bc

She's Seriously f****d Up and He's the Perfect Guy

book_age16+
509
FOLLOW
1.6K
READ
love-triangle
badgirl
kickass heroine
sweet
bxg
humorous
campus
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Antisocial. Rebellious. Delinquent.

Jazz' life is so f*cked up when she met Seb, handsome, rich, a good son, and a model student. It didn't help that he's also the campus heartthrob. Other than that, he is so persistent.

Hindi alam ni Jazz kung anong nakita ni Seb sa kanya at nagpupumilit itong magkalapit sila. And, no matter how she hates his guts, she never learned how to resist his charm.

Paano na pag lumalim na ang pagtitinginan nila? Kaya ba niyang suklian ang nararamdaman nito para sa kanya?

chap-preview
Free preview
Chapter I
I woke up to the sound of a vehicle halting to a stop in front of our house. And since my bed was adjacent to my room's window, I decided to take a look. Natanaw ko na agad ang isang malaking truck na huminto sa tapat ng bakanteng bahay sa tapat ng bahay namin. It had been a while since we moved in this subdivision. Maybe, around six years or so. Ibinenta ng kaibigan ni Dad ang bahay sa amin dahil magmamigrate sila sa ibang bansa. Nasa High School pa lang ako noon, and ever since, wala pang tumira sa bahay na iyon sa tapat namin. It was pretty ordinary. A non descript town house who once belonged to an OFW. Iyon ang kwento ng mga kapitbahay namin. Anyway, name's Miguel Sebastian dela Rosa, nineteen years old. Migs to my Family and Edge to my friends. I am currently attending college and taking up Marketing. Basically, I can say that I'm a good person, masunurin ako sa tatay ko, nagaaral akong mabuti and I've never broke anyone's heart, as far as I can tell. What else? Physically, I am tall, not so dark, but, yeah, not to brag or anything, handsome, with unruly black hair and gray eyes. According to dad, namana ko daw yun sa nanay ko, whom I've never met. I've seen her in pictures, though. She died when I was born. And since then, I was raised by my dad. I like Basketball, varsity ako sa University namin. I also like reading books. Hindi ko nga alam kung Jock ba ko o Nerd sa lagay na to. Anyway, back to the subject of the matter, there was a loud crash coming from outside and a woman screamed. "Ano ba?! Sinabi ko nang ingatan eh!" "Pasensya na ho ma'am. Dumulas ho, eh." Umirap ang babae at tumuloy lang sa pagmamando sa mga taga buhat ng gamit. Tingin ko nasa forty ang edad nya, Mahaba ang buhok at tuwid na tuwid na hanggang bewang. She looked strict. Napa-make face ako. Sa dinami dami naman ng makakabili ng bahay na yon, isang masungit at maingay na babae pa. Tatalikod na sana ako nang makita ko na may isa pang tao na bumaba ng kotse. Balingkinitan ang katawan niya, matangkad, maputi, mahaba din ang buhok na hindi mo malaman kung buntot ba ng aso o ano? Kulay brown sa ibabaw at mas mapusyaw na kulay sa laylayan. I half smiled. I think she's cool. Judging from the Nirvana shirt, ripped jeans and converse shoes she's wearing. I liked the rocker chic, nerdy thing she had going on. Sa tingin ko kasing edad ko sya, base sa pananamit nya. My eyes went down to her ass--involuntarily. Damn.. She's sexy. Hindi ko masyado nakita ang mukha nya dahil dumiretso na sya sa loob ng bahay. Ni hindi nga nya pinansin na kinausap sya nung matandang babae. Sayang. Nanitili akong nagmamasid hanggang sa napansin ko yung babaeng mas bata na nasa second floor na, nakatayo sya sa bintana at nakamasid lang sa iba. Nakatapat ang bintana ko sa bintana nya kaya kitang kita ko na ngayon ang mukha nya. She's pretty. Straight nose. Pouty lips and f*ck me, captivating eyes. Titig na titig ako sa kanya kaya hindi ko napansin na nakatingin na din pala siya sakin. And that was my cue to blush. Yes, ladies and gentlemen, the great Miguel Sebastian dela Rosa, actually blushed. Hindi ko alam kung ngingiti ba ko o ano. The only thing that sinked in was her smirk and the way she closed the blinds before I could decide whether to wave at her or smile. Nakakahiya ka, Edge. JAZZ' POV~ "Peeping tom..." nakairap na sambit ko matapos kong nakita ang lalaking tila isang manyak na nakasilip sa bintana. I decided to take that room immediately. Mahirap na at baka ang nanay ko pa ang masilipan ng manyak na yon. What made my mom decide on buying this property is still a mystery to me. 'Ni hindi ko nga alam na may ganun pala kaming kalaking halaga ng pera pambili ng bahay na 'to. Well, anyway, hindi naman kami close ni mommy eversince kaya malamang na hindi na siya nag-aksaya ng oras na sabihin sakin. Luminga ako sa paligid. In fairness, maganda naman ang bahay. Kahit papano may taste naman pala ang nanay ko pagdating sa mga ganitong bagay. Mukhang sa mga lalaking idedate lang siya sablay. I snorted. Anyway, I'm Jazz Serrano, nineteen years old. College student. Marketing ang course ko. Galing kami sa malayong probinsya ng Bulacan. I sniggered. Pero ngayon ito nga at nasa Quezon City na kami. Napilitan akong mag transfer sa ibang University na malapit dito dahil nga sa kagustuhan ng nanay ko na lumipat kami ng tirahan. Inis na inis pa nga ako sa kanya noong una, hindi ako umuwi ng ilang araw dahil dun. Nakikituloy ako sa kaibigan kong si Senna. Pero dahil naman sa walang tigil na pagporma sakin ng kuya niya, napilitan rin akong umuwi. At hanggang sa napilit na rin akong mag-transfer ni mama. Ang nakakainis pa nito, pagkaenroll ko kahapon, pinaalam na agad sakin sa registration pa lang na magiging irreg student ako. Meaning, palipat lipat ng classroom, walang permanenteng kaklase. Nakakabwisit yon. Napabuntong hininga ako. Wala rin naman kasi akong magagawa. Andun na eh. Take everyday as it comes, sabi ko nga sa motto ko. Nang bumaba ako ay saktong nakasalubong ko si mama. May dala siyang isang maliit na karton na may nakasulat na misc sa harapan. "I'm taking the west room." imporma ko sa kanya. "No problem. So, how do you find the place? Ain't it wonderful?" ngiting ngiting tanong niya sakin. Kung tutuusin, mabait naman talaga ang nanay ko, I just don't like it when she involves herself with too many guys. Simula kasi nung namatay ang Daddy ko, after a few years she started dating again. And to my disappointment, if not with younger men, she dates old men. Really old men, na minsan papasa na yatang lolo ko. I sighed. "Sakto lang. I'd prefer our old house." "But we can't stay there any longer..." Agad ko syang nilingon. "Ano ba kasing problema, Mommy? Bakit kailangan natin lumipat?" tanong ko. "At saka san mo kinuha yun pambayad dito sa bahay? Masyadong maganda 'to, I'm sure, mahal 'to." "Shhh. Wag ka nang madaming tanong." mabilis na saway niya sabay talikod sakin. "Mabuti pa tumulong ka na lang sa pagbababa ng mga gamit." Nginusuan ko lang siya. "I'm tired. Kaya na nila yan." naupo ako sa may sofa sabay patong ng paa ko sa center table na kasama sa mga unang naibaba na gamit. I stole a glance at my watch. 8:30 am. It's still too early. Before I knew it, I was dozing off. ~ ~ ~ ~ "Jazz, wake up. kumain ka na." Nang imulat ko ang mata ko ay nabungaran ko ang nakapameywang na imahe ni mommy. Luminga ako. Everything's in its place already. Cool. Hindi ko na kailangan magbuhat ng kung anu ano. I wonder how long I was out. "D'yan ka pa talaga natulog, dinadaan daanan ka ng mga trabahador kanina. Hindi ka man lang talaga tumulong sa pagbaba ng gamit." "Mommy.." ungot ko. "What?" "Shut up, please?" bumangon ako at tumungo sa dining area. "Aba! umayos ka ng pananalita mo sakin, Jazz. I'm still your mom!" I smirked. "Well, sometimes, you do not even act like one." pabulong kong sabi. "You're saying something?" "Wala po." I gave her a too innocent smile. "Why don't we just eat mom? I'm famished." naupo ako sa dining table at awa naman ng Diyos ay may pagkain duon. Nagpabili siguro si Mommy ng Pizza. Mabuti naman dahil gutom na gutom na 'ko. Agad kong nilantakan ang Pizza. Favorite ko pa naman yun flavor, Hawaiian. Umupo naman sa tapat ko si Mommy. "I already met our neighbors. Okay naman sila. Iniimbitahan nga tayo magdinner nung nakatira sa tapat natin. I already said yes. and you know, what? there's a goodlooking guy-" "Mom!" saway ko sa kanya. "Please! My God." Uminom ako ng juice. Mawawalan nanaman ako ng gana sa mga pinagsasasabi niya. Napailing ako. "I was just saying!" Nakangising sagot nito. Umirap naman ako. Minsan, hindi ko na malaman kung sino ba talgang mas matanda sa amin. "You have to look good later.." "Are you serious? It's just a dinner kasama ang kapitbahay. We are not dining out with the President. For God's sake!" patuloy ang pag iling ko. "And besides, may lakad ako mamaya." She looked at me suspiciously. "With who?" "A friend." "Who?" I rolled my eyes. "with Senna." "Are you running away again? Coz if you are-" "I'm not." Tinapos ko na ang pagkain ko. "we are just gonna hang out. Don't get all stressed." ~ ~ ~ ~ ~ Madilim na nung maisipan kong umuwi. Siguro nasa bandang alas siete na. Tumambay lang kami ni Senna sa isang mall. Katulad ko, medyo pasaway din si Senna. Parating wala ang parents niya at ang parati lang niyang kasama ay ang kuya nya na unang kita pa lang yata sakin eh patay na patay na. Tsk. Sorry na lang siya dahil hindi ko ugaling pumatol sa mga kapatid ng mga kaibigan ko. At lalung lalo na hindi ako pumapatol sa mga goodie two shoes na gaya nito. Dahil wala naman akong kotse, naglakad na lang ako mula sa bungad ng subdivision pauwi sa bahay. Hindi naman kalayuan yun at bagamat medyo madilim ay may mga street lights naman. Isa pa, para maexplore ko na rin ang lugar. Mukhang matagal tagal akong maninirahan dito. Hindi pa man ako nakakalayo, may mga nakasalubong akong grupo ng kalalakihan. Apat sila. F4. LOL. Dalawang sa tingin ko ay nasa six feet ang height at dalawang halos sing taas ko. Sa tantya ko mukhang mga kasing edad ko sila. At judging sa suot nila, sa dalang bola, at pawisan nilang balat na kitang kita kong nangingintab sa ilalim ng street lights na hinintuan nila, mukhang kagagaling lang sa paglalaro ng basketball. Binati ako nung isa, yung pinakamaliit. "Hi Ate! Bago ka dito?" I just shrugged. Hindi ko talaga type makipag chikahan sa mga hindi ko kilala. kahit naman madami na kong naging BF, hindi naman ako ganun ka kiri pagdating sa lalaki. "Taray naman ni ate!" Nagtawanan sila. I rolled my eyes. A lot of people think I'm mean and they ain't far from the truth. Dirediretso lang ako sa paglalakad at nang palampas na ako sa kanila. Nun ko napansin na parang kilala ko yung isa. Aha! Si Peeping Tom! Kala niya siguro hindi ko siya makikilala ha? Tatalakan ko na sana kaso iba yung pagkakatingin niya sakin. He looks at me in a very cautious and calculating manner. Hindi siguro niya alam kung ngingitian niya 'ko, babatiin o hihingi ng pasensya dahil sa nahuli ko siyang tinititigan ako kanina. Ewan! Napailing ako. Bakit ba kailangan ko pang i-analyze yung tingin niya sakin? Ang bottomline. p*****t siya! Tss. Inirapan ko nga. Nung ginawa ko yun eh parang nagulat siya ng slight. Tas umiwas na ng tingin. Nangunot yung noo nung parang nakita kong napangiti siya. Kaya lang nakalagpas na ako sa kanila. Ayoko naman na lingunin siya at baka isipin pa niya, type ko sya! ew!! Pero nainis talaga ko. Leche yung kumag na yun ah? Ano kayang nginingisi ngisi niya? sarap tampalin! 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
619.8K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.9K
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
309.4K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

My Husband's Mistress

read
298.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook