SEB "Tingnan mo, tingnan mo. Bilang ka ng lima biglang ngingiti yan." Di ko pinansin ang mga mokong at sige lang ako sa pagtetext. "Five, four, three-" Hindi pa sila tapos sa pagbibilang napangiti na ko nang mabasa ko ang text ni Jazz. Haayy ang sarap naman ma-in love! Nagtawanan sila nang makitang ngumiti nga ako. "Hoy! Tigilan n'yo 'ko ha?" pangiti ngiti ko pa ring saway sa kanila. Nasa gym locker kami ngayon, kakatapos lang ng basketball practice namin. Grabe. Ang lapit na agad ng finals, kaya puspusan na lalo ang pag eensayo namin. Ang bilis lumipas ng panahon. Ilang buwan na agad ang lumipas. Malapit na kaming grumaduate. Ako, si Chase, at James. Si Jazz, medyo mahuhuli dahil nga irregular siya at may mga kulang pa siyang subjects. Si Joey naman, next year pa dahil ahead nam

