Maayos na ang takbo ng buhay ni Dinnah sa Bacoor. Araw-araw ay maaga siyang nagigising upang maghanda para sa kanyang klase. Unti-unti na rin siyang nakilala ng mga estudyante at kapwa guro sa paaralan. Hindi man ganoon kadali ang magsimula muli, natutunan niyang mahalin ang simpleng rutina ng kanyang bagong buhay. Sa umaga ay abala siya sa pagtuturo. Sa hapon naman ay tumutulong siya sa kanyang lola sa mga gawaing bahay. Minsan ay dinadalaw sila ng kanyang mga magulang mula sa Tagaytay. Tuwing dumarating ang mga ito ay nagiging mas masaya ang may kalakihang bahay ng kanyang lolo at lola. Nagkukuwentuhan sila habang sabay-sabay kumakain. Minsan ay nagdadala pa ng prutas o pagkain ang kanyang ina. Unti-unting naramdaman ni Dinnah na parang bumabalik sa normal ang lahat. Wala na ang

