Chapter VI

2105 Words
Nagulat ako sa outburst niya. I stood there like a moron, staring at her. Her chest was heaving and her face was red even in the dark. I have never seen her this mad. Ano bang ikinagagalit niya? Is she really mad at me for saving her? I don't get it. "Ano? Masaya ka na?" Galit na tanong niya. "Hindi ko naman kasi sinabi sa'yo na magpaka-superhero ka sa'kin palagi. Bakit ba kasi lagi kang nakabuntot sa'kin?!" "Sorry..." I didn't know what else to say. "Ha?" "Sorry kung ginalit kita." I turned around and walked away. Isa lang ang na-realize ko noon. Hindi damsel in distress si Jazz na kailangan ng knight in shining armour. Or at least, she doesn't want one. Ngayon ko lang naramdaman kung gaano ako ka-unwelcome sa buhay niya. I wanted to punch myself in the face. Kung hindi lang sa mga injury na natamo ko. f**k! How am I going to explain these to my dad? Naglakad na 'ko papunta sa kotse ko. I rubbed my nose against my sleeves. I winced. Kainis! Ang sakit ng panga ko. Papasok na ako sa kotse nung marinig kong tinawag niya 'ko. "Seb!" I saw her running towards me. "What?" "Ano..." She looked at her feet. "What?" Iritable pa rin talaga ako. Pinahid ko sa likod ng palad ko ang dugong patuloy na dumadaloy sa ilong ko. "Damn it." bulong ko. She met my eyes. Hindi na cold blank stare. Awa ng Diyos. She looked at me in what seemed like pleading eyes. "Tara, gamutin na natin yang sugat mo." And just like that, nawala ang inis ko. Ano bang meron ang babaeng ito at napakadali niyang napaglalaruan ang feelings ko? Damn her. Ngumiti ako saka umikot sa kabilang side ng kotse para pagbuksan siya ng pinto. "In you go.." *** JAZZ "Aray naman!" I smirked. "Konting pasa lang. Aray agad? Sigurado ka bang lalaki ka ha?" Natawa siya sa'kin. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko. "Hindi mo kasi alam eh. Bakit? Naranasan mo na ba magka-pasa nang ganito para sabihin mong hindi ako lalaki dahil nasasaktan ako?" Hindi mo lang alam, Seb. Sa isip isip ko. Walang idea ang lalaking 'to, kung gaano karaming pasa na ang inabot ko. Kaya nga, hindi ko na iindahin pa ang ganun kaliliit na pasa. "Next time kasi, wag kang epal, ha?" Pag-iiba ko ng usapan. "Yes ma'am." Nakangiting sagot niya. I sighed. Andito kami ngayon sa bahay namin. Nakonsensya ko nung makita kong duguan yung ilong niya dahil sa pagigipag-away sa mga ungas na nang-haharass sa akin kanina. Kung tutuusin, kaya ko naman ang mga 'yon—takbuhan. Hindi man built ang katawan ko para makipagbakbakan ay mabilis naman akong tumakbo. Palihim akong napangiti sa iniisip ko. "Why are you smiling? Nakakatawa ba na nabugbog ako?" "H'wag ka ngang paranoid." Tumayo na 'ko at dinala yung maliit na basin sa kusina. Tinapon ko yung tubig at binalik na sa lalagyan ang basin. Baka makita pa ni mommy, at magtanong pa. Pagbalik ko, prente pa ring nakaupo si Seb sa sofa. Nalagyan ko na ng band aid yung mga sugat niya at natigil na rin ang pagdugo ng ilong niya. Noon ko napansin na nakatitig siya sa'kin. "Anong tinitingin tingin mo d'yan?" "Naisip ko lang, since twice na kita niligtas," Tinaas niya sa harap ng mukha niya ang dalawang daliri niya. "siguro naman pwede na tayong maging friends?" Natawa ko. Sa kabila ng nangyari ay iyon pa talaga ang nasa isip niya. "Ibang klase ka din tumulong 'no? May kapalit." "Wala nang libre ngayon." Nakangising sagot nya. Napailing na lang ako. "So?" I sighed. "Okay. but the same rules app—" "Hep! Hep!" Pigil niya sa sasabihin ko. "Magkaibigan na tayo, wala nang rules pagdating sa magkaibigan!" "Well, ibahin mo 'ko, Seb." "Yeah. I know you are different. Pero yung friendship natin, walang difference sa iba." Magsasalita na sana ako pero pinigil niya 'ko. "You can't change my mind, Jazz. You owe me. Twice. You don't get to make the rules." Tumango na lang ako. Alam ko naman na wala akong panalo sa kanya. Besides, tama siya. I really did owe him. Twice. Sa totoo lang, ayoko naman talaga makipagkaibigan sa taong 'to eh. Una sa lahat, ayoko ng kaibigan. Pangalawa, mas gusto ko mapag-isa. Pangatlo, napaka kulit niya! Pero I really do owe him my life. Kahit hindi ko hinihiling ang tulong niya, kusa siyang dumadating. Kahit pa kaya ko naman lusutan mag isa yung gusot na napasok ko, pakiramdam ko, natutuwa ako na andun siya para i-rescue ako. Tsk. Hindi ko gusto yung nararamdaman ko.  Damsel in distress lang ang peg? Tss. Pati ugali ko nag-iiba pag nasa vicinity 'tong lalaking 'to eh. "Oh? Natahimik ka?" Naupo ako sa tabi niya. "Thank you." "Kung di bukal sa kalooban mo, wag mo na lang sabihin, ang sama pakinggan eh." wala sa sarili na sagot nito. Nakatingin siya sa kawalan. "Hindi naman ako kasing ingrata ng iniisip mo." nakangising sagot ko. "mula sa kaibuturan ng pagkatao ko, thank you. That's twice already." "Let's not hope for the third, alright?" Tumayo na siya mula sa sofa. "Thank you sa pag gamot ng sugat ko ha? Mauuna na ko, baka hanapin pa ko ni Daddy. Baka maabutan din ako ng mama mo, sabihin pa may lihim tayong relasyon." Nakangisi na naman siya. Natawa na lang ako. "As if she cares." Pinisil niya ang ilong ko, agad ko namang tinabig yon. "Ano ba? Don't touch me!" "Bakit ba? Gawa ba sa ginto ang balat mo?" pang-aasar nito. "Tsk. just don't do it again." "Yeah.. Yeah.." He dismissed me. "Dame mong rules. sige na, sibat na 'ko." "Ingat. Madapa ka." He just laughed. Sinundan ko siya hanggang sa makalabas siya ng gate namin. "Lock the doors." "Dadating mamaya si mommy." Muli niya kong nilingon. "H'wag kang pasaway. Lock the doors." Mariing utos niya. Tumango na lang ako para wala nang pagtalunan pa. Tumalikod na 'ko nang makalabas siya. The next day. Nagpapahangin ako sa labas nang bigla na lang sumulpot si Seb. Kinunutan ko siya ng noo. "What are you doing here?" "Aren't you gonna let me in?" Itinaas niya ang kamay niya na may dalang supot. "I've got food." Napangiti ako at pinapasok siya. Naupo kami sa doorstep ng bahay. "Anong trip mo?" Sa totoo lang, hindi ko ma gets ang taong ito. Ipinakita ko naman na sa kanya dati pa na hindi ko siya gusto maging kaibigan. I showed hostility pero imbis na lumayo siya sa'kin, para siyang baliw na lapit pa lalo nang lapit. Weird! "I just wanted to hang out with my friend." Binuksan niya ang isang can ng soft drinks at ibinigay iyon sa'kin. "Masama ba?" "Sa lahat naman ng tao na gusto mong kaibiganin, bakit ako pa?" Nilagok ko agad yung softdrinks. "Why not? I think you're cool." "So, you wanted to hang out with me, so you'd look cool, too?" Natawa siya bigla. "Muka mo! Cool na talaga ko 'no!" "Cool? San banda?" Tawa ko. He tossed his hair. Sanhi upang lalo pang gumulo ang magulo na niyang buhok. "Why do you keep on doing that?" "Alin?" "Lage mong ginugulo yung buhok mo." "Ewan. Mannerism." "Sus, feeling Edward Cullen?" Tukoy ko sa isang sikat na fictional character. Natawa siya. "Ikaw may pagka-basher ka eh 'no?" "Sakto lang." Nagtawanan kami. I found out na okay naman na kausap si Seb. Tamang chill siya. Yung tipong magaan. Hindi ko kailangan mag-isip kung anong pwede kong sabihin sa kanya, para hindi ako magmukang tanga. Pag natatahimik ako siya ang kusang nagsasalita. Napaka random niyang tao. Hindi siya nakakainis kausap. I found myself easing up, a bit. Nung mga sumunod na araw, masasabi ko na mas napalapit kami sa isa't isa. Nung lunes, sinundo niya ulit ako nang maagang maaga. And even if I hate waking up early, I felt somewhat excited to see him. Sa school na kami nag-breakfast. Napansin daw kasi niya na ayaw kong kumain sa bahay namin. Tuesday. Hindi kami magkasabay pumasok, nauna pa siyang umuwi, pero hinintay niya ako sa tapat ng bahay nila nang makauwi ako. Nagkwentuhan ulit kami, habang nakaupo sa gutter. Wednesday. Nag-krus ang landas namin sa school, imbis na sumabay siya mag lunch sa mga kaibigan niya. sa akin siya sumabay. "Your friends hate me." "They don't." "They do. Iniisip nilang inaagaw kita sa kanila." "You don't and you don't know that." "I can read minds." "No. You don't." "I do, too." TInawanan lang ako ni Seb. "Mamaya ma-chismis pa tayo nito." Maasim ang mukhang sabi ko. Nung hindi siya sumagot, nilingon ko siya at nakita kong pangiti ngiti sya. Nairita ako. "Hoy! anong nginingiti ngiti mo d'yan? Narinig mo ba 'ko?" "May sinabi ka ba?" Umirap ako. "Sabi ko baka ma-chismis tayo. Bakit ba kasi hindi ka na lang sumabay kumain sa mga kaibigan mo?" "Bakit? Friend naman kita ah?" Napailing na lang ako.  Thursday. Magkasabay kaming umuwi ngayon. Nakaupo ulit ako sa passenger seat ng sasakyan niya. "Anong favorite mong color?" "Jologs mo 'no?" "Sagutin mo na lang." maasim ang mukha na sabi niya. "Black." bored na sagot ko naman. "Ako, blue." sabi naman niya. "Oh ikaw naman magtanong." "Ayoko nga! Paki ko naman sa mga favorite mo?" Natawa siya. "Ikaw napaka-KJ mo! Sige ako na lang magtatanong. Favorite food mo?" "Kahit ano." "Pwede ba yun?" "Oo naman!" "Sus. Dali na kasi!" "Fine! Kaldereta. Mahilig ako sa mga spicy foods." "Nice. Ako, sinigang." "Hindi ko tinatanong." "Sinasabi ko lang!" It's my turn to laugh. Kahit anong pambabara gawin ko sa taong 'to, walang epekto. Parang walang narinig. He is so persistent. Daig pa ang manliligaw! "What's your sss account? Add kita." "Wala kong FB." Tanggi ko. Pati ba naman yun, kelangan pa? "Weh? Ano nga?" "Hindi ako nag-FFB!" "Anong sss mo? Imposibleng wala." Kulit! "Wala nga." "You're a lousy liar." Natatawang komento niya. "Let's try that again, shall we? What's your sss account?" "I said, wala!" "Galingan mo naman, mag-sinungaling! Anong sss mo?" "Hindi 'ko na ginagamit." "Again-" "Fine!" Naiinis na sabi ko. "Jazz Undead. Okay na??" "Ba't naman ganun username mo?" HAY NAKO!!! And on we went... Later that night... Matutulog na sana ko kaya isasara ko na yung bintana ko. Nagulat ako ng makita ko si Seb na nakatanaw sa bintan niya. He seemed to be waiting for me. Nung makita niya 'ko, nag-senyas siya ng 'wait'. Tapos may itinaas siyang white board, containing the message: I ADDED YOU UP IN sss. ACCEPT MO NA! I mouthed the word: 'NO!' He pouted. Natawa 'ko, para siyang bata. Sinara ko na nang tuluyan ang bintana ko saka nahiga sa kama ko. Matutulog na sana 'ko, pero hindi naman ako dalawin ng antok. Inis na bumangon ako. Napalingon ako sa laptop 'ko. Ewan kung anong pumasok sa isip ko at in-open ko ang account ko sa sss. I don't have much friends. Mga 200+ lang. Mostly, mga saktong friends lang sa school ko dati. Nakita kong I have 1 friend request. Seb dela Rosa. I smirked.He really did add me. Napailing ako and decided to accept his friend request. Maya maya may nag-chat sa'kin. Seb: Sa wakas! Arte mo! a-accept mo din pala! Jazz: Maarte ako? Gusto mo Block kita? Seb: Eto naman! Joke lang! Init ng ulo! Peace tau ^_^v Jazz: Para kang bata. Di na uso sss! Seb: cool nga kasi ako! hahaha Jazz: Sige na, tulog na 'ko! Seb: Okay! Gudnyt Jazzie.. sweet dreams! Maglog-out na sana 'ko pero bigla pa siyang nag-PM. Seb: I looked at ur pics. I hope u don't mind. Mas maganda ka sa personal. :) Hindi na 'ko nagreact dun. Konti lang ang pics ko sa account ko, hindi naman kasi ako mahilig sa social media. Mostly nung bata bata pa ko dun sa mga pics ko. Mas maganda daw ako sa personal? Malamang luma na yung pics eh! Tss. Na-curious tuloy ako sa pics niya. Nag-invisible muna 'ko sa chat, para kunwari nag-log out na 'ko. Tapos tiningnan ko ang account niya. Whew! Dami niyang subscribers! Five thousand mahigit. Pero yung friends niya nasa 500 lang. Hindi naman siya masyadong sikat n'yan? Napansin ko sa account niya na maraming nagla-like ng statuses at posts niya. Sikat pala siya sa school. Palibhasa varsity eh. Hindi ko na masyado tiningnan yung pics niya. Nagsawa agad ako. Para kasing nananampal yung kagwapuhan niya sa pics eh. Nakurot ko ang sarili ko. Did I just admitted that he's cute. Fine! He is. Nagpunta ko sa news feed ko. May nakita kong status nya. SHE REALLY IS PRETTY Napairap ako. Sus! Chickboy! Naisip ko. Nag-log out na ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD