"O-okay lang. Pasensya ka na, ngayon lang ako." Sabi nito na pilit ngumiti. Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Hanggang sa— napatingin si Dinnah sa paligid. At muli niyang napansin— "Nasaan ang anak mo?" Diretsong tanong niya. Walang paligoy. "Iniwan ko muna sa papa niya." Mahina nitong sagot. Napansin niya ang nangilid na mga luha nito. Siya na ang lumapit kay Donnah at yumakap rito dahil sa tingin niya ay nahihiya pa ito sa kanya. Parang biglang bumigat ang hangin sa loob ng kwarto. Tuloyan namang umiyak si Donnah at gumanti ng yakap sa kanya. Habang nakatingin lang sa kanila ang kanyang ama at lolo't lola nila. Natutuwa na rin ang mga ito na sa wakas ay muli na silang nagkaayos. Lumipas ang dalawang linggo. Unti-unting bumuti ang kalagayan ng ina n

