JAZZ "The majesty's Bar?!" Halos magkapanabay na sabi namin ni Marcus habang nakatayo kami sa tapat ng bar na yun. Nagkatawanan pa kami nang ma-realize namin yun. "Knock on wood!" sabi ko. "Chorus pa ah?" sabi naman ni Marc. Binalingan ko si Senna. "Bakit dito mo gusto?" She grinned widely at me. "Just like the old times!" wika niya. "Diba andami nating memories ditong tatlo?" "I agree with that." nakangiting sabi ni Marc. "Let's relive the memories!" Masayang pumasok sila sa loob ng bar, ako naman nakasunod lang. Nakangiti ako, oo. Pero deep inside, nalulungkot ako. Sana ngayon na masaya na ko, kasama ko si Seb. Tama sila Senna, ang dami naming memories dito. Dito kami unang nagkasama sama noon. Dito kami bumuo ng magaganda naming memories bilang magkakaibigan. Gusto ko din sana

