FLASHBACK…
Marco’s side:
Third Person’s POV
Sabi nga nila, kung kelan mawawala yung presensya ng tao sa piling mo, ay doon ka rin manghihinayang. Naging mahirap din ang mga unang araw ni Marco na hindi nakikita si Mia. Pati si Joey tomboy na sekretong minamahal ang naturingan niyang bestfriend, wala na ring point para mag-confess dahil alam niyang walang pag-asa.
Pwede namang magmahal ng di humihingi ng kapalit ika nga.
Another school year opened, mayroon ngang mga iilang baguhan na estudyante ulit na pumasok sa school nina Joey tomboy. Limang babae at dalawang lalaki. Kanya-kanyang puna ulit ang mga old students as it became a regular routine.
“Pre, balita ko mga chix raw yung new students. Ayain natin mag-inuman?” sambit ni Francis habang nakatambay sila sa canopy.
“Onga. Paunahan tayo, ano? Sino pupusta?” singit naman ni Dave.
“Pre, sino tirada mo dun sa mga baguhan?” sabay siko ni Christian kay Marco.
“Ha? Ewan ko tsaka diba sabi ko sa inyo? Pass ako sa mga chix. May bantay ako dito baka masumbong pa ako eh.”
Naghiyawan ang mga lalaki at inaasar-asar nila ang kaibigan.
“Gago, feeling good boy ka pre? Kayo pa din ni Mia? Ano ba kasi nakita mo dun ha?”
“Oo nga. Bukod sa katalinuhan ano pa ba meron don? Nakita mo si Star? Diba malapit yun magpa-score sa’yo? Ayon nalang kasi malapit!”
“Ang gastos mo pa papunta-punta ng Cebu. Ipagpapalit ka non dun. Tignan mo mukha mo sa salamin. Hahahahah!”
Patawa-tawa lang si Marco habang pinapatahimik ang mga naturingan niyang kaibigan. Binabalewala niya ang mga puna nila. Sa oras na ‘yun, nasa isipan niyang hinding-hindi siya titingin sa ibang babae.
Or so he thought.
***
“Ikaw si Marco diba? Karen nga pala.” Nakipag-kamay ito at inabot naman ni Marco. Nasa tabing dagat sila nag-iinuman, katapat ng Tiki Beerhouse na paborito nilang magkakaibigan.
“Oo kilala kita. Ba’t ka pala nalipat sa school namin?”
Doon na nasimulan ang pagpapakilala ng dalawa habang kanya-kanya ang usapan ng ibang kabarkada.
Di nila alam na may kumuha ng picture sa kanila at direktang sinend kay Mia via messenger.
May mga tao talagang gustong-gusto sumira ng relasyon o baka naman blessing in disguise na palang masira dapat ang relasyon nila diba at sarado lang ang mga mata ni Mia sa panahong iyon?
Hayaan na. Dami talagang tanga sa pag-ibig eh.
***
“Marco, please? Samahan moko sa McDo. Libre ko naman at wala kasi ako ibang masakyan na motor eh. Sa’yo nalang pleaseee?? Komportable kasi ako sa’yo eh.” Sabay kapit ni Karen sa braso nito.
Panay ulit ang pagchi-cheer ng mga barkada niya na wag na raw hindian ang grasya. Kalaunan ay napilit rin ni Karen si Marco.
Todo yakap pa ang babaita sa bewang nito pagka-angkas ng motor na parang normal na pangyayari lang. Talo nga ata talaga ng malandi ang maganda lang.
Ng nakarating na sila sa McDo, pumwesto lang silang dalawa sa pinakagilid at si Karen na mismo ang nag-order para sa kanilang dalawa.
Nagchikahan lang sila ng kung ano-ano hanggang sa naiba ang usapan.
“Nakita ko ang mga posts mo nung nasa Cebu ka last month. Ansaya mo dun kasama ‘yung girlfriend mo ah. Ano bang nagustuhan mo sa kanya?”
“Lahat. Mahal ko lahat sa kanya.”
“Wow naman! Ang swerte niya ah. Wag mo sanang masamain pero bakit ampapanget ng feedback nila sa girlfriend mo nung andito pa?”
Alam naman ni Marco ang sagot dun pero patuloy siya sa pagbubulag-bulagan. Concerned sa imahe niya eh. The good boy type of image.
“Hindi ko rin alam. Ang importante naman, tanggap ko lahat sa kanya. Kahit ano pa sabihin nila, siya pa din ang pipiliin ko.”
“Ganon ba? Matanong kita ulit. Maganda ba ako sa paningin mo?” sabay lapit ni Karen sa mukha nito at bahagyang idinaplis ang braso niya sa kay Marco.
Napalunok at napaatras ito ng konti. “Oo naman. Andami ngang nagkakagusto sa’yo na senior high diba?”
“Pero what if… ikaw ‘yung gusto ko?” then she smiled sweetly battling her lashes. Sarap nga tusukin ng straw eh.
“Imposible naman ‘yan. Di ako gwapo, anong kagusto-gusto sakin? Hahahaha.”
Inilayo ni Karen ang mukha niya at biglang naging seryoso.
“Gusto nga kita. May sense of humour ka at may respeto rin sa babae. Ikaw ‘yung ideal ko. Diba nagkakalabuan naman na kayo? Balita ko wala na siyang oras sa’yo. Andito naman ako, ibibigay ko lahat ng oras na kailangan mo. Pati ito, pupunan ko din.” Sabay lapit ni Karen sa isang paa niya sa may binti ni Marco.
Biglang napatayo sa upuan niya si Marco. “Mali ‘to Karen. Maganda ka pero may girlfriend ako. Mauna muna ako sa’yo.”
Nakangiting tumango si Karen dahil alam niyang may epekto naman ang paglalandi niya kahit papaano. Na-tense eh.
‘May araw ka din sakin.’ Isip-isip nito.
***
“Woooohhh! Ansarap ng ganitong buhaaayyy!” sabay wagayway niya ng kamay at gumiling pa para sabayan ang tugtog ng music. ‘Aksidente’ niyang natawagan raw ang number ni Marco para sunduin siya dahil hindi na niya kaya ang kalasingan.
Sa di malamang dahilan, dumating rin si Marco kalaunan dahil sa pag-aalala. Ang sweet.
“Kar, ba’t ka ba naglalasing?” sabay bawi ni Marco sa bote ng alak mula sa kamay nito.
“Uyyy Marcooooo hiiii! Buti nakapunta kaaaaa! Di ko na kasi talaga kayang umuwi mag-isa eh. Hehehhee. Tsakaaa ikaw lannnng mapagkatiwalaan kooo. Hatid moko pleaseee??”
“O sige tara na ihahatid na kita sa inyo---“
“Pero bago ‘yan sayaw muna tayo daliiiiiii!” then she grabbed his hand to the dancefloor. Pasayaw-sayaw pa siya nung una pero kalaunan ay niyakap niya bigla si Marco at sumandal sa dibdib nito.
“Akin ka nalang please…”
“Karen, lasing ka lang. Tara ihahatid na kita.”
Sinubukang akayin ni Marco paalis ng dancefloor pero sadyang makulit ito hanggang sa natalisod. Natawa naman siya sa sariling katangahan.
“O, dahan dahan kasi. Okay ka lang ba?”
Ni-level ni Marco ang sarili niya para patayuin si Karen.
Pagkaangat niya ng tingin kay Marco, sinarado niya ang distansya sa gitna nilang dalawa at hinalikan ito.
Unfortunately, he responded. Nadala sa bugso ng damdamin. She smiled in triumph.
Ang sabi ni Marco earlier, takot siya dahil may bantay sa school at baka may magsumbong.
Sa gabing iyon, walang sinumang may pakiaalam sa kanila.
Who knows what happened next after that sinful kiss?
Sila lang ang nakakaalam.