Tahimik ang loob ng maliit na coffee shop na kanilang kinaroroonan habang magkatapat na nakaupo sina John at Nick. Sa labas ng salamin ay tanaw ang paaralan kung saan nanggaling si Nick ilang minuto lamang ang nakalipas. Katatapos lang ilapag ng waitress ang dalawang tasa ng mainit na kape sa mesa nila nang agad magsalita si John. Hindi naman agad nakasagot si Nick sa tanong sa kanya ni John. "You still haven't answered my question," ang sabi ni John kay Nick. Tumingin si Nick sa kanya. "What question?" Para namang natauhan na tanong ni Nick. "What were you doing inside that school?" ulit ni John. "You came out from there, my cousin," ulit pa ni John. Bahagyang natawa si Nick ngunit may halong pag-aalinlangan ang ekspresyon nito. "Ah… actually, mahabang kuwento iyon, John." Sagot

