Naiwang nakatayo si John sa labas, mga kamay na nakakrus sa dibdib at natitig pa rin sa direksyon ng gate ng paaralan na pinasukan ni Dinnah. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang humabol. Para siyang nasasaktan na nakatingin rito. Para bang may pinakamalaking pagkakamali ang tadhana para sa kanilang dalawa. Siya ang dapat na ligawan niya noon at hindi si Donnah. Napabuntong-hininga na lang siya sa kanyang nararamdaman. Isa siyang makapangyarihang tao at malaki ang magagawa niya kung paano muling mapalapit si Dinnah sa kanya. Una, kailangan itama niya ang lahat. Dahil unti-unti niyang naramdaman na hindi na niya mahal si Donnah simula pa noong malaman niya na hindi pala ito ang unang nakita niya sa bahay-bakasyunan, at hindi pala ito ang babaeng binigyan niya ng panyo noon. Bakit kai

