Hindi siya agad nakasagot sa sinabi ng gwapong lalaki, parang napipi siya at nakatitig lang dito, ang kanyang mga paa ay parang nakadikit sa lupa at hindi makagalaw. Natawa naman ito sa kanyang reaksyon, at ang pagtawa nitong ay may kakaiba sa kanyang pandinig.
"Hey, ngayon ka pa ba nakakita ng gwapong tulad ko?" Pabirong wika pa nito, habang nakatayo lang at nakatingin sa kanya na parang tinatawanan ang kanyang pagkagulat.
Mas namilog pa ang mga mata ni Dinnah nang hindi sinasadya niyang mapasadahan ng tingin ang bahaging ibaba nito. Nakasuot ito ng maiksing brown shorts at kitang-kita naman ang kanyang makinis ngunit mabalahibong mga binti na kahawig ng mga modelo sa mga magazine. Ngunit ang kanyang mas napansin ay ang malaking umbok na nagmumula sa p*********i nito, halos hindi maitago ng manipis na tela ng suot nito kaya biglang nag-init ang kanyang hanggang sa tainga, pakiramdam niya ay siya pa ang sobrang nahiya sa pagbakat ng malaking alaga nito, at parang nawalan siya ng kakayahang magsalita o mag-isip ng maayos pa.
Hindi na talaga siya nakaimik sa harap ni Mr. Halden. Ngunit mabilis siyang umiwas ng tingin at nagmamadaling humakbang palabas ng malawak na bakuran.
Pakiramdam din niya ay hindi siya magawang maglakad ng maayos; parang ang kanyang mga tuhod ay nangangatal dahil sa hiya niya sa lalaki.
Narinig pa niyang tinawag siya nito.
"Don't be scared! I don't look like a monster, Miss!" Wika at tawag nito sa kanya na sinabayan nito ng mahinang tawa.
Parang tumatak pa sa kanyang isip ang mahinang tawa nito, kasama na rin ang nakita niya na kahit kailan ay hindi niya makakalimutan.
Habang naglalakad pauwi, hindi niya mapigilan ang sarili na isipin ang itsura ng lalaki. Ang kanyang gwapong mukhang may lahi, ang kanyang biro, at lalo na ang nakita niya kaninang malaking umbok nito sa loob ng shorts ay patuloy na sumaksak sa kanyang isip.
"Grabe, kung alam ko lang di talaga ako papasok doon," bulong niya sa sarili.
Hindi niya inakala na ang simpleng pagpunta niya sa bakuran ng mga Montefalco para hanapin si Cherry Ann ay isang gwapong lalaki na naka topless at nakasuot lang ng maiksing shorts at nagpabakat pa sa malaking alaga nito ang kanyang makita.
"Ang bastos!" hiyaw pa niya.
Pagdating niya sa kanilang bahay, agad siyang pumasok sa loob at nakita ang inang nakabihis.
"Sandali lang anak, kailangan kong pumunta sa lungsod para bumili ng sariwang gulay at karne. Minsan ka lang kasi makakapunta rito, gusto kong magluto ng masarap para sa’yo." Ang sabi ng inang si Rowena.
"S-sige po, nay." Tugon niya. Nais pa sana niyang sabihin rito ang tungkol sa lalaking nasa kapitbahay nila na ito daw ang nakabili sa bahay bakasyunan ng mga Montefalco ngunit di nalang dahil nagmamadali ang ina.
Pagkatapos ay agad itong nag-ayos at umalis ng bahay.
Naiwan si Dinnah mag-isa kaya pumasok siya sa isa sa kwarto ng bahay nila at isinara ang pinto nang mahigpit. Inihiga niya ang kanyang sarili sa kama at tinakpan ang kanyang mukha gamit ang unan.
Pagkatapos ng ilang segundo, narinig niyang may mga dumating kaya lumabas agad siya. Nakita niya ang kambal na si Donnah at ang ama.
"Dinnah? Nandiyan ka pala!" ang tinig ng kambal niyang si Donnah.
Nakita niyang ang kanilang amang si Mang Pablo, na may dalang isang sako ng prutas mula sa kanilang bukid. Natuwa agad ang ama nang makita siya.
"Dinnah! Buti nga at nakadalaw ka sa amin! Miss ka namin!" Wika ni Donnah habang mabilis itong lumapit agad at niyakap siya ng mahigpit.
"Miss na miss ka namin anak, kumusta kayo ng lolo't lola mo?" Masayang tanong naman ng kanyang ama.
Ngumiti rin si Dinnah sa ama at kambal.
"Miss na rin kita, Donnah at Tay, kanina pa ako dito, kumusta po kayo? Okay lang po kami nina lolo at lola," Wika at tanong niya sa kanilang ama at kapatid niya.
"Mabuti naman, anak. Ang mga prutas natin ay magaganda ngayon kaya marami tayong naani," sagot ni Mang Pablo habang inilalagay ang isang sako na prutas at meron pa sa labas sa may kalesa.
Habang sila’y nagkukuwentuhan, biglang naalala ni Dinnah ang nangyari sa bahay-bakasyunan ng Montefalco. Agad siyang nagsalita,
"Tay, Donnah, alam niyo ba? Ibinenta na pala ng mga Montefalco ang kanilang bahay-bakasyunan."
Nagulat ang mag-ama at si Donnah.
"Talaga anak? Hindi naman namin narinig ang balitang iyon," sagot ni Mang Pablo.
"Ang tanging narinig namin ay umalis sila patungong ibang bansa ngunit hindi namin inakala na ibebenta nila agad ang kanilang bahay-bakasyunan dito." Anang ama nila.
"May tao na kasing nakatira diyan ngayon, tay. Sabi niya ay nabili daw niya ang malaking bahay-bakasyunan mula sa mga Montefalco." dagdag pa ni Dinnah.
"Naku, gano'n ba?"
"Mukhang mayaman at may lahing Amerkano,"
Natawa si Donnah nang mapansin ang pamumula ng pisngi ng kanyang kambal.
"Bakit? gwapo ba siya?" tanong ni Donnah nang may kuryosidad.
Napailing na lang si Dinnah ngunit tumango naman.
"Oo… gwapo nga. Pero nakakahiya lang ang nangyari," sabi niya.
Lalong nagkaroon ng kuryosidad si Donnah.
"Ano ba nangyari? Kwento mo nga!"
Kaya sinabi ni Dinnah sa kanilang ama at sa kanyang kambal ang lahat ng nangyari: kung paano siya pumasok sa bakuran ng Montefalco para hanapin si Cherry Ann, akala niya kasi ang mga Montefalco ang nagbakasyon dahil bukas ang malaking bahay at kung paano lumabas ang estrangherong lalaki na naka-topless pa.
Natawa si Donnah nang sabihin ni Dinnah na tinawag niya si Cherry Ann at sa halip na kaibigan niya ang lumabas, ay ang estrangherong lalaki ang bumungad sa kanya at maikling shorts lang ang suot at namumukol pa ang harapan nito.
"Grabe naman!" Bulalas ng kambal.
"Na-shocked tuloy ako," Ani Dinnah.
Natawa lalo si Donnah.
"Kung ako, kikiligin ako!" ani Donnah.
Ngunit dahil sa kuryosidad ni Donnah, agad siyang lumapit sa bintana ng kwarto na nakaharap sa bahay-bakasyunan ng Montefalco. Sinilip niya ang lugar upang makita ang lalaking inilalarawan ng kanyang kambal.
"Saan ba siya? Hindi ko naman nakita," sabi ni Donnah habang nakasandal sa bintana.
"Nasa loob lang yan, Donnah. Kaaalis ko lang diyan, ilang minuto pa ang nakalilipas," sagot ni Dinnah.
Habang sila’y nag-uusap pa tungkol sa gwapong estranghero, biglang narinig nila na may kausap sa labas ang ama nila, lumabas kasi muli ang ama at kinuha ang mga sako ng prutas na nasa kalesa para buksan ito.
Nagmamadaling sinilip nila ang labas kung sino ang kausap ng kanilang ama. Kaya nagulat sila nang makita nila kung sino lalo na si Dinnah!
"Good afternoon, Manong, I’m John Halden, ang bagong nagmamay-ari ng bahay-bakasyunan ng kapit-bahay niyo, I just came over to introduce myself. I saw you have a lot of fresh fruits here, so I was wondering if I could buy some from you? I love fresh, locally grown produce." Nakangiting wika nito.
Nagulat si Mang Pablo pero agad din siyang ngumiti.
"Ah, ikaw na pala ang bagong may-ari ng bahay ng Montefalco. Welcome po sa ating baryo! Oo naman pwede kang bumili ng prutas sa amin, marami kaming naani ngayon, Sir." Nakangiting wika ni Mang Pablo.
Habang sila’y nag-uusap pa tungkol sa mga prutas, inayos nito ang posisyon at nagtanong.
"Ahmm, Manong, may nagpunta kanina sa bahay-bakasyunan ko, isang magandang dalaga. Is she your daughter? She’s very beautiful, nagulat siya nang makita ako." Wika nito.
Napatigil naman si Mang Pablo sa narinig.
Sa loob ng kwarto, narinig ni Dinnah at Donnah ang lahat ng sinabi ng guwapong lalaki. Nagulat si Dinnah. Si Donnah naman ay mas lalong nagkaroon ng kuryosidad at lumapit sa pintuan ng bahay para makita nang malinaw ang gwapong lalaki.
"Ahm, oo, anak ko yun, pasensya ka na, Sir. Hindi kasi namin alam na ibininta na pala ng mga Montefalco ang kanilang bahay-bakasyunan, Kaya di rin alam ng anak ko." Wika naman ni Mang Pablo.
"Ahh, okay lang, Manong. But... can I see her again?" Sabi pa ng lalaki na nakangiti at mukhang may interest kay Donnah. Kapwa naman nanlaki ang mga mata nina Donnah at Dinnah sa loob nang marinig ang sinabi ng lalaki.
"Ahh, sure ho, Sir!" Nakangiting tugon naman ng ama nila.
"Naku, Donnah, ikaw nalang magpakita sa kanya, total, kamukha naman tayo." Aniya sa kambal na nanginig.
" Gaga ka talaga, ang guwapo Kaya niya! Idi, sige! ako nalang!" Kilig pang wika ni Donnah.