Kinabukasan ay maaga silang nagising. Halos hindi nakatulog si Dinnah nang gabing iyon. Paulit-ulit na umiikot sa kanyang isip ang sinabi ng kanyang ama —ang tatlong milyong pisong kailangan para sa operasyon ng kanyang ina at ang kulang na 1.5 milyong peso. Ngunit kahit mabigat ang kanyang dibdib ay pinilit niyang maging matatag. Maaga silang umalis ng bahay kasama ang kanyang lolo at lola at nagtungo sa Tagaytay Medical Center. Tahimik ang biyahe. Walang halos nagsasalita sa loob ng sasakyan. Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang hangin mula sa bintana ang maririnig. Alam nilang lahat kung gaano kabigat ang sitwasyon. Pagdating nila sa ospital ay agad silang nagtungo sa silid kung saan naka-confine ang kanyang ina. Huminto sandali si Dinnah sa labas ng pinto. Huminga siy

