CHAPTER 5

1505 Words
Nakahinga nang maluwag si Dinnah nang mapagtanto niyang mahimbing lang palang natutulog si John, kahit ramdam niya ang bigat ng braso nito na nakapulupot sa kanyang baywang, hindi na siya gumalaw pa. Sa gitna ng katahimikan ng gabi, pilit niyang pinapakalma ang kanyang mabilis na t***k ng puso. Inisip niya na sa wakas, makakapahinga na siya mula sa nakakapagod na pagpapanggap sa unang gabi. Unti-unti na rin siyang dinalaw ng antok at tuloyang ipinikit ang mga mata. Pero ang akala niyang kaligtasan ay panandalian lamang. Makalipas ang tatlong oras, nang nasa kalagitnaan na siya ng mahimbing na pagtulog, bigla siyang napabalikwas. Isang kakaiba, basa, at sobrang init na sensasyon ang gumising sa kanyang buong pagkatao. Namangha si Dinnah nang makita sa madilim na silid na iyon nasa paanan na niya si John. Nanlaki ang kanyang mga mata at tila tumigil ang mundo niya nang maramdamang nilalamutak nito ang kanyang p********e gamit ang dila nito! "Oh my-!" Napapiksi si Dinnah sa sobrang gulat at hindi inaasahang sarap na may halong takot ang kanyang naramdaman. Parang nakuryente ang buong katawan niya at bigla siyang kinapos ng hininga. Hindi siya makapaniwala na gagawin iyon ni John habang tulog siya. Dahil sa marahas niyang reaksyon, napatigil si John. Umangat ang tingin nito sa kanya at kahit medyo madilim dahil tanging lampshade lamang ang ilaw, kitang-kita naman ni Dinnah ang pagsasalubong ng makakapal na kilay ni Mr. Halden. Halatang nagtataka ito at may kasamang inis ang boses nang magsalita. "Ano bang problema mo, Donnah!?" may diing sabi ni Mr. Halden. "I need you. Hindi na ako makatiis, kanina pa ako nagpipigil habang pinapanood kitang natulog." Hindi pa man nakaka-recover si Dinnah sa gulat ay muli siyang sinunggaban nito ng isang mainit at mapusok na halik. Ramdam ni Dinnah ang panggigil ni John—isang halik na parang gustong ubusin ang hininga niya. Sa bawat segundo, parang nalulunod siya sa bango ng lalaki. Isang panlalaking amoy na halo ng mamahaling sabon at natural na bango ng katawan nito na nakakahilo sa sarap. Nadama rin niya ang kiliti ng pino nitong bigote na dumidikit sa kanyang balat, bagay na lalong nagpabilis ng kaba sa dibdib niya. Kailangan kong gumawa ng paraan, ngayon din! sigaw ng isip niya habang pilit na iniiwas ang kanyang labi. Alam ni Dinnah na kung hindi siya kikilos, tuluyan siyang maaangkin ni John at hindi niya kayang pantayan ang "wild" na laro na nakasanayan nito sa kambal niyang si Donnah. Dahan-dahan siyang kumawala sa halik at nagkunwaring nanghihina. Pinatunog niyang paos, matamlay, at parang iiyak na ang kanyang boses habang pilit na tumitingin nang diretso sa mga mata ng binata. "J-John... sandali lang, please," bulong niya habang marahang itinutulak ang matigas at mainit na dibdib nito. "Patawad, pero... pakiramdam ko talaga hihimatayin ako. Hindi pa ako okay, umiikot parin ang paningin ko, wala talaga akong lakas. Dahil sa matinding sakit ng tiyan kanina." Pinalungkot niya ang kanyang mukha at nagkunwaring nanginginig ang katawan para magmukhang nakakaawa. "F*ck!!" Sambit nito sa inis. "Gusto ko rin sana, John... alam mo 'yan. Pero baka ma-collapse lang ako habang ginagawa natin 'to. Baka pwedeng pagpahingahin mo muna ako kahit ngayong gabi lang? Bukas na lang, please?" Pagmamakaawa niya rito. Matagal na tinitigan siya ni John, tila sinusuri ang bawat anggulo ng mukha niya kung nagsasabi ba siya ng totoo. Halos hindi huminga si Dinnah sa takot na baka mapansin nito na nagpapanggap lang siya at hindi siya si Donna. Sa huli, nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga ang binata at dahan-dahang lumayo sa kanya. "Okay, fine. Magpahinga ka na ulit," maikli at matigas nitong sagot. Pero kahit pumayag ito, hindi nakaligtas kay Dinnah ang talas at matinding inis sa mga mata nito bago ito muling nahiga nang padabog at tumalikod sa kanya. Ramdam ni Dinnah ang tensyon sa hangin hanggang sa muling tumahimik ang paligid. Matangkad at makisig pang lalaki si John at ganon din ang alaga nito! Kinaumagahan, nagising si Dinnah na may kaunting gaan sa loob. Pakiramdam niya ay nanalo siya sa isang malaking laban dahil nalampasan niya ang unang gabi nang hindi nabubuko. Pero ang saya niya ay agad napalitan ng sobrang pagkailang at pagkabigla. Sakto kasing pagdilat ng kanyang mga mata, kalalabas lang ni John mula sa banyo. Basa pa ang buhok nito at tanging isang puting tuwalya lang ang nakabalot sa kanyang baywang. Kitang-kita ni Dinnah ang perpektong hubog ng katawan nito—mula sa malapad na balikat, matitigas na muscle sa dibdib, hanggang sa anim na pandesal sa kanyang tiyan. Pero ang lalong nagpagulat kay Dinnah ay nang biglang tanggalin ni John ang tuwalya sa harap niya nang walang pasintabi! Parang wala lang kay John ang maghubad at ipakita ang kanyang p*********i. Lantaran niyang ipinakita ang kanyang "malaking alaga" habang dahan-dahang kinukuha ang kanyang brief sa gilid. Kahit hindi ito kasing-bangis ng hitsura kagabi, sapat na ang laki nito para mapasinghap si Dinnah at mapatitig nang hindi oras. Agad siyang napaiwas at ibinaling sa pader ang kanyang paningin. Pakiramdam niya ay nagliliyab ang kanyang mga pisngi sa sobrang hiya. Napansin ni John ang mabilis na pag-iwas niya. Napatigil ito sa pagsusuot ng brief at tinitigan siya nang may halong pagtataka at pang-uuyam. Nakalimutan ni Dinnah na sa isip ni John, ilang beses na silang naghubaran ni Donnah kaya dapat ay wala na siyang pakialam. Bahagyang lumapit si John sa kanya, ramdam ni Dinnah ang init ng katawan nito kahit hindi sila nagdidikit. May mapanuksong ngiti sa mga labi ng lalaki nang magsalita ito. "You’ve seen this many times before, aren’t you used to it yet, honey?" mapang-asar na tanong nito. Napalunok si Dinnah. Gusto niyang sumagot, gusto niyang sabihing nagulat lang siya, pero parang umurong ang dila niya. Napakagat-labi na lang siya at habang nakatingin sa malayo ay nagawa niyang sumagot. "P-pasensya ka na, honey, may iba lang akong naiisip kaya yun lang r-reaksyon ko," Pagdadahilan pa niya. Ang bawat kilos ni John ay parang isang pagsusulit, at sa bawat oras na lumilipas, mas lalong nagiging delikado ang kanyang sitwasyon. Paano niya mapapanindigan ang pagiging "palaban" kung sa isang hubad na katawan pa lang ay parang hihimatayin na siya sa hiya? Sandaling tumigil si John sa pag-aayos ng sarili at hinarap si Dinnah. Ang kaninang mapang-asar na ngiti ay biglang napalitan ng isang seryosong tingin na tila ba binabasa ang bawat iniisip ng dalaga. Naupo ito sa gilid ng kama, sapat na malapit para maramdaman ni Dinnah ang init ng balat nito. "Anyway, are you really feeling better now? Hindi na ba umiikot ang paningin mo?" tanong ni John habang ang mga mata ay nanatiling nakapako sa mukha ni Dinnah. "O-okay na ako, John. Medyo nakabawi na ng lakas," maikling sagot ni Dinnah, pilit na pinapatatag ang boses para hindi mahalata ang matinding kaba. Tumango si John at tumayo para kuhanin ang kanyang relo sa ibabaw ng side table. "Good. Because we’re leaving today. Mag-impake ka na dahil babalik na tayo sa Santa Maria, Bulacan. Asawa na kita, so, dadalhin na kita doon. Nandon talaga ang bahay ko, at itong bahay-bakasyunan ay ginagamit ko lang kapag gusto ko ng katahimikan kaya binili ko ito sa mga Montefalco," Parang binuhusan ng malamig na tubig si Dinnah. Santa Maria, Bulacan? Mas lalong lumayo ang distansya niya sa kanyang pamilya at sa totoong buhay niya. Ang pagdadala sa kanya ni John sa tunay nitong tahanan ay nangangahulugang mas magiging mahigpit ang hawak nito sa kanya. Paano na ang kanyang tatay na may sakit? Paano kung doon na siya tuluyang mabuko? Kitang-kita sa mukha ni Dinnah ang pagkabahala, kaya naman muling lumapit si John sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang baba at bahagyang itinaas ang kanyang mukha para mapilitan siyang tumingin nang diretso rito. Isang pilyo at makahulugang ngiti ang gumuhit sa mga labi nito—isang ngiting alam ni Dinnah na may balak na mapangahas. "Don't look so worried, honey, parang hindi ka naman sanay, you're so wild. Ano tong bago mong palabas? tinatakam mo ba ang bago mong asawa?" bulong ni John na tila ba nanunukso. "I know how to make you feel even better. Tutal ay sinabi mong okay ka na, dadaan muna tayo sa isang malamig na motel bago tayo tumuloy sa Bulacan. Doon natin itutuloy ang 'honeymoon' na naudlot kagabi." Hinaplos ni John ang pisngi ni Dinnah gamit ang kanyang hinlalaki bago nagpatuloy sa mas mababang boses. "Para pagdating natin sa motel, insakto ding magiging ganap na ok ka na. I missed how aggressive you were, and I can't wait to have you again in a private room. I might miss your aggressiveness, but I prefer you this way. It feels so much better to own you." Nanigas sa kinatatayuan si Dinnah. Ang salitang 'motel' at 'honeymoon' ay parang hatol ng kamatayan para sa kanya. Habang nakatingin sa mga mata ni John na puno ng pagnanasa, isa lang ang pumasok sa isip niya: Patay na. Wala siyang takas. Ang plano ni John ay tila isang bitag na dahan-dahang sumasakal sa kanya, at sa bawat segundo, lalong lumalalim ang hukay na kinapapalooban niya bilang si Donnah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD