Dumating na ang mga estudyante ni Dinnah mula sa ikalawang section, ngunit nagpatuloy muna sila sa pag-uusap ni Ma’am Mellyn, ang kanyang co-teacher. "Ma'am Dinnah, baka next week ay porma na ang gusali na ‘yan," sabi ni Ma’am Mellyn habang tumitingin pa rin sa labas kung saan Kitang-kita lang ang proyekto. "At sana ay makatulong ito para mas maraming oportunidad ang makukuha ng mga estudyante natin dito – baka may mga scholarship program o part-time na trabaho sila maibigay para sa mga bata." Dugtong ni Ma'am Mellyn. "Sana nga, Ma'am Mellyn. Baka may mga trabaho pa silang maibibigay para sa mga magulang ng mga bata," sagot naman Dinnah, ngunit ang isip ay hindi niya maiwasang mapaisip kung bakit sino kaya ang nagmamay-ari nito at bakit mas pinili itong itayo dito sa kanilang lugar? H

