Yama
"How was the gala last night?" Yun ang unang bungad sa akin ni Vera pagdating niya sa room for our training.
"Okay naman lahat, akala ko mahihirapan ako dun at di ko kakayanin pakiharapan ang mga tao dun pero di naman pala. Palaging nakaalalay si Rox sa akin. Kapag may nagtatanong tungkol sa akin, siya agad ang sumasagot. Di niya ako pinabayaan."
Pag-open up ko sa kanya. Lately naging mas open ako kay Vera. Di siya mapaghusga at magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Feeling ko she's someone I can trust with my secret.
"Ganun talaga si Rox. Mabait yun at gentleman pero strikto sa trabaho. Iniingatan lang niya ang kanyang pangalan at magaling makikisama sa lahat, yun nga lang masama kapag magalit or kinakalaban siya."
Patuloy lang ako sa pakikinig. Feeling ko sini-share lang niya ang buhay ni Rox sa akin.
"In the business world di maiiwasan na may taong gusto kang sirain, the competition is high. They tried to protect what they got. Kasi once masira pangalan mo it will affect on the business as well."
Patuloy pa niyang saad. Dahil kay Vera may nalalaman ako about kay Rox pero feeling ko marami pa siyang itinatago na secret. Ang isang katulad niya ang malalim.
He is still a mystery to me. Bihira lang kasi nagsasalita at feeling ko palagi niya akong binabasa at iniobserbahan.
"Vera gaano mo kakilala si Rox?" Curious kong tanong.
"Oh I knew him more than others knew him. As I said we are friends for a long time. Di pa ako kilala sa industry at di pa kami magkakilala ng asawa ko magkaibigan na kami. Di siya mapili sa kaibigan as long as you're sincere and honest to him."
"Siya ang unang taong tumanggap at nagtiwala sa akin. Like you, I came from a poor family, kulang sa napag-aralan, walang alam. In short I'm just a nobody but he helps me. Siya din ang dahilan why I meet my husband because they are good friends."
Yun pala ang storya nila, di basta basta na magkakilala lang kundi tunay na magkaibigan.
"Me and Rox are like brothers and sisters. Kaya you can trust me as how Rox trusted me." Sabi pa niya habang tinitingnan ako. Alam ko din binibasa ako ni Vera. Di ko lang alam kung pinagkatiwalaan niya ako.
"Rox, may see something in you kaya ka narito. My advice, learn to trust him, he's a good guy. I can see a good future in you basta maging totoo ka lang sa kanya and never betray him. In return he will treat you like a queen." Seryoso niyang sabi sa akin at may ibig sabihin yun.
Napangiti na lang ako sa sinasabi niya. Di ko pa alam kung hanggang saan ang alam ni Vera tungkol sa akin at kung anong meron kami ni Rox.
"Now let's continue our training. We will focus on how to handle other people as it's part of your job as his secretary right? Rox is always surrounded with people. Before him ikaw muna ang haharap sa kanila."
Tumango ako sa kanya. Kasi yun ang sabi ni Rox dati na maging secretary niya ako when we are outside. Like when we are traveling.
"He often to travel everywhere in a short period of time kaya dapat you can adapt that lifestyle. Always ready and on the go. He said your work is more on assisting on him when you're outside and his companion as well. Kasi may secretary naman siya sa office niya."
"Kilala si Rox sa maraming tao. You maybe had witness that. Maraming ding babaing nalilink sa kanya at nagkakagusto. Ikaw ang haharap nun para sa kanya."
"You must know how to handle that kind of attitude, the bitchy attitude of those women who want to be involved with him. Particular si Rox sa kanyang privacy. He doesn't want to be invaded in his personal space and private moments."
Lahat ng sinabi niya tinandaan ko yun. Ayaw kong magkamali kapag nasa totoong trabaho na ako.
Ang aming training ay more on personality development, career advancement and how to act na professional kahit kulang ako sa napag-aralan.
Sinasabihan niya ako ng mga points at terms usually ginagamit ng mga mayayaman at yun ang code ko paano ang tamang approach dun. Ang training namin ay pangmadalian talaga. Lahat short cut.
After ng training namin kapag nasa room na ako nagbabasa din ako at nagsesearch about buhay ng mga mayayaman para alam idea ako kung paano kumilos sa actual.
Lumilipas ang araw na marami na akong natutunan at natapos na din ang training namin ni Vera.
"Good luck sa journey mo with Rox, Yama. You can call me anytime if you need help. In short period of time na magkakilala tayo I have a soft heart for you. I treat you like my younger sister." Niyakap niya ako kaya we hug each other.
"I'm happy to be working with you. Be careful but I know you're in good hands."
Paalam niya sa akin. Masaya ako na di na pala iba ang tingin niya sa akin.
Isang hapon dumating si Rox galing ibang bansa, may dinaluhan na business summit.
Nasa garden ako nun nakikinuod at nakikinig sa isang English speech. Ang sabi ni Vera palagi daw akong makikinig nun para masanay at matoto ako ng tamang wording, paano bigkasin ito ng tama at mapamilyar sa mga salita.
At tama siya mas marami akong natutunan dahil dun.
"For you;" rinig kong sabi sa kung saan kaya napapalingon ako. Nakita ko si Rox na nakatunghay sa akin at may binibigay.
"Para sa akin?" Tumango siya at umupo katapat sa akin.
"You really take it seriously. I have been here for few minutes now pero di mo ako napansin. You're so engrossed in what you have been looking up."
"Di naman nakakatuwa kasi ang dami kong nalalaman dahil sa pakikinig ko sa kanila." Masayang kong sabi.
"Ano to?" Tanong ko uli about sa binigay niya.
"Just a present. I saw that in the streets and decide to bought it for you." Parang baliwala lang niyang sabi. Parang maliit lang na bagay.
Tiningnan ko ang box na bigay niya. Namangha ako sa aking nakikita. Isang set ng jewelry at sa tingin ko mamahalin yun kasi gold. Alangan naman bibili ang isang tulad niya ng fake.
Napapatingin ako sa kanya.
"Mamahalin to, ibibigay mo lang sa akin?"
Di ako makapaniwala sa kanya. Paano niya akong nagawang bigyan ng ganito ng ganun lang ka simple na paraan? Na parang kinuha lang sa tabi tabi.
Sabi pa niya nakita niya sa street pero sa ibang bansa naman at di ako naniniwala dun kasi may logo ang box at mamahalin ang packaging.
"Yeah, you don't like it?" May pangamba sa mukha niya.
"Di naman, sobrang ganda nga niya eh kaya lang mahal ito." Alanganin kong sabi. Nahihiya kasi marami na siyang nagawa para sa akin.
"How do you know that it's expensive? You don't know where I bought it?" Napangiti ako sa sinabi niya.
"Di ka basta basta bumibili ng fake na bagay at sa isang kalye lang. At galing ibang bansa to, dollars ang value, mas mahal parin kaysa sa atin. Tapos gold pa saka nakabox ng mamahalin na may logo kaya impossible na di mahal."
Nakangiti kong sabi para di ma-offend pero ayaw ko din ipakita na I'm after sa mga bagay na kaya niyang ibigay sa akin or mga luho sa buhay.
Nakita ko ang bahagya niyang pagngiti kasi natumbok ko agad. Di ko lang alam ang totoong value ng logo na ito.
"It's okay, as long as you like it."
"I super like it talaga, kaya lang nakakatakot ito suotin sa labas kasi baka ma-snatch sa daan, sayang." Napasimangot at may panghihinayang kong saad at action na sana ibigay uli sa kanya ang jewelry.
"No, don't worry, we got a few bodyguards around. Walang maglakas loob na i-snatch ka. And you can wear it anywhere." Hmmm, tama naman siya. Wala ata akong lusot sa reason niya.
"And you need accessory in your body. You're in my world now. It's part of the things I can give to you and you are expected to have it."
Ahhh kaya pala, ganito pala siya ka galante sa mga babae niya. At oo nga naman, isa na ako sa mga babae niya at dapat lang na magmukha akong karapat dapat sa kanya. Walang rason kung bakit di ko ito tanggapin.
"Ahh okay, sabi mo eh. Thanks huh sa pa gift;" simple ko lang sabi.
"You're welcome, it's nothing. By the way, Vera said the training is already done and she has a high regards on you. And seeing you now how dedicated you are makes me proud of you. So congratulations for the job done."
"Masaya ako na marinig yan mula sa kanya. Nagsusumikap talaga ako kahit ang dami kong dapat ihabol. Ayokong mapahiya ka ng dahil sa akin. Just because sa kakulangan ko. I'm really trying. Eh ito oh sinubukan ko nga mag English para masanay ang dila ko."
Nginitian lang niya ako.
"I have an out of town trip in the next few days somewhere in Visayas. Can you go with me. It will be a 3 days event. I'm invited to be the speaker of the event. I will be attending a conference meeting after habang naruon tayo and maybe have a vacation as well."
"Ah sure, paghandaan ko yan. Mga ilang days ba tayo lahat naruon para alam ko kung ilan ang damit na dapat kong dalhin."
"Maybe we will stay in the province for a week or so." Marami pa kaming napag usapan dun sa garden.
Sa bawat araw na nakasama ko siya at nakilala ang pagkatao niya, unti unti na rin napapalagay ang aking kalooban sa kanya. Masasabi ko na magaan lang siya katrabaho.
Di ko lang maintindihan kung bakit ilag ang iba sa kanya. Siguro dahil na rin sa respito bilang tao at sa kinalalagyan niya sa lipunan.
Kaya ako din di dapat maging makampanti kasi tulad ng iba dito sa bahay, isa lang din akong tauhan. Di ako dapat mapalagay kung binibigyan niya ako ng attention higit sa pagiging tauhan.
Kasi lahat ito ay di magtatagal. Isang taong kontrata lang at babalik ako uli sa dati pero sisiguruhin ko na di na ako katulad ng dating Yama. Ibang Yama na ako ngayon. Di masasayang ang natutunan ko dito.