SEB Sometimes. I really couldn't understand Jazz. Katulad ngayon, bigla na lang siyang nag-walk out. Alam ko naman na may problema siya. Hindi na niya kailangan pang sabihin yon. Halatang halata. Ang misyon ko na ngayon ay malaman kung anong nangyari sa kanya. Bakit siya nagkaganon? Minsan gusto ko na ngang tanungin yung mother niya kaya lang nahiya naman ako. Isa pa, baka magalit si Jazz kung manghihimasok ako sa ganoong paraan. Gusto ko malaman ang mga bagay na iyon, galing mismo sa kanya. Kapag handa na siya. But, when will she ever be ready? I sighed and decided to follow her. Nakita kong ilang metro na rin ang layo niya. Ang bilis niya maglakad. Did I really upset her? I half jogged towards her. Hindi ako kumibo nung nakalapit na 'ko sa kanya. Ang hirap din kasi niyang tantyahi

