Chapter 9 Gala night

2538 Words
Yama Nagsimula na naman kami sa aking training. Ang daming itinuro si Ms Vera sa akin. Dahil puspusan ang aking training, minsan gusto ko na din sumuko kasi nahihirapan na din akong i-absorb lahat. Minsan nag-over think na din ako, kasi minsan feeling ko malaki ang obligasyon na inaatas sa akin. What if magkamali ako? Ayoko na maging dahilan sa failure niya or masira ang name niya. Mabuti nalang palaging nakaalalay si Vera sa akin. Palagi niyang pinapalakas ang aking loob. Iniisip ko nalang na para ito sa aking pangarap. "You should know what a corporate attire is, the difference between business formal and casual. Formal dress in a gathering event is also different. You can mix and match depende sa event na dadaluhan mo. What's important is how you carry yourself in front of everyone." Paalala pa niya sa akin. "Let the clothes suit you, it doesn't matter if it's branded or not. But you have to know what type of fabric that is expensive. Some people know what type of person or class you belong through the clothes you wear." Isa isa niyang ipinakita ang mga mamahalin na fabric at kung paano ito kilatisin at kung ano ang in ngayon na style. "Classic style always stands out. Di ito mawawala sa market and never out of fashion. You should know the latest trend in the market as well." She helped me kung paano artihan ang sarili in simple and easy manner. Madali lang pala. "Kahit gaano ka kalata dahil sa busy schedule and maybe wala ka pang tulog, never showed it to anyone. Have a chirpy look and be ready to accommodate anyone, always on the go mindset. Rox life is always busy and hectic." Hinangaan ko si Vera kasi ang dami niyang alam at para bang natural lang lahat sa kanya. "I know that look Yama. You will be like me soon kapag isinabuhay mo lahat ng matutunan mo sa akin. It's not easy but can be learned." "Now let's focus on the inner part. Your attitude towards other people. Kung paano ka makipag-usap with class. You can't buy class, it's either you are born with it or you acquired it. Dahil once it's was your attitude lalabas at lalabas yun. Kung baga it's your character." Tama naman siya. Kahit anong tago lalabas ang totoo mong ugali. "In the environment na kinabibilangan ni Rox or sayo soon, your patience, your character will be put to a test kaya dapat alam mo kung paano yun pakibagayan at paano yun iwasan. Kung kailangan mong makipagplastikan sa kanila gawin mo." "You have to adapt easily. Learn to compromise as well. Wag mong ibaba ang sarili mo kahit naapakan na ang iyong ego kundi showed to everyone na mataas ka sa kanila. Ang asar ay talo." Ganito pala ang buhay ng mga mayayaman. "Ms Vera paano ko sila masasabayan kung kulang ako sa aking kaalaman at napag-aralan?" Yun talaga ang pinakamalaking problema. Baka mahihirapan akong intindihin sila sa wikang English. "Yan ang malaki nating tutukan. But first you should know the basics of having a conversation." "When talking to someone focus your attention on the person you're talking with. Learn to engage but never rebut. Let that person finish what she or he wants to say and analyze what he means then formulate your response in your mind." Nakikinig talaga ako sa sinasabi ni Vera. "Saka mo sabihin ang sagot mo at dapat relevant and straight to the point pero di insulting or embarrassing. Let that person feel na interested ka sa topic kahit di ko na gusto." "Para di ka mahihirapan sa pagsasalita ng English, learn to talk about it often, para masanay ang dila mo. Matutunan mo yun sa simpling pakikinig sa usapan. The more you listen and copy mas madali kang matututo." Tiruan di niya ako tungkol sa iba't ibang mouth exercise para mabigkas ko ng maigi ang bawat salita at masabi ng maayos. "I guess this all for now. Tomorrow or next day we will focus on executing all what I have told you. Practicing it as often as possible para makasanayan mo na." "All I can say is madali kang turuan Yama, just have confidence on yourself. Nakikita ko na matalino ka, kulang ka lang sa napag-aralan. More polish pa and you're good to go;" nakangiting saad ni Vera. Naging masaya ako sa aking narinig mula sa kanya, dahil di basta basta si Vera. Isa siya sa mga tinitingala ngayon na tao sa entertainment and fashion industry. Makuha lang ng compliment galing sa kanya ay sobrang saya na. Kinabukasan ayon nga nagsisimula na kami kung paano gamitin ang mga itinuro niya sa akin. Palagi niya akong kino-correct kasi mawawala pa ako. Binigyan niya ako ng tips kung paano madaling matutunan ang mga bagay. Pati sa pananamit at kilos ko binabantayan niya. She judges me according sa mga choices ko. Strikto siya sa policy na English only sa aming conversation para daw maging natural ako. Kahit nahihirapan pinilit kong mag-english. "Congratulations Yama, in just few weeks of our training I saw a lot of improvements in yourself. Well done. We will continue doing the training until i see you fully ready." Kinagabihan habang naghahapunan kami ni Rox. Napansin ko na palagi niya akong tinitingnan. Ilang araw din siyang nawala at ngayon lang nakabalik galing business conference. "I heard a lot of good feedback from Vera and seeing you now confirms what I just heard." Nakangiti niyang sabi. "Magaling lang talaga si Vera magturo. Ang daming kong natutunan sa kanya pero inaamin ko nangangapa parin ako." Pag-open up ko sa kanya. "It's okay learning takes time, it's a process. Don't overwork yourself. By the way I have a gala to attend tomorrow night. Can I ask you to accompany me? I need someone to be with me." Nang narinig ko yun bigla akong nagpanic. "Huh, bukas na?" Di ko mapigilang matakot. Ready na ba ako? "Don't worry just relax, kasama mo naman ako. It's just a gala night." Nakangiti niyang sabi na parang baliwala lang yun. "I will send someone para ayusan ka at magdala ng susuotin mo. The gala starts at 8 in the evening. Susunduin kita by 7." "Ah okay." Alanganin kong sabi. Magtitiwala nalang ako sa kanya. Siguro dito ko masubukan ang mga natutunan ko Kay Vera. Dumating si Vera kinabukasan kaya sinabihan ko siya about the event. "Okay here's the thing. If it's a gala Rox will always be in your side. Darating kayo in a red carpet. Take a picture and all. Stand straight, chest out and walk slowly. Maraming mga press ang nakaabang diyan at most of them wants to interview Rox." "Hawakan mo ang braso ni Rox as soon as you step out of the car. Every time may magtatanong na press just bear your little smile and never leave Rox's side. Let the people think that you are a couple." "Rox is a businessman kaya maraming gusto kumausap sa kanya. Wag kang magsasalita kung di ka nila kinausap. Just be yourself at wag kang matakot." Tinandaan ko lahat ng bilin niya. Mga around 4 in the afternoon dumating ang hinahire ni Rox na mag-aayos sa akin. Kumain na ako para di ako madaling magutom. Nagtreatment muna kami sa aking hair. Naghand and foot spa. Facial treatment as well. Completo sila ng gamit kaya nag enjoy ako masyado. Dumating si Rox around 7 at hinintay ako sa sala. Naglakad ako katulad ng itinuro ni Vera. Nasa hagdanan palang ako pababa ng nahagid ko ang mata ni Rox. Di niya ako nilubayan ng tingin, hanggang nasa harapan niya ako. "Hi;" sabi ko sa kanya kasi di siya nagsasalita. Nakamata lang sa akin. "You look amazing, so beautiful. Di kita halos nakilala." Sambit niya. "Pasado ba ako sa unang test ko? At maging escort mo tonight?" Sabi ko nalang para mawala ng tension naming dalawa. "Yeah you exceptionally did. Come on let's go." Inaalalay niya ako pasakay sa sasakyan. "Para saan ba ang gala event na ito?" Decide ko na kausap sa kanya para may mapag-usapan. "Well it's about raising funds for charity and I happen to be part of the charity. For a decade now I'm one of the donors. It's not just about business it's about helping others in need. Ang benefactor namin are those people who are suffering from cancer and leukemia patients." Ah mabait at matulungin pala siya dati pa. Hinangaan ko siya dahil dun. Di lahat kayang i-share ang pera nila sa iba. Pagdating namin sa venue kita ko maraming press nakaabang sa mga dadalo. "Don't leave my side okay para di ka mawala. Just hold my hands kasi paparazzi can be intimidating sometimes." Tumango ako, at least siya ang nagbigay ng signal na pwede ko siyang hawakan katulad ng sabi ni Vera. His bodyguard secure us para di kami dumugin ng press kasi pinagkaguluhan talaga kami pag step out palang nang sasakyan. "Mr Wilford anong masasabi mo sa gala event an ito?" "Well it's another event katulad ng dati. I will always support this charity. And hope marami kaming malikom na pondo tonight to help those who badly needed it. Sana maraming magshare ng kanilang blessings." Belib ako sa pagiging down to earth niya at kompyansa sa sarili sa pakikipag usap sa mga press. Lahat natural lang, pati ako nadadala sa taas ng confident niya. "And who is this beautiful lady na kadate mo ngayon sir?" Nabigla ako agad sa question ng press na isinama ako. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Rox. Nafeel ko ang assuring niyang haplos pabalik sa akin na ibig sabihin okay lang, wag akong mag-alala. "She is someone special." Mariin niyang sabi sa lahat sabay ngiti. "That's all guys and have a good night." Sabay alis namin sa lugar. "Kinakabahan ako dun ah kasi nasama ako bigla sa usapan." Bulong ko sa kanya habang inalalayan ako papasok sa loob ng hall. "Don't worry about it. You will always be safe kapag kasama mo ako. Just don't let go of my hands, okay?" Tumango nalang ako. Na feel ko ng security sa sinabi niya. Pagdating namin sa loob, tumambad sa akin ang malaking bulwagan. Maraming dumadalo at lahat sila elegante tingnan. Maraming bumabati kay Rox, alam mo talaga na bigatin siya the way siya nirecognize ng iba. Sa bawat lugar na pinuntahan niya, andun ako nakikinig lang sa kanila. Palaging magkahawak ng aming kamay. Di na ako naiilang di katulad kanina. Nasanay na ata ako na hawak niya ang kamay ko. Minsan na feel ko na na bored na siya sa pakipag-usap kasi pinaglalaruan na niyang kamay ko at minsan nafeel ko na may kuryenteng na dumadaloy nito at nakikiliti ako pero di ko ipinahalata. "Are you okay?" Pag-alala niyang tanong niya sa akin. Palagi niya akong kinakamusta. "Ah oo naman. Akala ko mahihirapan ako masyado sa pakikiharap sa mga tao." So far okay naman ang event. Walang big deal na nangyayari. Patuloy lang ako sa pag-oobserve sa aking paligid. First time kong nakadalo ng ganito. Dati nakikitanaw lang ako habang kami ang nagseserve ngayon part na ako ng event. "Pacensiya ka na, this is how business world works. Always busy at maraming gusto makipag-usap. Come on dun tayo sa table to eat our dinner, for sure gutom ka na." Hinila na naman niya ako dun. And he assisted me para umupo, feeling ko para akong rayna na pinagsisilbihan niya. Tinawag niya ang waiter para sa aming pagkain. Siya na ang nag-order para sa akin kasi di naman ako familiar sa mga pangalan na nasa menu. May tinawag din siya para sa drinks namin. Champagne lang ang kinuha niya para sa akin. "Hi Rox;" bigla bati ng isang sophisticated na babae sa aming harapan at biniso si Rox. "Oh hey Margie, how are you?" Balik na bati ni Rox sa kanya. Sa tingin ko matagal na silang magkakilala, the way kung paano kagiliw ang babae kay Rox at naupo ito sa side niya. Ako nakamasid lang sa kanila. Di naman ako affected. "Okay lang naman ako, ikaw naman di ka na napasyal sa bahay. I miss you na." Maarting sabi pa nito sabay hawak sa braso ni Rox. Tingin ko di lang sila magkaibigan or may gusto ang babaing ito sa kanya. "Oh I'm just so busy lately." Sabi ni Rox. Dumating ang pagkain namin. Rox assisted me sa mga pagkain. Di na niya pinansin ang babae sa katatalak kasi nasa akin na ang focus niya. "You want this?" Tanong pa ni Rox sa akin at tumango lang ako sa kanya. "Waiter, can I ask for my food as well and bring it here?" Sabi ng babae parang ayaw ata umalis sa table namin. Hindi na sya binigyan ng pansin ni Rox, kung ako nun aalis na lang ako for delicadiza pero di ata nakahalata ang isang ito. Patuloy lang kami sa aming pagkain at patuloy rin sa babae sa kasasalita. Then uminum ako ng drinks after kumain. Tinandaan ko bawat salita ni Vera na don't talk while your mouth is full at slow lang kapag kumain, like enjoying the food. Sa wakas umalis na din ang babae, nakakahalata na walang interest si Rox sa kanya. "You're doing well with your training coz so far you're doing great." Binantayan niya pala ako. "Pasado na ba ako?" Ngiti kong sabi. "Yeah more than qualified, in fact you're more cultured than Margie. You may see it sa mga kilos niya while ago. She has no manners even she is part of the elite society." Gusto ko mang itanong kong sino siya sa buhay ni Rox pero ayaw ko naman magmukhang atribida o chismosa. Trabaho lang ang ginagawa ko, di ako dapat lumagpas sa di dapat. Ininum ko ang drinks. Nagustuhan ko ang lasa ng champagne kaya napapabilis ang pag-inum ko. "Oops hinay hinay lang, you will get drunk by it easily." "Masarap kasi at ngayon lang ako nakainum ng ganito." Pabulong kong sabi sa kanya para di marinig ng iba. Mapalawak lang ang ngiti niya sakin. Di naglaon bigla kong nafeel na nahihilo ako. Ay nalasing na ako agad? "Rox mukhang tinamaan ata ako dun sa ininum ko. Sorry naging matigas ulo ko." "It's okay, it's a celebration anyway. Just rest for a while para mawala ang hilo mo. Or would you like to dance later para mawala ang tama ng alak sayo?" "Sige ba basta alalayan mo lang ako huh kasi di naman ako marunong sumayaw." Naging magaan ang buong gabi namin. Sumayaw din kami at nagtawanan kasi may tama na kami pareho. Naging carefree kaming dalawa. "Thanks Yama sa pagsama sa akin sa event na ito. I enjoyed my time with you;" saad niya ng nakarating na kami ng bahay. "Ako din, thank you kasi di mo ako pinabayaan dun at nag enjoy talaga ako. Ngayon pa lang ako nakaranas na umaattend ng event." Pagpakatotoo ko sa kanya. "My pleasure, this would not be the last. Have a good night." Sabay bigay niya ng halik sa pisnge ko. Nagulat man binaniwala ko na lang kasi normal lang sa kanila yun. Magaan na halik lang yun at di ako sanay sa ganuong pero nagustuhan ko siya. Parang may pagpapahalaga at paggalang na halik ang ibinigay niya sa akin, I feel special.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD