Kasalukuyang akong nagre-ready sa aking mga dadalhin sa aming trip. Ito ang unang araw na magsisimula ako sa aking trabaho.
Pagbaba ko palang sa may hagdanan may umaalalay agad at kumuha sa aking gamit. Alert talaga ang mga bodyguards ni Rox. Kahit alam nila ang totoo pero nakita ko parin ang respito nila sa akin at parang boss pa ang tingin nila sa akin.
Di naglaon nakita ko si Rox palabas ng bahay at kasunod ang mga katulong dala ang luggage niya.
Sa akin naman pilit kinukuha ni Leni ang gamit ko pero di ako pumapayag kasi di naman mabigat. Tinulungan na nga niya ako I arrange ang mga gamit ko sa taas
"Are you ready?" Tanong niya ng makalapit, kaya tumango ako.
Bahagya pa niya ako tiningnan ang aking porma. Alam ko nanibago siya sa aking ayos. Kahit ako di makapaniwala sa aking transformation, na ito na ang bago kong kaanyuan.
"You look great;" bahagya pa niyang sabi na ikinatuwa ko naman.
Oo ibang iba na ako ngayon. Sinunod ko bawat sinabi ni Vera, how to dress up, the way to talk and to move. That I need to look good kasi kasama ko si Rox. Whatever I wear or do will affect him and his name at ayaw ko masira ang pangalan niya.
"Yama, sa pagsama mo kay Rox di maiiwasan na you will catch attention from everyone. Lahat sayo susuriin ng mga tao at media. Kaya dapat maging handa ka." yun mismo ng sinabi ni Vera sa akin as reminder.
"Vera paano kapag nalaman nila ang pagkatao ko?" Pagkabahala kong sabi.
Kasi alam naman ng mga kakilala ko na may asawa akong tao. High tech na ngayon, madali lang itrace at malalaman ng tao ang pagkatao natin through social media.
"Don't worry about it. Si Rox na balahala diyan. Rest assured di ka niya pababayaan. Just continue doing kung ano man ang napag-usapan niyo." With that napatango na lang ako.
"Shall we;" untag pa niya sa akin kasi nanatili lang akong nakatayo. Dahil naging okopado ang aking isipan sa nakaraan. Tumango ako sa kanya.
He holds my hands and opens the car door para makapasok ako at sinuotan ng seatbelt.
Napatanga ako sa kanyang ikinilos. Di ko akalain na ang isang Rox gagawin ang isang bagay na halos ang bodyguard at katulong ang gumagawa nun sa kanya. At ngayon siya ang gumagawa nun sa akin.
"That's better;" sambit pa niya pagkatapos at pumunta sa kanyang side at pinagbuksan siya ng kanyang bodyguard.
"Any problem?" Untag pa niya sa akin. Di ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya kaya dali dali kong binawi ang tingin sa kanya.
Tahimik kaming bumabyahe. Wala naman akong alam kung saan kami pupunta. Never pa ako nakatapak ng ibang lugar kundi sa Manila lang.
Pagdating namin sa airport deretso lang kami kasunod ng bodyguard.
Tapos sumakay agad ng ibang sasakyan na mukhang airplane din pero maliit sa karaniwang airplane.
"This is my private jet. Ito ang ginagamit ko sa pagbyahe. This is much comfortable and easier than commercial plane." Informa pa niya. Nakikinig lang ako sa kanya.
Sobrang yaman talaga niya para gamitin pa niya ang sariling plane. Sabagay ayaw ng mga mayayaman mahalo sa iba, ayaw nila ng maingay at magulo. Sa dami namin bumabyahe tiyak magasto kapag commercial plane.
Maganda ang loob para ka lang nasa bahay, complete aminities sa loob.
Umupo ako katabi niya kasi di ako sanay baka mahilo pa ako. Napasigaw ako agad ng nagtake off kasi sobrang sakit sa taynga parang sasabog ito.
"Lumunok ka or just swallow your saliva to release the pressure. It's the pressure that makes it painful." Sinunod ko ang sinabi niya at binigyan niya ako ng tubig. Nawala naman ang sakit.
Pero kinakabahan ako nong nasa taas na kami at gumiwang ng kaunti ang jet kaya di ko namalayan na napapakapit na pala ako sa kanya.
"It's your first time to travel via plane? Just relax, it's just a turbulence."
"Paano mo nalaman?"
"You look nervous. Don't worry, you are safe. My pilot is a season pilot and a good one plus my plane is top of the line, it is in its best quality so we are safe."
Kaya napapakampanti ako sa sinabi niya.
Pagdating namin sa airport ng Cebu may sumundo naman sa amin. At hinatid kami sa isang magarang beach resort na pagmamay-ari din pala niya.
"Just rest first then we will dine later." After 2 hours may kumatok sa akin na hotel attendant. Naghihintay daw sa akin si Rox sa may restaurant area dali dali akong nag-asikaso sa aking sarili.
Nakita ko siyang nakaupo sa may gilid naghihintay sa akin. Nahiya naman ako kasi pinaghintay ko siya.
He signal na i-serve na ang pagkain.
"I ordered the food already. We will have light dinner kasi for sure mamaya matagal tayo makakain." Bahagya lang akong tumango.
"Ano bang klaseng event ang dadaluhan natin mamaya?"
"It is a convention of all businessmen here. They want me to be the guest speaker since my name and my business are quite known here."
Di yun impossible kasi sikat talaga siya.
"Three days ba yung convention? Kasi 3 days din tayo dito.
"No, 2 days lang ata. Tonight is the welcome party to all businessmen na dadalo and tomorrow is the start of the convention which is dun ako maging speaker."
Kinagabihan nagready na ako, suot ko ang isang black gown na hapit sa aking katawan. I do my own hair and make up.
Sabi ni Rox 7:30 ng gabi daw niya ako susunduin sa room.
Pagkatapos ng lahat halos di ko na nakilala ang aking sarili. Ngayon ko lang naamin na may ibubuga din pala ako, na maganda ako na katulad ng sinasabi ng lahat.
Palagi kong naririnig na sinasabi ng iba na maganda ako pero di ko yun pinaniwalaan kasi tingin ko malayo ako sa sinasabi nilang maganda. Iba ang expectation ko sa salita na yan. Yong mala diyosa ang mukha, pang beauty queen dating, smart at may touch of sophistication na tinitingala sa lipunan.
Sa ilang taon kong pananatili dito sa Manila masasabi ko na naging maputi ako di katulad sa amin na brown color ako kasi babad sa init. Mas lalong naging maganda ang balat ko ng napunta ako sa bahay ni Rox.
Masasarap ang pagkain, naka-aircon palagi, nakapag-exercise ako sa kanyang gym plus nakaskin care pa ng mamahalin. Alaga ang sarili at katawan and nakapostura pa. Kunbaga lumabas talaga beauty ko dito na di ko inakala na meron ako.
Nakarinig ako ng mahinang katok. Kaya lumabas na ako.
"Hi;" sabi niya na patitig sa akin, di makapagsalita.
"May sasabihin ka?" Untag ko sa kanya.
"Ahmm sasabihin ko lang sana if you're ready to go."
"Ahh oo so let's go." Nagpatiuna ako ng lakad. Pero naabutan niya ako at hinawakan ang aking kamay.
Di ko na ako nagtataka kasi he always do that now, nakasanayan ko na.
Pagpasok pa lang namin sa sasakyan may binulong siya sa akin.
"You look gorgeous in that dress, so stunning." Bigla akong kinilabutan at the same time proud kasi naapreciate niya ako.
"Thank you;" mahina kong sabi kasi kasama namin ang bodyguard at driver sa loob at nakasunod ang isang sasakyan na bodyguard ang laman.
Medyo kampanti na ako ngayon di tulad ng nakaraan na puno ng kaba kapag magkatabi kami.
Pagdating namin sa venue halos mga lalaki ang nasa loob nakapormal attire katulad namin. May iba kasama ang partner nila or asawa.
Katulad ng nakaraan, naalalay lang ako palagi kay Rox. Alert din ako sa usapan nila kasi ang iba nagpa-appointment pa kay Rox dahil may mahalagang transaction. I take note everything sa aking cellphone na bigay niya.
Umiinum din ako minsan sa dala kong wine katulad ng ibang babae. Di nagpapahalata na bago ako sa ganitong sitwasyon or environment.
Kahit nangangalay na ang paa ko dahil sa taas ng takong, kinakaya ko parin kasi trabaho ito. Maraming gustong makausap ni Rox kaya di kami makaupo.
After some time, di ko na talaga kaya kailangan ko ng magbawas. Naiihi na ako dahil narin siguro sa ininum kong wine.
"Rox, aalis muna ako;" bulong ko sa kanya ng mabakanti. Nagtataka siya at tiningnan ako.
"Naiihi na kasi ako. Di ko na kaya." Nahihiya kong saad.
"Okay samahan na kita."
"Wag na, okay lang. Maraming kang dapat kausapin pa. Ako nalang, saan banda ang CR dito?" He give me the location kaya sinunod ko yun.
Sobrang sarap ng pakiramdam after ako makabawas kasi kanina ko pa talaga yun ininda, pinigilan ko lang. I also stretch my body para marelax.
Nagretouch na din ako dun. After ako ma-satisfy sa aking ayos, lumabas ako ng CR.
Paglabas palang may humblot sa akin.
Mukhang nakainum na lalaki. Bigla akong nakaramdam ng takot.
"Bakit mister may kailangan ka?" Matapang kong tanong kahit medyo kinakabahan na ako.
"Oh hi miss, you look so pretty. You catch my attention when you pass by kaya sinundan kita dito."
Mukha siyang creepy kahit mayaman at gwapo tingnan. Babaero din ang dating.
"Salamat sa pag-appreciate pero may asawa na akong tao." Sabi ko nalang para mawala ang attention niya sa akin dahil may sabit na ako sa buhay.
"Well I don't care kung may asawa kana, you still look so hot. Iwanan mo ang asawa mo at sumama ka sa akin. Promise di ka magsisi kasi kaya kitang paligayahin at ibigay sayo ang lahat ng gugustuhin mo."
Naalibadbaran ako sa kanya kasi mapilit. Kaya iiwas nalang ako. Paatras pa lang ako ng bigla niya akong hinapit sa may baywang.
"Please ayaw ko ng gulo, kaya bitawan mo ako." Pakiusap ko pa kasi ayaw ko makalikha ng gulo at madamay ang reputation ni Rox. Tingin ko isa din siya sa deligate dito sa convention.
"Sabi ko naman sayo na gusto kita di ba? Kaya wag ka ng mag-inarti diyan. If I know katulad ka din ng iba na pera lang ang habol. Andito ka lang para makabingwit ng malaking isda. Kaya kitang bayaran kahit magkano pa gusto mo."
Nagpantig ang taynga ko sa aking narinig. Ininsulto niya ang pagkatao ko, kaya nasampal ko siya.
"s**t, you hit me;" galit niyang saad at hinablot ang kamay ko, nasaktan ako lalo sa ginawa niya.
"Bitiwan mo ako, tulong;" sigaw ko pa kahit malakas pa rin siya kahit lasing na. Kulang din ako sa lakas dahil sa tama ng aking ininum kanina.
"Walang tutulong sayo dito kasi pagmamay-ari ko ang lugar na ito;" ngisi pa niya. Dahil sa sinasabi niya mas natakot ako lalo kasi nasa dilim kami na bahagi.
Walang makapansin sa amin at kung meron man sino ang tutulong sa akin, kung siya ang may-ari sa lugar na ito? Sino ang maglakas loob na kalabanin siya?
"Bitiwan mo ako sabi eh;" sigaw ko pa sabay papak ng kanyang braso para mabitawan niya ako at makaalis sa kanyang bisig.
Nasaktan ko siya kaya mabitawan niya ako. Rinig ko pa ang lakas ng mura niya. Timing paalis na ako ng nahagip niya ang aking braso at sinampal ako ng malakas kaya napadapa ako sa sahig at para akong nahilo dun.
Rinig ko pang may napasinghap at may nagsisigawan. Naging malabo na ang mata ko sa sobrang hilo.
"How dare you touch my woman;" rinig ko sa isang madagundong na boses. Di ko makita kung sino kasi hilo pa ako pero kilala ko ang boses na yun, it's from Rox.
Itinaas ko ang ulo at pilit inaaninag ang nag-aawayan sa aking harapan. Si Rox sinuntok ang lalaki. Nakita ko ang labis na galit sa kanyang mukha na di ko pa nakikita noon.
"Sino ka ba, para maki-alam sa amin? Awayan ito ng magsyota." Hirit pa ng lalaki na mas nakapagpagalit kay Rox.
Mas sinuntok pa niya ang lalaki na nakadapa na, may dumating na mga guard ng hotel.
"What's happening here? Mr Wilford, bakit mo sinuntok ang anak ko?" Tanong ng isang medyo may kaidaran na lalaki.
"Is this your son, then teach him a lesson baka mapatay ko pa yan. How dare him to touch and hurt my woman."
Pinuntahan ako ni Rox at binangon mula sa sahig.
"Are you okay?" Tumango lang ako. Nakita ko na marami ng usisero na nakapaligid sa amin. Hiyanghiya ako sa nangyari, for sure laman kami ng balita sa susunod na araw.
"Ikaw ang sinasabi niyang asawa?" Nakita ko ang takot sa mukha ng lalaki.
"What's happening here Greg?" Galit na sabi ng matanda.
"Dad, she seduces me kaya sinundan ko siya dito, she flirted with me kaya di mo ako masisi."
Bigla siyang kinuwelyuhan ni Rox uli at sinuntok.
"How dare you accuse her of doing that? And saying that stupid lies. She will never do that kaya mag-iingat ka ng iyong pananalita." Banta pa ni Rox na nagpapatahimik sa lalaki.
"Mr Reyes, I guess you heard enough of what your son is capable of. I will not let this pass. We will file a case against him, kaya humanda kayo."
"I'm sorry Mr Wilford, ako na ang humingi ng paumanhin in behalf of my son."
"No, he should learn his lesson. If di ako dumating he could rape her coz your son is a scumbag." Sabay alis at inaalalay ako.
"We will go to the doctor for your medical examination. We need evidences but first magpablotter muna tayo para may record ka."
"Rox I'm sorry, ito ang ayaw ko sanang mangyayari kaya di ako lumaban kanina. Wag nalang kaya para di na lalaki ang issue."
"What, mas nanaisin mo pa na masaktan just to conceal my reputation?"
"Oo dahil alam ko kung gaano kahalaga sayo ang pangalan mo kaya ayaw kong mabahiran yun."
"Goodness woman, you are more important to me than my reputation. No one will lay their hands on you. I had promised you that you are safe with me and this happens kaya di ko sila mapapatawad."
"Paano yan Rox mayaman sila at sila ang may-ari sa lugar na yun. Wala tayong laban sa kanila. Kahit wala akong kasalanan wala tayong makukuha na ebedensya at baka mabaliktad tayo hawak nila ang CCTV."
Nakita ko ang pag-igting ng panga niya.
"Don't worry akong bahala. I'm more successful than them. They will vow on us."
I guess di ko na mapigilang pa ang gusto niyang gawin kaya nakiayon nalang ako.
Aminin ko man I am touch kasi he believes in me. Akala ko maniniwala na siya dun sa lalaki na inakit ko siya.
I can trust him that he will take care of me the way he promise. Ngayon ko palang na feel na may aasahan ako sa isang lalaki at ipagtatanggol ako.