Lumipas ang ilang araw ay naging tahimik lang naman ang paligid sa bahay-bakasyunan nina John sa Tagaytay. Hindi na muling nagparamdam si Felix kay Donnah. Wala na kasi itong tatawagan dahil binali na ni Donnah ang kanyang sim card dahil sa takot. At marahil hindi sila nito ginulo na nitong may mga bantay. At natakot lang si Felix dahil sa mahigpit na seguridad na inilagay ni John sa buong paligid ng bahay. Araw at gabi ay may mga lalaking nagbabantay sa gate at nagroronda sa bakuran. Maging sa driveway at hardin ay may mga ilaw na nakabukas tuwing gabi upang masigurong walang sinumang makakalapit nang hindi napapansin. Dahil dito ay tila nakahinga nang maluwag si Donnah. Sa mga nagdaang araw ay bumalik ang kanyang kumpyansa. At nagawa na niyang lumabas tuwing gabi sa terrace para m

