Mia's POV
I was only 18 when I met him. Isang maliit na kolehiyo ang pinasukan ko ngayon mula sa malaking unibersidad.
Tumigil kasi ako ng isang taon dahil nagkanda leche-leche ang buhay ko kagaya ng pag-alis ni Papa ko sa bahay at paskong-pasko iyon. Siya ang pinakaunang lalaking bumasag ng munti kong puso.
Matapos non, umalis na rin ng bahay si lolo nang pumanaw si lola. Sumalangit sana siya. Hindi lang iyan. Nawalan pa ng trabaho si Mama kaya yung nag-iisang bunso kong kapatid ay kinailangang ipaampon muna panandalian kay Auntie na walang iba kundi ginawang alipin ang pitong taong gulang kong kapatid kaya kailangan ko siyang bawiin. Nasimulan ng isang malaking trahedya na sumira ng lahat.
Nagbago ang paningin ko sa mundo mula sa makulay kong buhay noong Highschool. Hindi ko masasabing mayaman kami pero hindi ko nasubukang maghirap simula noong sanggol ako.
Lahat ng pwede kong ibenta, binenta ko na matapos ko iyakan halos isa-isa dahil may sentimental value. Those were just things. I needed to save our lives to survive. Wala kasing trabaho si Mama dahil sa depresyon ng sunod-sunod na pangyayari.
Muntik ko na ding hindi kinaya. Nag-iwan ako ng ilang bondpaper na puno ng sulat ko't hinanakit saka umalis ng bahay pero naalala ko ulit si Mama. Hindi niya kayang mag-isa. Muntikan na din akong sumuko pero umuwi ulit ako sa bahay naming wala ng niisang ilaw.
Kaya eto ulit ako nakatingin sa logo ng paaralan. Kumukuha ng Business Administration major in Marketing Management kahit ang last course ko ay Physical Therapy.
Sa pagkakaalam ko, nasa mahigit dalawang-daan lang ang bilang ng estudyante dito kasali ang Senior highscool.
Sa unang buwan ko, isang kaibigan lang ang tinuring kong tunay. Iyon si Jocelyn pero mas gusto niyang tawaging Joey kasi nga tomboy siya. As in yung papasa naman sanang babae yung mukha niya pero yung damit niyang madalas plain t-shirt at jeans tapos may bandanang nakalikos sa ulo niya.
"Bebe, ang hot ni Syrah. Crush ko talaga siya. Ilakad mo naman ako dun, o!" sabay akbay niya sakin kahit nasa 5'1" lang ata siya samantalang ako, 5'8".
Hindi lang ako matangkad. Alam ko ring maganda ako kahit morena. Payatot nga lang but whatever. May nakita ba kayong Victoria's Secret model na mataba? Duh. Mag-iinarte ako kasi maganda ako.
"Wala kang chance don. Masyado kang baduy." Sabay irap ko at kumagat ng banana cue.
"Ehh kasi naman! Tulungan moko, sige na pleeeaaasee!" sabay tingin niya sakin na mukhang tuta. Aso pala.
"Pag napasa mo yung Quiz sa NatSci, lalakad kita."
"Talaga ba? Sige, sige. Game! Thank you, bebe! Hehe."
Particular kasi ako masyado sa grades.Saka, may future beauty queen ba na walang brains? Syempre meron pero ayon yung mga extra na contestants. Beauty lang pero hindi queen material. Unlike me. Flips hair ulit.
Wag kayong mag-alala. Maarte lang ako sa utak pero tomboy din ako maglakad. Kaya kong makipag-basag ulo.
Dumating na nga ang araw ng quiz. Sad to say, iniba nga ni ma'am ang sitting arrangement para walang mag-kopyahan kuno. Matapos non, checking agad. Syempre alam ko na ang results. Wala pang 10 minutes eh natapos ko na ang 25 items na quiz niya.
"Mia Kassandra Montez got a perfect score!"
Not a surprise, ma'am. Ngumiti ako ng kaonti at tumayo sa upuan ko para kunin ang booklet kung saan kami nag-answer. Ng umupo ako ulit, may kumalabit sakin kaya napalingon ako sa likuran.
"Ang galing mo. Marco nga pala." Nakatingin ako sa kamay ng nagsalita hanggang sa umangat ang mga mata ko sa mukha niya kaya napataas ako ng kilay.
Given na hindi siya kagwapuhan, yung pananamit niya ay jejemon din. Mas ayaw ko talaga sa mga lalaking walang taste sa pananamit. Kadiri. Ugh. Kaya hindi ko siya pinansin.
***
Days went by. Hindi na ako tinantanan nung Marco. Nag-message din sakin sa f*******: at sa di malamang dahilan, in-accept ko ang friend request niya at simula non, araw-araw na siyang nag-iiwan ng mensahe.
"Crush na maganda! Hii!" sigaw niya mula sa kabilang building. Naghiyawan ang schoolmates namin dito sa canteen kahit di ko sila kilala by names. Syempre dahil minsan lang may transferee dito, natutukan agad ang baguhan kong mukha.
"Beb, pansinin mo na kasi! Di bale ng di masyado gwapo, matangkad naman!" asar sakin ni Joey tomboy.
"Anong di masyado. Hindi talaga gwapo. Dami pang tigyawat sa mukha. Yung sombrero kulay blue tas yung t-shirt pula. Ano siya, flag ng Pinas? Lambitin ko pagmumukha niya sa flagpole pag di niya ko tinantanan."
"Girl, makipag-date ka na raw kasi." Biglang upo ng maputing babae sa table namin. Parang naalala ko pangalan nito. Clarice ata.
"Oo nga. Popular naman ang grupo nila sa IT Department so go ka na." Isa pa 'tong naka-eyeglasses pero ang tigas ng accent. Si Bernadith. Wag niya kong ma conyo-conyo kasi kasi nakaka-imbyerna.
"Paanong di magiging popular eh di aabot ng 30 heads ang IT students? Tsaka di ko siya type."
"Baka hindi pa ngayon pero bukas oo na. Hahahah!"
Never. I'm way out of his league. Wag siyang mangarap kasi hinding-hindi magkakatotoo iyon.
Pagkatingin ko sa kanya ulit, nag flying kiss siya at nag-wink.
Muntik na kong mahimatay sa kilabot.
Nakakadiri. f**k.