mong iparating at hindi ko magawang magalit sa’yo dahil sa ginawa mo. Tama na, please. Nagagalit ako sa sarili ko dahil alam kong ako ang dahilan. Hindi ikaw ‘yan, mahal ko. Sobrang bait mo.”
“Sinisira mo ang natitira kong bait, Marco. Sinusubukan mo palagi ang pasensya ko. Mahal mo ba talaga ako?”
“Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko.”
“Bullshit. Ang sakit mo naman magmahal.” At sa di malamang dahilan, parang bigla akong lumambot ulit at namumuo ang luha sa mata ko. Wag kayong bumagsak. Makisama kayo, tears.
Biglang lumuhod sa harapan ko si Marco habang humihikbi. Aba, nauna pa siyang umiyak sakin ah. Niyakap niya ang mga binti ko.
“Sorry, please. Sorry na talaga. Alam kong kasalanan ko lahat ng ‘to. Mahal na mahal kita at di kita kayang mawala, Mia. Wag mokong iwan, di ko kakayanin talaga.”
Inangat ko ang mukha niya gamit ang isa kong kamay.
“Mahal din kita pero sana man lang bigyan mo ‘ko ng konting puwang sa buhay mo. Kung alam kong ganito pala kasakit magmahal, sana di mo nalang ako ginulo. Wala kang alam sa pinagdaanan ko, Marco. Hindi ako takot mawala ka dahil kaya kong mabuhay mag-isa. Sinagot kita dahil gusto ko pero di kita kailangan.”
“Ansakit mo naman magsalita. Parang nakakalimutan mong mahal moko.” Pagsasalita niya sa gitna ng paghihikbi.
Ni-level ko ang sarili ko sa kanya at saka pinunasan ang mga luha niya.
“Magpapatawad ulit ako dahil mahal kita pero may isang hiling ako.”
“Ano ‘yun?”
“Pag naisipan mong mag-cheat ulit, gawin mo nalang ng hindi ko alam. Isang hiling lang talaga. Just please don’t f**k her.”
Matapos kong bitawan ‘yon, kinuha ko ang bag ko at umalis sa silid. Inubos ko ang isang stick ng sigarilyo hanggang sa maupos ito kaya tinapakan ko na para mapatay ang natitirang apoy.
Sana ganito nalang kadali patayin ang nararamdaman. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit maraming na-aadik sa’yo.
Sa puntong ito, tatanggapin ko nalang ang kahit anong maibibigay niyang pagmamahal sakin hanggang sa mapagod ako kakaintindi.
I’ll forgive him to sin again.