Prologue

208 Words
Credits to: "Coverymyst" for the wonderful cover. You can DM her directly in w*****d for business purposes!  Enjoy reading! :) “Akin ka o papatayin kita?” titig na titig siya sakin habang nakatutok ang swiss knife sa leeg ko. Buong lakas kong pinipigilan ang malalaki niyang braso. Ano nga bang laban ko na kaming dalawa lang sa maliit na silid na ito? “Hindi. Hindi na kita iiwan. Wag mong ituloy, please.” I pleaded for mercy. I begged for the eyes that once stared at me with so much love. Unti-unti niyang binitawan ang patalim at niyakap ko siya ng mahigpit kahit nanginginig. Hindi ako tumawag ng pulis dahil inakala kong masasagip ko pa siya.   “Mia!! Tangina ka bumalik ka dito!” sabay hatak niya sa braso ko ng sobrang higpit na alam kong magmamarka na naman ulit. Naramdaman kong tumilapon ulit ako sa sobrang pamilyar na silid. Niyakap ko ang mga binti ko at yumuko. May kamay na humila ng buhok ko at ang isang kamay ay hinawakan ako sa baba. “Wala ng magmamahal sa’yong mas higit pa sakin, puta ka.”   And I really thought he’d rescue me from my own misery. Wala na naman akong nagawa noong kumilos na siya sa paraang gusto niya upang kamitin amg ligaya habang ako’y nagdurusa.  Save me please… …Or better yet, kill me instead. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD