Nanatiling nakatayo si Dinnah sa gitna ng malawak na sala. Tahimik at mabigat ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Parang kahit ang hangin sa paligid ay hindi na gumagalaw matapos ang mga salitang binitawan ni John. Three months. Paulit-ulit na umuukilkil iyon sa kanyang isipan. Tatlong buwan para bayaran ang halagang halos imposible niyang maipon— ngunit iyon lamang ang natitirang daan para mailigtas ang kanyang ina. Kaya wala na talaga siyang magpapilian kundi ang papayag na lang sa kondisyon nito kaysa maghirap pa siyang maghanap kung saan siya ng halagang iyon. Baka ma-delayed na siya ay buhay ng kanyang ina ang mawawala. Dahan-dahan niyang pinikit ang kanyang mga mata. Parang malayo na ang dating John. Parang hindi na siya kilala nito na minsan inibig nito noon. Isang

