Napatingin si Dinnah sa kanya dahil sa sinabi nito. Sandali siyang natigilan. Hindi niya inaasahan ang ganoong tono mula kay John. Ang lambing ng boses nito nang sabihin iyon. Na parang may halong paggalang. Agad naman siyang umiwas ng tingin at muling tumingin sa mga estudyanteng naglalakad sa damuhan. "You're welcome, Mr. Halden," sagot niya habang pilit na pinapanatiling normal ang kanyang boses. Kailangan niyang maging magalang kahit na lihim siyang galit kay John. Kailangan niyang ayusin ang kanyang mga kilos para hindi siya mahalata sa kanyang mga kasamahang teacher na magkakilala lang sila ni John. Ngunit sa kabila ng pagiging kalmado ng kanyang pananalita ay hindi niya maitago ang bahagyang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Tahimik silang naglakad ng ilang hakbang sa damu

