CHAPTER 72

1538 Words

Tahimik ang buong hallway. Parang mas lalong humaba ang bawat segundo habang nakapako ang tingin ni Dinnah sa pulang ilaw sa ibabaw ng pinto ng operating room. ON iyon. Ibig sabihin— hindi pa tapos. Mahigpit ang hawak niya sa kanyang bag. Halos manginig ang kanyang mga daliri sa kaba. Sa tabi niya— nakaupo ang kanyang ama. Tahimik. Ngunit ramdam ang bigat ng bawat paghinga nito. Ilang oras na ang lumipas— ngunit pakiramdam ni Dinnah ay parang isang buong araw na. "Anak…" Mahinang tawag ng kanyang ama. Napalingon naman siya rito. "Magtiwala ka lang anak…" Mahinang wika ng kanyang ama. Gusto niyang tumango. Gusto niyang maniwala. Ngunit sa totoo lang— takot na takot siya. Biglang bumukas ang pinto. Pareho silang napatayo. At nakita nilang lumabas ang isang nurse mula sa loob.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD