Pagkatapos ng klase ay naglakad siya palabas ng paaralan. Katulad ng nakasanayan ay dumaan siya sa maliit na coffe shop sa kanto upang uminom ng kape bago umuwi. Parang malamig kasi ang sikmura niya. Habang naghihintay siya sa kanyang order ay napansin niyang may dalawang babae sa kabilang mesa na abalang nag-uusap. Hindi niya sana papansinin ang kanilang usapan. Ngunit biglang may pangalang narinig ang kanyang tainga. "Mr. Halden." Bahagyang napalingon si Dinnah. "Grabe talaga ang mga mayayaman," sabi ng isa sa mga babae habang nakatingin sa kanyang cellphone. "Ano na naman iyon?" tanong ng kasama nito. "Ito oh—si Mr. John Halden. Ang CEO ng Halden International. At ang nagmamay-ari ng isang Executive Office Building and Resort Complex dito sa tagaytay," Sabi naman ng isa na ang

