JAZZ "Surprise!" Napamaang ako nang makita ko si Senna sa harapan ko. Kapapasok ko lang nun sa gate ng university. Anong ginagawa nitong babaeng to dito? Hindi basta basta nagpapapasok ng outsider dito. "What brought you here?" kunot noong usisa ko. "Ano ka ba? Dito na ko nag aaral!" iningusan niya 'ko. "Oh? Siryoso ka?" nanlalaki ang mata na tanong ko. Hinawakan ko siya sa braso at hinila patungo sa gilid ng hallway. She rolled her eyes. "Can't you at least pretend you're glad to see me?" masama ang tingin na isinukbit niya nang maayos ang bag niya sa balikat. "Of course I'm happy to see you! But what's the catch, Sen? Dito ka na talaga mag aaral? San ka na umuuwi nyan?" Napailing na lang siya. "Sweet mo talaga friend, over!" kunwaring naiirita na sabi niya. "Well, pwede akong mag

