CHAPTER 49

1321 Words

Pagkatapos magkape ni John ay nagpasya na rin siyang umuwi. Pagdating niya sa bahay-bakasyunan ay tahimik ang buong paligid. Ang tanging maririnig lamang sa loob ng sala ay ang tunog ng pagbukas ng pintuan at ang mahihinang yabag ng kanyang sapatos sa sahig. Sa kusina naman ay naroon sina Manang Sonia at Aling Matilda, abala sa pagluluto. Pagkapasok pa lamang ni John ay agad siyang sinalubong ni Donnah na halatang balisa. Maputla ang mukha nito at namumugto ang mga mata, na para bang matagal na siyang naghihintay. "John…" Bahagyang napalingon si John sa asawa ngunit hindi nagbago ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. "Tinawagan na naman ako ni Felix," nanginginig na sabi ni Donnah. Napatigil si John sa paghuhubad ng kanyang coat at tahimik na napabuntong-hininga. "Ilang beses

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD