CHAPTER 1

1428 Words
Nakaupo pa rin si Dinnah sa malamig na sahig ng banyo, ang kanyang mga paa ay nakayuko habang ang kanyang mga braso ay mahigpit na nakayakap sa sarili. Ang mga luha ay tuloy-tuloy na umaagos sa kanyang pisngi, at ang kanyang dibdib ay nanghihina mula sa pag-iyak. Ilang minuto nang lumipas mula noong tumawag siya sa kanyang ina, ngunit kahit paano’y hindi niya talaga makakaya na bumalik sa loob ng kwarto ni Mr. Halden ngayon. Kahit anong isip niya ay hindi niya kayang ibigay ang kanyang p********e sa isang lalaking kasintahan ng kanyang kapatid. Ano ang mangyayari at kahihinatnan niya kapag malaman nitong niloko niya ito? Tiyak na magagalit talaga ito. Pero naawa din siya sa kanyang mga magulang kapag mawala lahat ng kanilang ari-arian. "Pero paano? Hindi ko kaya… hindi ko kaya… nasaan ka ba Donnah? Bakit pinahamak mo kami, ang pamilya mo?" Aniyang patuloy na umiiyak at paulit-ulit na bulong sa sarili, ang kanyang boses ay puno ng paghihirap. Sobrang gwapo ni Mr. Halden, at hindi naman talaga ito mahirap mahalin. Pero paano nalang kung mahulog ang loob niya rito at mabuking siya sa huli? Idi, talagang siya ang maging kawawa. At higit sa lahat, wala siyang nalalaman sa mga bagay na pakikipagtalik at wala pa siyang karanasan. Kaya siguradong magtaka ito sa kanya, at higit sa lahat—natatakot siyang maranasan ang isang bagay sa lalaking hindi naman niya kasintahan. Ang bawat segundo na nagtatagal sa loob ng CR ay parang isang oras para sa kanya; natatakot siyang lumabas, natatakot na harapin si Mr. Halden. At di naman nagtagal ay may biglang malakas na kumatok sa pinto ng banyo, kasabay ang malamig ngunit nag-aalalang tinig ni John. "Donnah, honey? Are you okay in there? It’s been almost an hour, open the door now!" Anito sa labas. Ang t***k ng puso ni Dinnah ay biglang lumakas nang husto, na halos hindi na siya makahinga. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang siya’y tumayo mula sa sahig, pinunasan niya ang kanyang mga luha ngunit hindi niya mapigilan ang pagkakaroon ng mga patak nito muli sa kanyang mga pisngi. Inayos niya ang manipis na dress na pinasuot niya sa kanya matapos niyang hubarin ang kanyang wedding gown na suot kanina, ngunit alam niyang halata pa rin ang pagkagambala sa kanyang mukha. "J-Just a minute, honey!" sigaw niya mula sa loob, sinusubukang gawing normal ang kanyang boses ngunit ito’y nauutal pa rin. "Donnah, open this door right now! I’m getting worried!" ani muli ni Mr. Halden, ang pagkatok nito ay naging mas malakas pa. Walang ibang magagawa si Dinnah kundi ang buksan ang pinto. Nang binuksan niya ito, nakita niya ang nakatayong si Mr. Halden sa labas, ang kanyang mga kilay ay nagsalubong at makikita ang inis sa kanyang guwapong mukha dahil sa paghihintay sa kanya. Ngunit sa pagkakataong iyon, ang unang bagay na pumasok sa isip ni Dinnah ay ang kanyang takot — takot na malaman nito ang totoo, takot na mapilitan siyang gawin ang bagay na ayaw niya. "J-John, h-honey," mahinang wika niya. Nagtatakang tumingin si John sa kanya, agad siyang lumapit at hinawakan ang kanyang mga balikat. "Donnah, what’s wrong? Why are you crying? And why did you lock yourself in here for so long?" tanong nito, ang tono ng kanyang boses ay nawalan ng galit at pinalitan ng pag-aalala. Agad na nag-isip si Dinnah ng dahilan. Isang ideya ang biglang pumasok sa kanyang isip — isang paraan para maiwasan ang bagay na ayaw niya. Kanyang hinarap si Mr. Halden, ang kanyang mukha ay nagmumukhang masakit, at pilit niyang pinanatili ang kanyang kamay na nakayapos sa sarili. "H-Honey, masakit ang tiyan ko…" aniya, isang malaking pagsisinungaling para lang maiwasan muna niya ang mangyayari ngayon. Nag-alala agad ito. "What? Your stomach hurts? Why didn’t you tell me earlier?" ani nito, agad niyang hinawakan ang noo ni Dinnah para suriin kung may lagnat din siya, ngunit nalaman nitong okay lang naman siya. Napailing si Dinnah. "Wala akong lagnat, ngunit ang tiyan ko ay masakit," ang sabi niyang muli, pinahid ang pawis mula sa kanyang noo gamit ang kanyang palad at ginawa itong parang nahirapan siyang huminga. Hindi iyon pawis ng sakit sa tiyan dahil di naman talaga masakit ang tiyan niya, kundi pawis iyon sa tensyong naramdaman niya ngayon. "B-biglang sumakit ang tiyan ko kaya natagalan ako rito," paliwanag niya na patuloy ang pagluha. Hindi nagdalawang-isip si John. Agad siyang kinuha sa mga bisig at pinasan papunta sa kanilang kwarto. Nagulat pa siya sa ginawa nitong biglang pagpasan sa kanya! "Don’t worry, I have medicine for stomach pain here. Just lie down and I’ll get it for you," ani nito, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala habang inilalagay siya sa kama. Nang makahiga si Dinnah, agad na pumunta si John sa isang malaking drawer sa tabi ng kama at kumuha ng isang maliit na kahon ng gamot. Kumuha siya ng isang tablet at isang basong tubig, pagkatapos ay bumalik sa tabi ni Dinnah. "Take this, it will make the pain go away," ani nito, inalalayan siyang inumin ang gamot. Napilitan si Dinnah na inumin ito. Kahit na hindi siya talaga nagkakasakit, kailangan niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-arte para hindi magduda si Mr. Halden. Pagkatapos niyang inumin ang gamot, kanyang inihiga ang kanyang ulo sa unan. "Honey, sobrang pagod na pagod ako… wala akong lakas ngayon," aniyang ginalingan pa ang pag-arte. Nakita ni Dinnah ang pagkainis sa mukha ng kasintahan ng kanyang kapatid, ngunit agad itong pinalitan ng pag-unawa. "Okay, okay, rest then. We can celebrate our wedding night some other time when you feel better," ani nito, ngunit may halong pagkadismaya sa kanyang tono. Pagkatapos noon, pumunta si John sa banyo para maligo. Nang lumabas siya mula roon, nakasuot lang ito ng brief at nakita pa niya ang malaking nakabakat sa loob ng brief nito! para siyang muling pinanlamigan lalo na nang humiga agad itsura sa tabi niya. At agad itong yumakap sa kanya, ang kanyang mainit na katawan ay nakadikit sa kanyang balat. Nanginginig si Dinnah nang husto. Inayos niya ang kanyang sarili para hindi masyadong makadikit si John sa kanya, ngunit hindi niya magawa dahil mahigpit itong nakayakap sa kanya. Pilit niya paring ginawang mukhang masakit pa rin ang kanyang tiyan. "H-honey, huwag mo akong masyadong yakapin, parang mas sasakit pa ang tiyan ko," reklamo pa niya. Narinig ni Dinnah ang pagbuntong-hininga nito. "What does your stomach ache have to do with me hugging you tightly?" tila nainis na naman ito. "S-Sorry," aniya. "Okay, I won’t move. Just sleep, okay? I’ll take care of you," ani nito, at hinalikan pa siya nito sa noo bago ito yumakap nang mas mahigpit pero mas maingat. Habang nakahiga si Dinnah sa tabi ni John, hindi siya makatulog. Ang kanyang isip ay puno ng takot at pagkabalisa — takot na baka mamaya’y magising si John at mapilitan siyang gawin ang bagay na ayaw niya, at takot na hindi niya kayang ipagpatuloy ang pagpapanggap na ito. Habang siya’y nakikinig sa malalim na paghinga ni John, kanyang iniisip ang kanyang kapatid na si Donnah. "Donnah, bakit mo kami iniwan sa sitwasyong ito? Bakit ako ang napupunta sa ganitong sitwasyon?" bulong niya sa sarili, ang kanyang mga luha ay muli nang umaagos sa kanyang mga pisngi, ngunit kanyang pinigilan ang pag-iyak para hindi magising si John. Sa kabila ng pagpanggap na pagod ang kanyang katawan, hindi pa rin siya makatulog. Ang tanging nasa isip niya ay kung paano niya malalampasan ang bawat araw sa piling ni Mr. Halden at kung paano niya mapoprotektahan ang kanyang p********e mula sa lalaking nakayakap sa kanya ngayon. Naalala pa niya noong una niyang makita si Mr. John Halden noon... Flashback: Mainit ang sikat ng araw ngunit okay lang naman dahil malamig din ang hangin. Bihira lang talaga siyang makapasyal sa tinirhan ng kanyang mga magulang dito sa Tagaytay, nagmamadali niyang sinilip ang malaking bahay-bakasyunan ng mga Montefalco kung naroon ba ang kanyang kaibigan na si Cherry Ann—ang isa sa anak ng mga Montefalco. Nakabukas kasi ang malaking bahay-bakasyunan ng mga ito na nasa malapit lang din sa kanilang bahay, ibig sabihin ay nagbakasyon na naman ang mga ito. Dali-dali siyang nagpunta doon at masayang tinawag si Cherry Ann. "Cherry Ann! Hello, nandito ako!" natawa at excited pa niyang tawag at deretsong pumasok sa loob ng bakuran. Ngunit napaatras siya nang makitang isang naka-topless na makisig na lalaki ang bumungad sa kanya! Napakaguwapo nito at halatang may lahi. "Good afternoon, miss! This property no longer belongs to the Montefalcos; I bought it from them already," nakangising wika pa nito sa kanya, at kaagad naman siyang napaatras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD