Mia’s POV
The first few days of LDR is so damn hard. Iba pala talaga yung nakikita at nahahawakan mo sa personal ang mahal mo. Tanging video call lang at patago pa ang drama namin.
Natanggap ako bilang isang part time barista tuwing gabi sa coffee shop habang tinutuloy ko ang pagiging writer online sa tuwing free time. I kept myself busy the entire summer at mabilis ang takbo ng oras.
Smooth lang din ang relasyon namin ni Marco throughout summer, may stable income na naman kami ni Mama kahit papaano. May school din malapit sa tinitirahan namin para sa kapatid ko.
“Lalim ng iniisip natin diyan ah. Care to share?” biglang sambit ni Dominic, isa sa mga katrabaho ko na barista din s***h cashier. Hindi kasi busy ang shift namin tonight.
“Iniisip ko lang yung pasukan. Panigurado magiging hectic na ang schedules natin. Ilang units ba kukunin mo?”
“Siguro nasa 18 lang muna para makapag-adjust. Breakfast tayo sa Jabee after? Sagot ko para di ka na ma-stress.” Sabay kindat. Hindi din naman ako tanga para di makita ang flirting attempts niya since first day ko dito. Sabi nga nila, the bigger the city, the bigger the temptations as well.
“Wag ako Doms. Tigil-tigilan moko kundi susundutin ko ‘yang mata mo.” Saka ko pinakita ang kamao ko sa kanya ng pabiro kaya siya natawa.
“Ang KJ mo naman. Pwede naman ako maging side-chick mo Mia myloves.”
“Ulul. Faithful ako.”
“Siguro ikaw, faithful. Siya din kaya?”
“And your point is?” nakapamewang na tanong ko.
“Woah, woah. Wag ka magalit agad. Diba nakwento mo minsan na dumadalang na updates at video calls niyo araw-araw? Iba kasi talaga ang LDR, Mia myloves. Andito naman ako, mas malapit. Hehehe.”
Magsasalita pa sana ako pero may dumating ng dalawang customer kaya tinitigan ko lang siya ng masama. Nag-peace sign naman siya ng nakangisi bago kunin ang order nung dalawang babae na parang nag-heart din bigla ang mga mata pagkakita kay Dominic.
Matangkad naman kasi siya, moreno at sakto lang ang built ng katawan tsaka oo na, gwapo rin naman. Dini-describe ko lang pero di ko siya type. All eyes on one ako, aba.
Napaisip ako bigla sa tanong ni Doms pero buo ang tiwala ko kay Marco. May sarili naman kaming buhay kaya sigurado akong busy lang siya kung may times na di kami nakakapag-usap.
Yep. Tama tama.
***
Then came June. Simula na nga ng klase. Nakapag-enroll na ako at 21 units lang muna, bale 6 subjects. Second year irregular pala ang standing ko at lahat ng klase ay MWF lang. Yung schedule ko naman sa coffee shop this month ay 11:00pm to 5:00am, first class starts at 8:30am and ends at 5pm tuwing hapon.
Nakaupo ako ngayon sa staircase ng skwelahan at tinatawagan ko si Marco. Agad akong napangiti ng lumitaw ang mukha niya sa screen.
“Hi, mahal! Kamusta ka? Nakapag-enroll nako, ikaw ba?” masiglang bati ko sa kanya.
“Helloo mahal kooo! Tapos na rin. May iilang new students nga eh at halos babae sila lahat. Naalala tuloy kita nung bago ka pa dito. Nakuha mo kasi agad atensyon ko.”
“Suuus! Mambobola. May magaganda ba sa new students?”
“Meron naman pero alam mo namang ikaw lang pinakamaganda sa paningin ko kaya wala akong paki.” Sabay kiss niya sa screen.
“Aba, dapat lang. Kelan ka ulit babalik dito? Miss na kita.”
“Pag nakaipon nako since kakasimula pa ng klase. Hayaan mo, try ko ulit next month, okay?”
“Sige, sige. Aasahan ko ‘yan!”
Nag-usap pa kami ng kung ano-ano hanggang sa magpaalam na siya para umalis. Nag-ikot lang ako sa school pagkatapos para hanapin yung mga classroom ko. Di hamak na mas gusto ko ang unibersidad na ‘to dahil sobrang laki kaya madaming tao. Wala ng pupuna sa bawat galaw ko. Magiging matino rin sa wakas ang pag-aaral ko ng walang mapanghusgang mga nilalang.
Thank goodness. Peace.
***
“One espresso, large, for Ma’am Sabrina!” rinig kong sambit ni Doms kaya sinimulan ko ng gawin ito. After that, an order came after the other. Mas nagiging busy dahil bukod sa call center agents na suki namin, may mga estudyante na rin.
“Doms, break muna ko. Tumutunog rin ‘yung phone ko eh. Okay lang ba?”
“Sige, sige. Ayos lang.”
Pumunta agad ako sa likod at 12:11am ko na nasagot ang tawag ni Marco. Nagpunas rin ako ng pawis at the same time.
“Hello----“
(Ba’t antagal mo makasagot, Mia? Nakailang missed calls nako eh. Diba 12:00 yung usapan natin?)
“Sorry, ang busy kasi lately. Hayaan mo na nga, 20 minutes lang ‘tong break eh. O, kumain ka na ba? Ba’t maingay diyan, saan ka?”
(Tol, ikaw na oh! ---- Sige teka lang may kausap ako--- maya na ‘yan Marrrrr!)
“Saan ka, Marco?” pag-uulit ko sa tanong.
(Nagkaayaan kasi kami nina Christian, mahal. Biglaan eh. Malapit na naman matapos ‘to.---pre pasindi nga.)
“Ba’t di ka man lang nagpaalam muna? Tsaka nagyoyosi ka ba ulit? Diba sabi ng doktor bawal na ‘yan?” tanong ko dahil alam kong meron siyang Arrhythmia. For short, problema sa puso at pinagbawalan na muna siyang magyosi at iilan pang pagkain ay bawal din.
(Biglaan nga so di talaga ako nakapagpaalam. Sorry na po. Isang stick lang naman eh. Maiba nga tayo. Umaaligid pa rin ba sa’yo ‘yung Dominic? Ba’t di ka nalang maghanap ng ibang trabaho diyan?)
“Marco, sinabi ko lang naman sa’yo para alam mong hindi ko din papatulan. Alam niya nga na may boyfriend ako at hindi ganoon ka dali maghanap ng trabaho dito for students. Wag mo na gawing big deal. Iniiba mo usapan eh.”
(Ikaw yung nag-iiba ng usapan eh. Wag mo ng kausapin ‘yang Dominic, ah? Nagseselos ako.)
“Iiwasan ko naman pero di pwedeng di ko makausap kasi katrabaho nga.”
(Ayoko nga kasi sa kanya pero wala na rin naman akong magagawa kaya sige.)
“Marco naman. Intindihin mo rin ako, please? Ayokong ma stress. Pagod nako sa shift.”
Nababa na rin ang tawag dahil malapit na matapos ang break ko. Hindi kami okay. Kainis, gusto ko ngang tumawag para pampatanggal stress. Nakaka-stress pa lalo. Yaan na nga.
***
Isang buwan na ang lumipas at paulit-ulit ang nagiging routine ko. After shift, deretso akong school para sa morning class. After ng klase, matutulog ulit ng konti sa maliit na room ng coffee shop kung saan kami pwedeng tumambay dahil thankfully, mabait naman ang may-ari. Alam niyang mostly students kami on shifting schedules. May private C.R. din for employees na pwede na maliguan so advantage samin ‘yun na malayo ang bahay sa city.
Tuwing gabi, nakasanayan ko na ring gumising an hour earlier para makapag-usap kami ni Marco. So far, nasasanay na kami kahit may ilang araw na nakakaligtaan dahil busy ang isa samin.
Okay naman ang lahat hanggang sa may narinig nalang akong chismis mula kay Joey tomboy at yung isa pa naming kaklase noon. Hindi ako maniniwala hanggang di ko marinig mismo kay Marco.
Nakasakay ako ng jeep non papuntang school nang tumawag na nga siya. Bigla akong kinabahan.
(Good morning, mahal. Saan ka na ngayon?)
“Pa school. Ikaw?”
(Nasa school din. May gala pala kami after class, mag kakaraoke lang saglit. Okay lang ba?)
“Okay.”
(Ba’t antamlay mo? May problema ba?)
“Sino si Karen?”
Biglang natahimik ang kabilang linya. Mga ilang segundo din pero nag-intay lang ako.
(Anong nalaman mo?)
“Ba’t di mo linawin ang alam ko?” kinakabahang tanong ko. Sana wala nalang akong alam kung totoo man.
(Hindi ko sinasadya. Baguhan siya dito at umamin nga siya na gusto niya raw ako. Sabi ko may girlfriend ako. May event sa school at kasali dun ang marriage booth pero laro-laro lang naman iyon eh. Di ko lang mahindian sila. Nagkasal-kasalan kami tapos--)
“Ba’t ngayon mo lang sinabi?” nanginginig ang boses ko. Na-stalk ko na si Karen. Petite siya pero babaeng babae. Medyo chubby, straight ang buhok. May kaputian rin tsaka mukhang mahinhin. Maganda siya tangina.
(Natatakot ako na magalit ka. Wala naman na ‘yun eh.)
“Marco. May hindi ka pa sinasabi. Gusto kong marinig sa’yo mismo.”
A moment of silence ulit. (Nung you may kiss the bride hinalikan niya ko. Akala ko magkahawak kamay lang dapat.)
With that two sentences. Napalunok ako ng ilang beses.
(Mia? Mahal? Mag-usap tayo hindi ko sinasadya---) pinatay ko ang cellphone. Nasa jeep ako putangina.
Isinuot ko ang sunglasses ko tsaka niyakap ang bag ko. Ang sikip-sikip ng dibdib ko. Wala na akong pakialam dahil masakit talaga kaya iniyak ko nalang ng di masyadong nagpapahalata. Tinakpan ko rin ng panyo ang kalahati ng mukha ko.
I feel betrayed. Niisang lalaki sa school, di ko tinutuunan ng interes. Kahit si Dominic, kinakausap ko lang kung kinakailangan. Simula ng dumating ako dito sa Cebu, wala akong natikmang alak o gala dahil ayokong mag-away kami. Nilulugmok ko lang ang sarili ko sa aral at trabaho.
Putanginang faithfulness na ‘yan. Ayaw pala ng matinong syota edi mag gaguhan tayo.
***
Isang gray na sleeveless croptop at itim na skort. Matangkad naman na ako kaya di ko kailangan ng heels. Tinernohan ko lang ng itim na gladiator sandals. Kinulot rin ni Candice ang dulo ng buhok ko. Siya yung isa kong katrabaho sa coffee shop at kasama din namin ‘yung isa pa na si Jen.
Matapos nun, nilagyan niya ko ng konting glitter sa mata at dark red na lipstick para magmukhang matured daw.
“Shet, ganda mo naman pala mag-ayos girl. Hindi pa ‘yan todo ah.” Puri ni Jen. Pareho silang naka dress dalawa at ganon din dapat yung akin pero di ko talaga style ‘yon kaya eto.
“Ang se-sexy niyo nga. O ano tara na?”
“Tara sa girls night out! Ang rules ah. Walang magpapatake-home ng bebe boy.” Ani Candice. We all agreed.
Nagtaxi kami papuntang Mango avenue. Known for people who loves night life kaya hindi ako masyadong pamilyar. Ewan ko kung anong trip ni Candice pero nag inuman lang kami don ng mabilisan bago sumakay ulit ng taxi papuntang Oqtagon raw.
Bahala na.
***
Third Person’s POV
Pumasok na ang tatlong magkakaibigan at medyo crowded na rin ang lugar dahil weekend. Dala na rin sa tama ng alak, puno ng kwentuhan ang tatlo at umorder pa ulit ng isang bucket ng beer. Maya-maya lang ay naunang tumayo si Jen papuntang dancefloor dahil gusto na raw sumayaw.
Sina Mia at Candice naman ay tuloy ang usapan habang nakahawak ng tig-iisang baso ng beer.
“Umiikot na paningin ko Candiiceee! Tagal na kong di nakainom!” pasigaw na sambit ni Mia.
“Ayan kasi! Tigilan mo na pag-ayaw samin sa tuwing nagkayayaan!”
Nag-apir pa silang dalawa at nagtawanan. Later on, may dalawang lalaking lumapit sa dalawa na nasa early 20s lang rin naman.
“Hii! Patrick nga pala!” pakilala ng chinitong lalaki.
“Mia!” sabay shake hands nila sa isa’t-isa. Nagkaroon ng small talks ang dalawa at pagtingin ni Mia sa kaibigan niyang si Candice, naglalampungan na ang mga ito. Nanlalaking mga mata pero natawa rin siya kalaunan.
“Wanna dance?!” sambit ni Patrick na tinugon naman ni Mia kaya nagtungo sila sa dancefloor.
“Ang ganda ganda mo! Wala naman sigurong magagalit?” tanong ni Patrick na ngayon ay nakahawak na sa magkabilang bewang ni Mia.
She smiled and placed her arms on both his shoulders before leaning in. “Pwede ba ang ganito ka lapit kung may magagalit?”
Magkasingtangkad lang sila halos at masayang nagsasayawan sa gitna ng dancefloor. Makalipas ang ilang sandali, unti-unting inilapit ni Patrick ang mukha niya kay Mia.
Marco’s face suddenly flashed right infront of her. Mukhang naalimpungatan si Mia at naitulak niya ng marahan si Patrick.
“Shit.”
“May problema ba?”
“Wala wala. Kelangan ko lang mag C.R. saglit. Dun nalang muna ulit sa table namin ah?”
Mia’s POV
Tanginang mukha mo, Marco. Lumayas ka sa isipan ko. Nakatitig ako ngayon sa salamin at inaalala ko kung paano niya ulit nagawang tumikim ng ibang labi at humawak ng ibang kamay.
Fuck good girls. Hindi na nga talaga uso ‘yun ngayon.
Nag-retouch ako ng lipstick bago huminga ng malalim at lumabas ulit. Bumalik ako sa table tsaka umupo sa tabi ni Patrick at tinungga yung bote ng beer straight up.
“Woah, woah. Chill ka lang----“
Hindi ko siya pinatapos at hinila ko ang kwelyo niya palapit sakin. “Uhaw ako eh. Quench my thirst, please?” sabay titig ko sa labi niya tas balik sa mata. Naintindihan niya naman at sinunggaban niya agad ako ng halik.
Later on, I found myself sitting on his lap habang nakasuporta ang kamay niya sa bewang ko. We made out for a few minutes, stopped to catch our breath at balik ulit. Naglalakbay ang isang kamay niya sa likod ko ng sobrang dahan. Takot ba ‘to mapagalitan?
The night went out fast at oras na rin para umuwi kina Candice. Pumapara na ng taxi si Jen ng hinawakan ni Patrick ang kamay ko.
“Teka. Can you stay for a while? At my place?”
Ngumiti ako bago lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
“Di pwede eh. Itetext nalang kita later, okay?” sambit ko dahil nagka-exchange kami ng numbers although yung binigay ko ay mali ng ilang digits. Di bale na, number pa rin ‘yon.
“Hindi ba talaga pwede ngayon, please?”
“Nope. Bye bye, Patrick. Goodnight.”
Wala na rin siyang nagawa nung isinara na namin ‘yung pinto ng taxi. Nagkatawanan kaming tatlo.
“Can you stay for a whiiilleeeeee???? Hahahahaahah!” panggagaya ni Candice.
“Buti naka resist ka girlll. Cutie pa naman ‘yon at mukha namang mabait!”
“No to one night stands ang motto, remember? Hahahah.”
Tuloy lang kami sa kulitan hanggang sa nakauwi na kami sa apartment ni Candice. Pagka-on ko sa cellphone ko, maraming nag flood na messages ni Marco.
Hinahanap ako, mag-usap daw kami etc.
Manigas ka diyan, you unfaithful piece of s**t.